CHAPTER 38 - I'm Sorry
KARA NEVER WATCHED any news about celebrities, but her eyes were pinned on the television as she focused on the news about Janus.
"Seryoso ba sila?" singhal niya habang nagsasalin ng gatas sa baso niya.
She's on her way to the office when she saw the news. It was a clip of her, Janus, and the girl on the restaurant yesterday. Ayon sa reporter ay pinahiya raw ni Janus iyong babae na model pala sa isang sikat na magazine. Umani iyon ng maraming batikos at humihingi ang mga fans noong babae ng apology galing kay Janus.
Dahan-dahang uminom si Kara sa baso niya habang tutok ang mata sa TV. Ganito ba talaga ang buhay showbiz? Punong-puno ng fake news? Kung siguro ay wala siya sa pinangyarihan na 'yon ay naniwala na rin siya dahil napakagaling ng kuwento noong newscaster.
"Some journalist really stoop down to this level?" aniya saka inilagay sa lababo ang baso at nag-ayos para sa trabaho.
The whole day went well except when the hands of the clock reached three in the afternoon. May session na naman siya kay Janus at hindi pa siya nakababawi sa nangyari kahapon. Hindi niya alam kung bakit hindi niya makalimutan ang pinag-usapan nila sa elevator.
She felt guilty saying those words to him. Siguro'y dala na rin ng mga hinanakit niya rito. Matapos sabihin ang mga salitang iyon kahapon kay Janus ay hindi na ito umimik pa.
Tahimik siyang umalis sa opisina nila para magtungo sa unit ni Janus. Wala si Mrs. Vergara dahil busy sa kliyente nito kaya tahimik ang opisina niya.
Nang makarating siya sa labas ng condominium ni Janus ay natigilan siya. Punong-puno kasi ng media ang labas nila at tuwing may pumapasok at lumalabas ay alerto ang mga ito. The sight of too many media outlet brings back bad memories to her.
Lumapit si Kara sa receptionist at ipinakita ang ID niya. "Kay Mr. Valderama po," aniya sa mahina na boses dahil may babaeng nakasuot ng press ID nakakunot ang noo sa kaniya.
"Ms. Kara, hindi raw po muna sila magpapapasok sa unit ni sir. Baka raw ho, magkagulo." The girl in the reception gave her an apologetic smile.
Mabagal siyang napatango saka tumalikod roon at kinuha ang cellphone niya. It would be rude if she wouldn't inform him so she decided to give him a text before she leaves.
Unknown Number: Mr. Valderama, hindi raw sila nagpapapasok sa unit mo for security purposes. Postponed muna natin session mo?
Nang maipadala na niya ang mensahe ay saglit siyang sumulyap sa babaeng nakatitig pa rin sa kaniya. Nakaupo ito nang hindi kalayuan sa reception at kanina pa ito sumusulyap sa kaniya. Ramdam niya iyon dahil sa mabilis itong umiwas ng tingin nang sumulyap siya.
Tumayo iyong babae saka lumakad at lumapit sa kumpulan ng media sa kabilang table. May kinalikot ito sa cellphone niya saka may ipinakita sa mga iyon at muling sumulyap sa kaniya. Mabilis na kinabahan si Kara dahil doon, nakilala ba siya ng mga ito? Is she in trouble? Bago pa man siya makapag-panic ay nilapitan siya ng babae sa reception.
"Ms. Kara, p'wede na raw po kayong tumuloy sa unit ni Mr. Valderama," nakangiting sinabi nito saka sinamahan siya papunta sa elevator, ngunit nahagip ng mata niya ang reporter kanina na isinisigaw ang pangalan niya.
"That was her! 'Yong Kassandra Sandoval na nagnakaw ng kanta ni Janus!" the reporter said with wide eyes.
Mabilis silang naglakad noong babaeng receptionist papunta sa elevator at may dalawa ring lalaking nag-assist para makapasok siya. When the elevator opened, she entered fast with the two receptionist.
Nang makarating sa floor ni Janus ay nginitian niya ang mga ito. "Thank you po sa pag-assist," magalang niyang sinabi saka tuluyan nang lumabas ng elevator.
BINABASA MO ANG
When The Sun Goes Down (✔️)
Fiksi Remaja[CARPE DIEM #1] Kara made a pledge to herself after getting a slap from her disgruntled father that she would one day make him proud by pursuing her passion-writing songs. Eager to get his attention, she hires someone to sing her own song in an int...