UHS: Chapter 11

8 0 0
                                    

"I DON'T CARE! DON'T LET THOSE FUCKING BASTARDS GET AWAY. FUCKING EXPEL THEM FOR ALL I CARE! I WANT THEM GONE!"

Unti-unting gumalaw ang mga mata ko nang marinig ko ang isang sigaw. My sight are blurry and I can see a dark room with a single light.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko, ramdam ko na parang may nakabalot sa akin na isang bagay kaya napalingon ako rito to find a comforter covering my body.

My eyes roamed around the dim room at kinalabugan ako ng dibdib.

Nasaan ako?

Hindi pamilyar ang kuwarto kung nasaan ako. Napansin ko na may lampshade na nakabukas na nagsisilbing munting liwanag ng kwarto.

Dahan-dahan akong bumangon at biglang napaungol ng sumakit ang ulo ko. Napahawak ako rito.

A-Ano ba ang nangyari?

Kinakalma ko ang sarili ko para alalahanin yung mga nangyari. Nasa Bar kami nila Mia, Kevin, at Maxon. Sumasayaw kami ni Mia ng biglang may nagpakilala sa akin pagtapos ay nanlamig bigla ang katawan ko nang maalala na kinuha ako ng lalaki na nakilala ko.

Si Z-Zade

Nasa puder ba ako ni Zade? M-May nangyari ba sa amin?! Bumilis ang tibok ng puso ko. Agad akong napakapa sa sarili ko pero nangunot ang noo ko ng parehas na damit naman ang suot ko?

Bigla ko naalala na bago nagdilim ang paligid ko ay nakita ko nalang siya na nakahandusay sa sahig.

Kung ganoon, nasaan ako?

Natigil ang pag-iisip ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Para akong natuod sa puwesto ko nang magtama ang mga mata namin at naputol ang pag-iisip ko kung nasaan ako. Bahagya itong nagulat nang makita ako pero agad dumilim ang mga mata nito.

Unti-unti itong naglakad at naupo sa kama.

"C-Calvin."

Lumamlam ang tingin nito sa akin at umusog papalapit. "Are you okay? How are you feeling?"

Naguguluhan pa rin ako. Paano ako napunta rito?

"P-Paano? N-Nasaan ako?"

Hinawakan niya ako sa pisngi na nagpasinghap sa akin.

"In my condo. You're safe now." Aniya sa boses na parang nanghehele.

It felt like all of my strings to avoid him faded and I found myself clouded in tears while realizing what just happened to me.

Napahikbi ako and then I found myself caged in his arms.

"C-Calvin, natatakot a-ako."

He caressed my back and I can't help myself not to cry.

"I know. Hush now. No one will hurt you, never again, moro mou."

His hug tightens and I found myself gripping his shirt so hard because of this feeling being so afraid. Pakiramdam ko katapusan ko na.

Pero dumating siya. Niligtas niya ako. Narinig niya ako kahit sa isip ko lang siya tinawag.

Nang kumalma ako ay ako na ang unti-unting kumalas sa yakap namin. Pinahid ko ang pisingi ko na puno ng luha.

Napuno ng katahimikan ang buong kwarto pero agad ko rin pinutol iyon.

"Calvin."

Lumingon ito sa akin, hindi ko masyadong maaninag ang mga tingin niya. Hindi ito sumagot kaya naglakas-loob na ako magsalita. Pakiramdam ko may bara sa lalamunan ko.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon