UHS: Chapter 2

261 5 0
                                    

Napapikit muli ako. Hindi ko alam kung bakit ko pa din napapaniginipan ito. Bata pa ako noon pero paulit-ulit pa din ako dinadalaw ng batang iyon sa panaginip ko.

"Alice, gising! Huy!"

Muli nanaman akong niyugyog. I groaned at nilipat sa kabilang side ang ulo ko.

"Ah, ayaw mong gumising ah."

Sabi ng isang tinig sa tabi ko pero hindi ko ito pinansin. Gusto ko pang matulog. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa dami ng assignments at project na tinapos ko. Mabuti naman at nilubayan na ako ng gumising sa akin.

I'm trying to regain my dreams earlier. Ang panaginip kung saan ko palaging napapaginipan ang batang lalaki na nakalaro ko. Simula kasi nu'n ay hindi na naalis sa isip ko ang batang iyon. And up until now, napapaginipan ko pa din ito.

Automatic naman na dumilat ang mga mata ko ng makaramdam ng malamig na bagay sa mukha ko. Inaangat at hinarap ang taong nag-wisik sa akin ng tubig sa mukha.

"Mignonette!" sigaw ko dito pero tinaasan lang ako ng kilay nito.

"Ang hirap mo talagang gisingin kahit kailan. Anong oras ka ba natulog kagabi?" Tanong nito.

Napanguso ako at inilabas ang panyo ko pagkatapos ay pinunasan ang aking mukha. Wala na, hindi na ako makakatulog nito.

"Hindi ko alam. Madami pa kasi akong tinapos, eh."

Mia rolled her eyes at her. "Ginawan mo nanaman ba ng assignments at project ang lalaking 'yon?"

Bigla ako pinamulahan ng mukha at iniwas ang tingin kay Mia. Kilala ko kung sino ang tinutukoy niya. At hindi ko na kailangan pang sumagot dahil tama naman kasi ang sinasabi nito. Kaya ako na-late sa pagtulog dahil ginawan ko din ng assignments at project namin ang lalaking nagpatibok ng puso ko.

Napa-iling iling si Mia pagkatapos ay bumuntong-hininga. "Alice, Alice, hanggang kailan ka ba magpapa-uto sa lalaking iyon?"

"Hindi naman ako nagpapa-uto, Mia. Ginusto ko naman ito." Paliwanag ko dito.

Mia looked at me with worried eyes. "I don't know, Alice. I'm just concerned with you. Don't you think it's too much? Wala naman kayong relasyon pero kung umakto ka eh dinaig mo pa ang girlfriend sa ginagawa mo! Or should I say yaya."

Ako naman ngayon ang bumuntong hininga. At nilipat ang tingin sa bintana ng classroom namin. Dito kasi ako sa dulo naka-upo at sa tabi pa ng bintana. Naisip ko ang sinabi ng matalik na kaibigan ko. May punto naman ito pero hindi ko mapigilan ang sarili. Alam niyang wala kaming relasyon pero gusto ko kung anong meron sa amin. Kuntento na ako doon. Hindi ko alam pero may kakaibang gayuma ata ang meron ang lalaking iyon. Nagsimula ito nung Grade 5 ako at hanggang ngayon ay para pa rin akong patay na patay dito.

"Sana makita mo na 'yung batang lalaki na palagi mong napapaginipan."

Natigilan ako sa sinabi ng kaibigan ko. Alam kasi nito ang tungkol sa batang iyon.

"Ano ka ba? Hindi naman lahat ng panaginip, nagkakatotoo." Tanggi ko.

Mia shrugged her shoulders. "Who knows? Mas gusto ko naman iyon kesa sa dela Cruz na 'yon!"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at napa-iling na lamang ako. Simula nang malaman ni Mia ang ginagawa ko sa lalaking pinag-uusapan namin ay kahit kailan hindi naging boto ito dito. Mainit ang dugo nito dito. Dahil ang tinutukoy niya ay si Calvin dela Cruz. Ang varsity player at team captain ng Basketball Team, president ng student council, "Alpha student" ng Phoenix University. Sikat na sikat ito dahil hindi lang sa kagalingan nito sa Basketball, dahil na din sa angking kagwapuhan nito. All of the girls in our University would die para lang mapansin sila nito. Ang isa pang kinaiinisan ng kaibigan ko dito ay ang kaliwa't kanan na babae nito. Almost everyday ay may kasama itong babae kaya hindi maiwasan ni Mia ang mainis at maawa sa akin.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon