WTSGD 26: By Your Side

903 220 36
                                    

CHAPTER 26 - By Your Side

UNANG HINANAP NG mata ni Kara si Janus nang makapasok siya sa music room, ngunit wala ito sa loob, gano'n din si Kohen. Siguro ay may klase na ito. Tinungo niya ang kinaroroonan ni Riella, nakaupo ito at mukhang naglalaro ng Adorable Home.

"Hoy!" tawag niya.

Inangat nito ang tingin sa kaniya saka pinatay ang cell phone. "Hoy ka rin! Bruha ka! Ba't hindi ka pumasok?"

She stifled a laugh. "Sama ng pakiramdam ko kanina. Wala naman daw ginawa, eh, sabi ni Vera."

"Gaga nagpa-quiz si ma'am," pananakot nito at hindi lang niya pinansin. Alam naman niyang hindi ito seryoso.

Nilingon niya sa sofa si Vera. Nakatagilid ito ng higa at nakasuot ng earphones. Hindi nito napansin ang pagdating niya dahil doon. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang mabilis na pagtaas baba ng balikat nito.

"Tulog si Vera?"

"Malamang,Kara. Hindi ba halata?" pabalang na sagot ni Riella kaya bahagya niya itong kinutusan.

"Riella, mukhang naiyak," mahina niyang bulong.

Doon lamang napatitig si Riella kay Vera at sumeryoso ang hitsura. Muli nitong binalik ang tingin sa kaniya.

"Is it her mom?" muli niyang bulong.

Hindi sumagot si Riella ngunit naglakad ito palapit kay Vera. Lumapit rin siya nang tapikin ni Riella nang bahagya ang braso nito.

"Vera . . ."

Umiling ito. "Don't mind me, guys. I'm fine." Based on her words, they know she's not okay.

Naupo si Riella sa sofa saka ito pilit na pinaupo. Vera immediately wiped her tears using the back of her palm. Marahil ayaw nitong makita nila siyang umiiyak.

"The last time I checked, hindi iyan ang mukha ng okay," medyo pabiro pero seryoso pa rin ang mukha na tanong ni Riella.

"I'm fine, Riella. Can I just get a hug from you, guys?" Mabilis naman nila itong niyakap.

After a minute, kumalas na ito sa yakap saka nakangiti silang hinarap. Tumigil na ito sa pag-iyak at pinunasan ang luha.

"Thank you," nakayuko nitong saad.

She patted Vera's back. "If ready ka nang magkuwento, nandito lang kami."

Tumango ito saka sila nginitian. They stayed in the music room until 2 p.m. Vacant kasi nila nang one hour kaya nakatambay pa sila. Pagkabalik nila sa room ay nag-discuss lang ang subject teacher nila at maaga ring nag-dismiss.

"Kara, mamaya ka na umuwi," Riella said while taking a picture of their notes on the black board.

"Bakit? Sa'n tayo punta?" aniya habang inaayos ang gamit.

Lumapit sa kaniya si Vera na nakasuot ng earphone. "Nag-aya si Sir Jannick mag-celebrate. Sagot daw niya."

"Sama ka please!" Riella gigled.

Gusto sana niyang mag-review ng ilang notes dahil may quiz sila bukas, pero tumango na lamang siya dahil ayaw niyang magtampo ang dalawa.

"Alam na nina Kuya?" tanong niya saka isinukbit ang bagpack sa likod.

Ngumuso si Vera sa likod niya. "Nandiyan na sundo mo."

Nanlaki ang mata niya at mabilis na nilingon ang pintuan. Hindi niya mapigilang mapangiti. Janus was leaning on the side of the door. Mabilis na nagtagpo ang mata nila. Naglakad ito palapit sa kaniya saka inabutan siya ng plastic na naglalaman ng Smart C at tatlong Advil.

When The Sun Goes Down (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon