Being a scholar student gives you so much pressure.
Maraming expectations ang inaasahan nila sa'yo. They expect you to be the best among the rest. Be the first one to answer everything. Parang pagdating sa mga group projects or discussions, ikaw agad ang leader and they will follow everything you will say.
However, little did they know how much effort we need to exert not just for the academic achievement but also for the tuition fee discount that we need.
Maybe for some it's not a big deal, but for us living under the middle class, means a lot. Hindi lang nakakatulong sa pansariling kaunlaran kundi para sa mga magulang o pamilya na nagpapa-aral sa mga kagaya kong iskolar.
"Ang hirap naman!"
Napakamot ako sa noo ko ng marinig ko muli ang reklamo ni Mia. I sighed at nagbasa nalang ulit.
"Bakit naman kasi kasama pa 'to?" Nakangusong sabi ni Mia.
Natawa ako at napa-iling. Padabog naman na pinaglilipat-lipat nito ang mga pahina ng hawak niyang libro at pabalik-balik ang tingin nito sa notebook at libro.
"Oh, look! Ang haba pa ng coverage!" Sa nanlalaking mga mata ni Mia.
Wala sa sariling ginaya ko rin ang ginagawa ni Mia para makita kung ano yung tinutukoy niya at napakagat ako sa labi ng mapagtantong tama nga ang sinasabi nito.
"Isang subject palang yan, Mia. May dalawa pa nga." Napapailing na sabi naman ni Kevin.
Napatingin ako sa katabi ko at kita mo ang pag-ngiwi nito at uminom nalang sa iced coffee nito.
"Gosh! Grabe naman kasi 'tong subject ni Ms. Castro! Puro self study nga pinapagawa niya tapos ang haba pa ng binigay na coverage sa exam." Reklamo muli ni Mia.
I sighed at nilapit nalang sa kanya ang inumin nitong mango shake at nakanguso naman ng kinuha ito at uminom.
"Puro ka kasi daldal, baby Mia. Ayan tuloy nahihirapan ka."
Matalim na tinignan naman ni Mia ang nagsalita. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Excuse me! Ano bang paki mo? At teka bakit ka ba andito ha, Maxon?"
Mapaglarong ngumisi naman ito. "Easy. E'di sinasamahan ka." Sabay kindat nito.
Umasim ang mukha ni Mignonentte at inikutan ito ng mga mata. "Hindi ka kailangan dito. Kaya umalis ka na at iba ang nararamdaman ko sa'yo."
"Oh? Alam ko namang may gusto ka sa akin kaya nga ako nandito eh." Mayabang na sabi nito at umakbay sa upuan ni Mia.
Mia made a face. "Ang kapal mo naman! Nandidilim ang paningin ko sa'yo, Maxon! Yun yon!"
"Hmm.. bakit namumula ka, baby?" Asar pa ni Maxon na lalong nagpamula sa mukha ni Mia at ayan nanaman po sila nagbabangayan.
I sighed at napailing bago ibinalik ang tingin sa hawak na libro.
Kasalukuyan kasi kami na nandito sa isang coffee shop malapit sa University. Tapos na ang klase namin para sa araw na 'to. At dahil sa makalawa na ang midterms namin, napagdesisyunan namin ni Mia na simulan na mag-review at inuna nga namin itong isang mahirap na minor subject namin.
Nu'ng una ay kaming dalawa lang ni Mia pero habang naglalakad kami papunta sa coffee shop ay nakasalubong namin sina Kevin at Maxon kaya heto kaming apat magkakasama sa isang table. Katabi ko sa kaliwa si Kevin at nasa tapat naman namin si Mia at Maxon.
"Huwag mo nga ako ma-'baby' d'yan! Hindi kita tatay." Masungit na sabi ni Mia.
"Hmm.. sugar daddy lang." Nakangising sabi ni Maxon na ikinapula ng mukha ni Mia.
BINABASA MO ANG
Under His Spell
General FictionEverybody is a slave when it comes to love. .. Ngunit hanggang kailan? Hanggang kailan ka magpapa-alipin sa pag-ibig kung ang sarili mo mismo ay napapabayaan na? Susuko ka ba o lalaban? TLH Series: Alice and Calvin's Story