CHAPTER 9 - Price of Being Number One
ILANG SEGUNDONG PINAGMASDAN ni Kara ang kaniyang maisking buhok sa salamin bago muli itong sinuklay. Nakangiti niyang kinuha sa drawer ng vanity table ang clip na bagong bili saka inipit sa kaliwang parte ng kaniyang buhok.
Ngumuso siya. "Ano ba 'yan! Bakit hindi bagay?" malungkot niyang saad. Muli niya itong inalis sa buhok at bumagsak ang kaniyang balikat sa pagkadismaya.
"What the hell am I doing?" tanong niya sa sarili.
Sa hindi niya malamang dahilan ay gusto niyang maging presentable sa pagpasok sa paaralan. Gusto niyang mag-ayos ng buhok at ng mukha.
Muli niyang sinuklay ang buhok at saka itinali ang kapirasong pulang laso roon. Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi nang makitang bumagay iyon sa kaniya.
Hindi pa siya nakuntento roon kaya muli niyang binuksan ang drawer ng vanity table saka kinuha ang liptint na nakatago roon. Inilagay niya ito sa labi at naglagay rin siya nang kaunti para sa pisngi. Kulay rosas ang shade nito na bumagay naman sa kaniya.
Muli siyang napangiti nang makita ang resulta ng pag-aayos. "Voila!" aniya at saka nag-spray pa ng pabango sa kaniyang leeg.
Isang marahan katok ang nagpapitlag kay Kara. "Sasabay ka ba?" Boses iyon ng Kuya Ei niya at bakas doon ang awtoridad.
Alerto siyang napatayo sa kinauupuan at mabilis na kinuha ang bag at ilang mga libro na kakailanganin niya sa paaralan. Isang sulyap pa sa salamin ang kaniyang ginawa bago tuluyang magtungo sa pintuan at saka iyon binuksan.
Nadatnan niya roon ang kuya niya na nakapamulsa. "Ang bagal mo mag-ayos—" Natigilan ito at saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa. "Naka makeup ka ba?" kunot noo nitong tanong.
Mabilis siyang umiling nang maramdaman ang mabilis na pag-init ng kaniyang mukha. "Hindi kaya! Bakit naman ako magme-makeup?" depensa niya saka ito inunahan maglakad pababa ng hagdan.
Nang makarating sa sasakyan ay panay pa rin ang tingin sa kaniya ni Oddity, marahil ay naninibago sa biglaang pag-aayos niya.
"Pangit ba?" mahinang tanong niya rito at saka muling tiningnan ang repleksyon ng sarili sa cell phone.
Gumuhit ang isang nakalolokong ngiti sa labi ng Kuya Ei niya. "Sinasabi ko na nga ba, nag-ayos ka, 'no?" Marahan siyang tumango dahil hindi talaga maipagkakaila iyon.
Kinamot nito ang kaniyang baba at umakto na tila nag-iisip ng isasagot sa kanya. "Hmm. Puwede na rin. Actually, you look great," sabi nito saka ginulo ang kaniyang buhok. "Hindi mo naman kailangan mag-ayos, e. You're beautiful even without this and this." Tinuro nito ang kaniyang pisngi at labi.
"Anong nakain mo ngayon?" nagtataka niyang tanong sapagka't bibihira lamang itong maglabas ng nararamdaman.
Muli siya nitong nginitian. "Ito naman, pinupuri ka na nga, e. Masama na bang magsabi nang totoo?" tanong nito gamit ang nagtatampong tono.
Umiling siya. "Naninibago lang ako sa 'yo."
"Wala namang iba sa 'kin, ako pa rin ito," sabi nito saka ginulo ang kaniyang buhok.
Makaraan ang ilang minuto ay natanaw na niya ang paaralan nila. Gaya ng nakagawian ay naunang bumaba si Oddity, samantalang makalipas ang ilang minuto ay saka pa lamang siya nakababa ng sasakyan.
Bago maglakad ay muli niyang tiningnan ang repleksyon sa side mirror at nang makuntento ay sinimulan na niyang maglakad.
Tinungo niya ang General Building upang sadyain ang resulta ng kanilang pagsusulit. Doon kasi ipinapaskil ang listahan ng mga nakakuha ng mataas na marka.
Puno ng estudyante ang buong announcement area dahil sa dami ng naghihintay ng resulta.
BINABASA MO ANG
When The Sun Goes Down (✔️)
Teen Fiction[CARPE DIEM #1] Kara made a pledge to herself after getting a slap from her disgruntled father that she would one day make him proud by pursuing her passion-writing songs. Eager to get his attention, she hires someone to sing her own song in an int...