UHS: Chapter 8

8 0 0
                                    

"Alright, class! Settle down please?"

Sabay-sabay kami nagsibalikan sa mga respective chairs ng marinig ang teacher namin. Last subject na namin ito and it's Literature.

Inayos ko ang mga gamit ko sa bag bago ibinaba ito sa gilid ko. Bigla nalang kumalabog ng mabilis ang dibdib ko nang pakiramdam ko parang may nakamasid sa akin.

Pasimple akong luminga sa paligid at agad nagtama ang mga mata namin ni Calvin na sadyang ikinagulat ko. I can see that he's also shock pero agad din naman napalitan at siya na ang unang umiwas ng tingin at itinuon ang atensyon sa harap.

There's an unknown slash in my heart that I felt with that simple glance. Pakiramdam ko namumula ako. Gusto ko murahin ang sarili ko. Heto nanaman, nagwawala nanaman ang systema ko. Nag-momove-on na nga ako!

Napa-ismid ako at umayos nalang ng upo paharap. I sighed. Kailan ba matatapos 'tong parang malamig na pader sa pagitan namin? It's suffocating.

"Good afternoon, class!" Bati ng guro na tinugon naman ng klase.

"I have news for you today, I'll let you have this free time since it's Friday naman." Humiyaw ang klase. Ang iba pinupuri pa ang guro namin.

"Quiet, people! But there's a twist." The happy noise suddenly die down. Ngumisi naman ang guro. "We will be having some pop quiz for our lesson yesterday."

Lahat naman ay narinig na umangal sa sinabi ng guro. Pangatlong quiz na namin ito ngayon araw kaya siguro quotang-quota na sila sa mga tanong.

Hindi ko naman masyadong pinansin iyon dahil mas gusto ko nga ang may ginagawa para ma-divert ang attention ko sa ibang bagay.

Matunog na ngumisi ang guro. "I'll let you have this free time if you will finish the quiz fast. Here's the thing, I will partner you all by two's para mapabilis, how's that sound?"

Unti-unti naman sumang-ayon ang mga kaklase ko. Napahalumbaba nalang ako habang naghihintay ng iba pang sasabihin ang guro.

"Okay, I will group you guys by two randomly to be fair."

"Miss Perez! Puwede po ba partner nalang kami Kevin?"

Napatingin naman ang klase sa nagsalita, natawa kami. Natatawang napa-iling naman si Kevin.

"Ako po puwede po ba si Mia nalang?" Sigaw naman ng isa.

Natawa ako ng biglang umasim ang mukha ni Mia. Ang nagsabi kasi no'n ang yung weirdo namin na kaklase na si Maxon. Ang weird kasi ng personality niya. Nakikihalubilo naman siya, may itsura si Maxon, matangkad, actually kasama siya sa varsity team, mayaman, at ang alam ko isa sa mga board of directors ng University ang Daddy n'ya pero may something talaga sa kanya na tinatago niya.

"Oh, please, Maxon? Tigilan mo nga ako!" Inis na sabi ni Mia na nagpatawa sa buong klase.

Napa-iling-iling naman ang teacher namin at nagsimula mag-asaran yung mga kaklase ko.

In my peripheral vision, ramdam ko na napatingin si Calvin sa akin pero hindi ko na pinansin at hinantay na lang na magsabi ng instructions ang teacher namin.

"Okay, stop it, people. Let's start na. Ayaw niyo ba makauwi agad?" Natahimik ang lahat. "I'll be calling names na and once I called you, please go to your partner."

Bigla naman umayos ang klase at nagsimula na magbanggit ng pangalan ang teacher namin. Unti-unti naman nagsisilipatan ang mga natawag na.

Napatingin nalang ako sa bintana habang naghihintay na banggitin ang pangalan ko. Napakunot ang noo ko, medyo madilim ang kalangitan. Parang uulan. Bigla ko naalala na nakalimutan ko pala yung payong ko.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon