WTSGD 7: The Stranger

1.2K 297 161
                                    

CHAPTER 7 - The Stranger

KARA FELT HER blood rush in her face when Janus faced her.

"Now that I have the derivatives of sine and cosine, all that I need to do is use the quotient rule on this, right?" tanong nito habang pinapakita sa kaniya ang gawa.

She nodded, trying to hide her blushing face. "Yes. I-try mo gayahin iyong example ko kanina."

Bumalik ang tuon ni Janus sa pagsasagot na nagpawala ng kaba sa dibdib niya. He seemed serious on what he was doing. Isang malaking tanong ang naiwan sa isip niya dahil sa nalaman kanina.

She stared at him. She finds him attractive while busy answering her given questions. Nakaka-attract naman talaga ang mga lalaking matatalino para sa kaniya. Also, his pointed nose and large Adam's apple is waving at her. Hindi niya maalis ang paningin doon.

Janus consciously looked at her. "Mali ba 'yong ginagawa ko?"

"Huh?" Naguguluhang tinaasan niya ito ng kilay.

"Kanina ka pa kasi nakatitig. Hindi ako makapag-concentrate," he said in a matter-of-fact tone.

Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Did she stare at him too much? Muli niyang naramdaman ang mabilis na pag-akyat ng dugo sa kaniyang mukha at ang pag-init nito.

"Sa papel ako nakatitig. Hindi sa 'yo."Sinubukan niyang pagmukhaing galit ang boses para hindi nito mahalata ang hiya roon.

He gave her a half shrug. "Okay na ba 'to?"

Nakayuko niyang kinuha ang papel na ipina-check nito sa kaniya. She focused her attention on the paper to make herself calm. Her heart was pounding so fast. Damn! Bakit ba kasi kanina pa siya kinakabahan? Maybe she was intimidated by Janus' presence. Ang lakas ng epekto nito sa kaniya.

"Bakit mo pala tinitingnan 'yong year book namin?" Janus broke the silence.

Umangat ang tingin niya. "Nakita 'ko lang kanina noong naghahanap ako ng books," pag-amin niya.

Which is true. Hindi naman niya sinasadyang makita iyon. It's not also weird to see their year book in the library dahil sa Arion International School naman nag-elementary ang kuya niya.

Ibinalik niya ang papel na sinagutan ni Janus. Nine out of ten. Madali itong turuan kaya wala siyang problema.

Janus frowned when he saw his mistake. "Fuck this negative signs!"

The silences overpowered them as Janus continued answering the other problem sets.

"Janus . . .," tawag niya. She wants to ask him.

"Hmm?"

"Bakit pala hindi kayo magka-year level ni kuya?" Umangat muli ang tingin nito sa kaniya. Ilang segundo itong tumingin sa kaniya bago sumagot.

"Naghinto ako nang isang taon." Ipinagpatuloy ni Janus ang pagsasagot at unti-unti naman siyang nakabawi sa pagkagulat.

Hindi na niya itinanong pa ang dahilan noon dahil baka may mabuksan siyang sugat ng nakaraan. Hindi na rin nasundan pa ang konbersasyon na iyon hanggang sa lumipas ang ilan pang minuto.

After checking Janus' progress, she faced him.

Tumingin siya sa kaniyang relo. "6:30 na. Kung may hindi ka pa naintindihan, pumunta ka na lang sa classroom," aniya saka inayos ang gamit.

Sabay silang lumabas ng library. Sumalubong sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin. Iilan na lang ang estudyante sa paaralan at nagsisimula na ring umuwi ang mga iyon.

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Bago pa man makalabas ng campus ay isang humaharurot na itim na van ang patungo sa kinaroroonan niya. Dahil sa bilis ng pangyayari ay tila nabato ang kaniyang paa at hindi na magawang makaiwas pa rito.

When The Sun Goes Down (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon