CHAPTER 11: Elijah's Father.
Written by CDLiNKPh
NIYAYA si Colleen ni Elijah na pumunta sa bahay nila. Ayaw pa sana niya pero mapilit si Elijah at gusto raw siya nitong ipakilala sa mga magulang nito. Ayaw naman niyang mag-'eat and run' na lang basta kaya pinagbigyan na niya. Nilibre naman siya eh.
Pero namangha siya nang marating nila sa wakas ang bahay ng mga ito. Hindi nga yata dapat bahay ang itawag doon kundi mansyon o palasyo! Sobra kasing laki.
"Colleen, dito ka na lang muna at tatawagin ko lang sila," paalam ni Elijah sa kanya saka na tuluyang umalis.
Iginala niya ang paningin sa paligid at naagaw ng pansin niya ang marahil ay family picture nila Elijah na nakadikit sa dingding.
Isa si Elijah sa mga naroon. Ang mama nito marahil ang may edad na ngunit napakaganda pa ring babae sa gitna na nakaupo. At katabi naman ni Elijah sa likod ang sa tingin niya ay kapatid nitong babae na parang manika sa ganda. At nang matitigan niya ang mukha ng may edad na lalaking nakaupo sa gitna ay para bang biglang may kumudlit sa puso niya. Hindi niya alam pero parang nakaramdam siya ng lungkot. Pagkasabik o paninibugho na hindi niya malaman kung bakit.
Ano ba itong nararamdaman niya nitong mga nakaraang araw? Noong nakaraang linggo ay nakaramdam siya ng lungkot dahil naglaro sa isip niya na maikakasal sa ibang babae si Carlo. Ngayon naman pakiramdam niya ay magaan ang loob niya sa lalaking nasa larawan na ni hindi pa niya nakikita. Naguguluhan na siya kahit sa sarili niya.
Siguro, siya ang Daddy ni Elijah, aniya sa isip. Matipuno at gwapo ang may edad na lalaki pero hindi ito kamukha ni Elijah. Hindi nga niya alam kung bakit parang sa tingin niya ay parang mas magkamukha pa sila ng kaunti.
----
PAGPASOK ni Elijah sa opisina ni Ruben sa mansyon ay nakita na agad niya na kumpleto roon ang lahat. Naroon ang Daddy at Mommy niya, ang mga parents ni Jodith, si Jodith mismo at ang kapatid na si Wendy na masayang nakikipag-usap sa wedding planner na inupahan ng mga ito.
Gaya ng inaasahan ay napako ang tingin ng lahat sa kanya.
"I'm sorry kung nakaabala ako sa pag-uusap ninyo pero may dinala akong espesyal na tao para sa inyo. Sigurado ako na matutuwa kayo kapag nakita ninyo siya sa baba," nakangising sabi niya sa lahat.
Masayang tumayo sa kinauupuan nito si Jodith.
"What do you mean, Elijah? Huwag mong sabihin na kumuha ka ng sariling wedding planner para sa kasal natin?" nakangiting tanong ng babae na malanding naglambitin sa leeg niya kahit pa naroon ang lahat at nakatingin sa kanila.
Nginisian niya ang babae. "Let's just say na isa siyang tao na inihanda ko para sa kasal na ito, my lovely Jodith."
"Talaga? Pinaghahandaan mo rin ang kasal natin, Elijah? I'm so happy! Sabi ko na nga ba at nahihirapan ka lang tanggapin ang responsibilidad pero mahal mo rin ako eh! I love you, Elijah!" masayang sabi nito na walang sabi-sabi na siniil siya ng halik. Tinugunan naman niya iyon dahil iyon na rin naman ang magiging huli. Mas lalo itong masasaktan sa nakatakdang mangyari. Hindi ang isang katulad niya ang maloloko at mapipikot nito.
----
MATAPOS tingnan ni Colleen ang family picture na naroon ay ang flower base naman ang tiningnan niya. Naakit siya sa kakaibang taglay ng bulaklak na nakalagay doon kaya hindi niya napigilan ang sarili na hindi angatin iyon para amuyin. Nagulat siya nang biglang may sumigaw sa kanya kaya hindi sinasadyang nadulas sa kamay niya ang base at nabasag iyon! Kinabahan na siya lalo na nang galit na lumapit sa kanya ang isang may edad na babae!
BINABASA MO ANG
3. Is it Wrong To Love You? (PUBLISHED BY LIB)
Fiksi RemajaCarlo can no longer bear his feelings. He wants to tell Colleen that he loves her-not as a sister, but as a woman. But how will she react when she finds out she's only adopted?
