"Kevin? Anong ginagawa mo rito?"
Sa nanlalaki kong mga mata ko siya tinanong. Pero ningitian lang niya ako. Nakakapagtaka naman na andito 'to ngayon?
"I'm just checking on you. Sabi kasi ni nurse Jenny, she sent you home."
Napatiim ang mga labi ko. I cleared my throat.
"Uh, oo eh. Sumama na rin kasi 'yung pakiramdam ko."
Kita ko naman ang pag-alala sa mga mata niya. "Why? Are you still not feeling well?"
Napa-iling iling naman ako. "O-Okay na ako. Kakagising ko nga lang, eh."
Mataman niya lang ako tinignan. "I see. Mabuti naman kung ganoon."
Napakamot ako sa ulo. Kaunting tahimikan ang bumalot sa amin. Bakit ang awkward naman? Bakit ba kasi andito 'to? Okay, concerned siya pero ang unusual naman na nandito siya. Ngayon lang 'to nangyari.
"I almost forgot." Pagbasag niya sa katahimikan. May iniangat siyang paper bag sa akin na hindi ko naman napansin na dala niya. "Here. These are for you. To make you feel better."
Tinitigan ko ito pagkuwa'y kinuha na rin. Nakakahiya naman kung hindi ko ito papansinin. I opened the paper bag to see what's inside. May mga gamot, chocolates, at prutas ang nandoon.
"Ang dami naman nito, Kevin?" Pagbabalik ko ng tingin rito.
He grinned at me. "Wala 'yan. Kulang pa nga 'yan, eh."
Hindi ko alam pero bigla ata akong pinamulahan ng pisngi. "Salamat. Nag-abala ka pa."
"I'm just worried about you, Alice." Tila parang may makabuluhan siyang sinabi about dito.
Nginitian ko ito ng matamis. "Sabi ko naman sa'yo, Kevin. Okay nga lang ako. Ako pa ba?"
Lumapit ito ng bahagya sa akin at ginulo ang buhok ko. "I know."
Hindi ko alam pero bigla akong namula sa ginawa niya. Matagal naman niyang ginagawa ito sa akin pero bakit ngayon kakaiba sa pakiramdam? Hay! Baka may sakit lang talaga ako.
May mga napag-kuwentuhan pa kami ni Kevin ng kung anu-ano. Nakakatawa nga dahil para kaming mga ewan na nandito lang sa may pintuan namin. But, one thing is pakiramdam ko may nakatingin sa akin, sa amin.
Pasimple kong inikot ang mga mata ko sa paligid pero wala naman ako makitang tao, o dahil gabi na din at wala akong maaninag?
Iwinaksi ko sa isipan ko nalang iyon. Binalik ko ang tingin kay Kevin.
"Tara dito muna tayo." Pag-aya ko sa kanya. Inilapag ko muna sa gilid ng pinto yung paperbag bago ko isinara ito.
Naupo kami ni Kevin dito sa maliit na garden ni mama, may maliit na bench rin naman dito. Napatingin ako sa kalangitan, ang daming mga bituin at bilog na bilog ang buwan na siyang nagsisilbing liwanag sa madilim na gabi.
"Ang ganda ng langit, 'no?"
I looked at Kevin, he's also staring at the night sky. I smiled. "Oo nga, eh. Nakakarelax tignan."
"Alam mo? May kilala rin ako na maganda."
"Sino naman?"
Binalik ni Kevin yung mga tingin niya sa akin. Medyo matagal bago siya sumagot pero pakiramdam ko para niya akong tinititigan pati yung kaluluwa ko. Ang lalim niyang tumingin. Kahit madilim kita mo pa rin ang kaguwapuhan nito. May itsura si Kevin pero mas guwapo para sa akin si Calvin. Siya lang.
"Secret." Sabi nito bago nakakalokong ngumisi.
Napanguso naman ako. "Baliw ka talaga."
"Oo, baliw sa'yo."
BINABASA MO ANG
Under His Spell
General FictionEverybody is a slave when it comes to love. .. Ngunit hanggang kailan? Hanggang kailan ka magpapa-alipin sa pag-ibig kung ang sarili mo mismo ay napapabayaan na? Susuko ka ba o lalaban? TLH Series: Alice and Calvin's Story