UHS: Chapter 10

7 0 0
                                    

"Guys free ba kayo tonight?"

Pambasag nito sa katahimikan. Nag-indian sit na si Kevin habang kumuha ng chips. Bumukas naman si Maxon ng isang ensaymada at agad na nilantakan.

"Bakit mo natanong?" Si Mia.

Nagkibit-balikat ito. "Kuya just opened his new bar. Soft opening palang naman kaya naisip ko na sakto kakatapos lang ng exams, baka puwede tayo mag-celebrate saglit."

Nagkatinginan kami ni Mia. Si Maxon ay wala naman pakialam dahil kain lang siya ng kain. Halos maubos na niya yung mga dinala namin na mga pagkain. Si Calvin naman ay tahimik lang sa gilid ko.

"Bar? Puwede na ba tayo doon? We're not 21 yet." Tanong ni Mia

May point naman ito. Hindi pa nga ako nakakapag-debut eh, hehe. Si Mia ay kakatapos lang dahil mas matanda siya sa akin ng buwan lang naman.

"I have my ways naman, Mignonette. Don't worry." At kininditan naman ito ni Kevin.

Bumalik ang tingin sa akin ni Mia at nagtatanong ang mga mata nito.

Bar? Hindi naman ako umiinom eh. At saka wala naman ako hilig sa mga ganyan. Hindi rin naman ako papayagan nila mama dahil puro alak ang nandoon.

"Uh? Kev, kayo nalang. Masyado na rin kasing gabi iyon." Pagtanggi ko.

Lahat sila napatingin sa akin at para naman akong nahiya. Eh, sa totoo naman kasi. Tumanggi na ako para hindi na sila mag-expect.

Ngumuso naman si Mia at parang nag-iisip.

"Yeah, me too. Next time nalang siguro?"

Kevin sighed at tumango-tango pero nagulat kami ng biglang dumighay ng malakas si Maxon at lahat kami napangiwi.

"Guys c'mon! Minsan lang naman tayo magsama-sama. And saglit lang naman tayo. By 11PM puwede na tayo umuwi." Pagpilit ni Maxon.

Muli kami nagkatinginan ni Mia. Tama naman ang sinabi ni Maxon pero sa Bar talaga? Puwede naman kumain nalang, hehe.

"Hmm, sure ba iyang 11PM na 'yan?" Si Mia na nakataas ang kilay.

Maxon smiled at her. Akmang aakbayan niya ito pero nauwi sa paghawak niya sa tyan dahil sinuntok siya ni Mia roon.

"Ouch naman, baby! At oo, ihahatid pa kita with matching princess treatment." Pilyong sabi ni Maxon at kumindat pa nga.

Mia rolled her eyes bago binalik ang tingin sa akin. Nangungusap pa rin ang mga mata. Uh-oh, ayoko ng ganyang tinginan ni Mia eh.

"Ali, sama ka na? Please?" At heto na po, nag-puppy eyes na po siya.

Alanganin akong ngumiti dahil hindi ko alam kung paano pa ako tatanggi. Hindi ko rin naman kasi sigurado na papayagan ako. First time ko itong lalabas sa gabi at iinom pa.

"Hindi naman ako papayagan nila mama." Napakamot ako sa ilong ko. "Kayo nalang, okay lang naman. Iinom niyo nalang ako."

"Ako magpapaalam kay tita! Sasabihin ko mag-oovernight ka sa bahay namin." Pagpilit ulit ni Mia.

"Ha? Alam mo naman hindi ko ginagawa iyon, Mia."

"Basta, ako na nga ang bahala. Sige na, Alice, please?"

Halos mag-bow na sa akin si Mia para lang mapapapayag niya ako. Hindi ko naman alam ang isasagot ko dahil unang-una wala naman akong susuotin. Wala naman akong pang-Bar na mga suotan. Pangalawa, hindi rin naman ako umiinom. Pangatlo, gabi na masiyado at tiyak na hindi ako papayagan nila mama.

"Si Mia na bahala sa pagpapaalam sa'yo, Ali. And don't worry, may mga ladies drink naman doon, hindi ka malalasing." Pag-aya muli ni Kevin.

"Kaya nga. Kami din bahala sa inyo, ang popogi kaya ng mga kasama niyo, macho pa kaya walang lalapit sa inyo." Confident na sabi ni Maxon.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon