CHAPTER 16 - An Old Friend
"PASS DAW SI Kohen at Janus. Si kuya Oddity magco-cover daw ng event."
Hinarap ni Kara si Riella na kakapasok lamang sa classroom nila at sinamaan ng tingin.
"Bakit pati si Janus inaya mo?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Kabilin-bilinan ko si Kuya at Kohen lang," she scoffed.
Inutusan niya itong ayain ang kuya niya at sina Kohen na kumain ng lunch. Ilang araw na rin kasi simula nang magsimulang hindi magpansinan ang dalawa. Nais nila ni Riella na pagbatiin ito ngunit palagi namang umiiwas si Kohen.
Naupo si Riella sa bakanteng upuan sa tabi niya. May kalayuan ang inuupuan ni Vera kaya't hindi nito rinig ang pinaguusapan nilang dalawa. Nakasuot ito ng earphone at nakatungo sa desk niya habang nakapikit. Wala rin itong kaalam-alam sa plano ni Riella na pagbatiin ang dalawa.
Hinihingal pa ito nang harapin siya. Nag-abot ito ng bananacue saka sago't gulaman na tinanggap niya.
"Ang damot mo, Kara! Duh! Syempre di naman sasama si Kohen kapag wala si Janus."
Umirap siya. Padabog na sinandal ang likod sa upuan. She sipped on her juice and rolled her eyes. Thinking about the deal that Janus ditched. "Kahit pa. Ang kapal niya! Kagigil!"
Riella chuckled. "Wala ka pa rin bang singer?"
Binaba niya ang hawak na juice saka napabuntong hininga. "Malapit na yung deadline pero wala pa rin. Kung sana kasi marunong lang tumupad sa usapan yung kumag na 'yon, hindi sana ako nahihirapan ng ganito."
"Si kuya Oddity, ayaw mo?"
"He's bass, Riella. Sobrang baba ng boses niya kumpara sa composition ko. I know I can adjust pero iba pa rin kasi kapag si Janus 'yong kakanta. I composed the piece considering his voice pitch. Siya ang pinakabagay na kumanta noon. I even changed the song because of his circumstances with his dad."
Nakanguso niyang kinagatan ang bananacue. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang Song Writing Competition at ang nalalapit nitong deadline. Kung sana lang makakausap niya ng maayos si Janus. But nah. He's also ignoring her presence.
"Anong plano mo?" Riella asked, sipping on her sago't gulaman too.
"Hindi ko rin alam. Baka makahanap din naman ako ng kakanta. Sana nga lang ay umabot sa deadline. Mahirap mag-ayos ng areglo. Si Kohen sana ang second choice ko pero sa estado nilang dalawa ni Vera," dumako ang tingin niya kay Vera na natutulog pa rin, "mukhang malabo," dagdag niya.
Tumango si Riella bilang pagsangayon. Nilingon rin nito si Vera. Sobrang ingay ng classroom nila dahil walang prof ngunit parang wala lamang iyon kay Vera. Her eyes was firmly closed.
If you'll look at her, it seems like she doesn't have any problem at all. But they knew Vera. She's the kind of person who smiles to hide her pain. Kahit sa kaunting panahon lang na nakasama niya ito, si Vera ang tipo na mas gugustuhin sarilihin ang problema kaysa ang maglabas ng saloobin sa kanila.
"Sana magkaayos na sila," she whispered, in between her thoughts.
Riella nodded. "Hindi man ipahalata ni Vera, I know she was affected by the defeat after the battle of the bands. Pinaglaban kasi niya iyon sa mama niya. Hindi man siya nagkukwento sa akin, kuntento naman akong nag-oopen up siya kay Kohen. Pero ngayong magkaaway sila, I want to comfort her pero hindi ko alam kung paano. Even though we're bandmates and always together may mga times na sobrang layo niya sa akin. I don't blame her though. Maybe it was her way of defending herself. A defence mechanism. He's been with Kohen simula elementary kaya alam kong doon siya komportable. I just want them to be okay again. Vera needs Kohen right now."
BINABASA MO ANG
When The Sun Goes Down (✔️)
Novela Juvenil[CARPE DIEM #1] Kara made a pledge to herself after getting a slap from her disgruntled father that she would one day make him proud by pursuing her passion-writing songs. Eager to get his attention, she hires someone to sing her own song in an int...