Chapter 13: Elijah's True Face.

14.8K 218 14
                                        

CHAPTER 13: Elijah's True Face.

Written By: CDLiNKPh

UWIAN na kaya palabas na sana si Colleen kasama sina Grace at Mariz nang makita nila sa tapat ng gate ng school si Elijah at ang mga alipores nito na halatang siya ang hinihintay. Agad siyang nagmadaling maglakad palayo rito at kulang na lang ay kaladkadin ang dalawang kaibigan.

"Colleen mag-usap naman tayo oh. 'Wag ka nang magalit sa akin, hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin na iniiwasan mo ako," pakiusap ni Elijah na parang miserableng-miserable. Hinawakan nito ang braso niya paharap dito.

"Babatiin lang kita kapag pinanagutan mo na si Jodith. Magkaiba tayo ng mga paniniwala Elijah. Kaya sa tingin ko hindi tayo bagay na maging magkaibigan," sabi niya.

"Panagutan? At sa tingin mo paano kong gagawin iyon kung ikaw ang mahal ko!" bulalas nito na nagpagulat sa kanya! Nagulat din ang nasa likuran nilang sina Grace at Mariz na may nagtapat sa kanya sa harap mismo ng lahat.

Tama ba ang narinig niya? Parang umurong na yata ang dila niya. Agad siyang pinamulahan ng mukha. Ngayon lang may nagkagusto sa kanya! Pero bakit hindi siya makaramdam ng kilig? Bakit parang... natatakot siya?

"Colleen, please naman oh. Bigyan mo ako ng pagkakataon na makilala mo. Hindi ako ang ama ng batang iyon. 'Wag mo akong iwasan. Parang awa mo na..." Pagmamakaawa nito na nangingilid pa ang luha.

Hindi siya makapagsalita.

"Sorry, Elijah. Hindi tayo pwede. Patunayan mo muna na hindi nga ikaw ang ama ng batang iyon bago mo ako lapitan ulit. At hindi pa ako handa sa pakikipag-boyfriend. Bata pa ako," sa wakas ay natagpuan din niya ang dila na sabi niya.

Naglakad na siya palayo rito at sumunod naman ang mga kaibigan niya.

Tumalim ang mga mata ni Elijah. "Pwede mo akong iwasan kahit kailan mo gustuhin Colleen. Pero hinding-hindi mo ako maia-alis sa buhay mo," pahabol na sabi nito na nagpahinto sa kanya at nagpalingon dito. Parang bigla siyang kinilabutan sa narinig. Iba ang dating ng mga mata nito. Parang iyong lupit noong kaharap nila si Jodith. Iyong masamang Elijah. Iyong Elijah na hindi niya kilala...

Iyon lang at inunahan pa silang umalis ng mga ito. Pinaandar nito at ng mga kasama nito ang mga motor ng mga ito saka na tuluyang naglaho sa paningin nila.

"Hindi ako makapaniwala na magkakilala kayo Colleen! Alam mo ba na kinatatakutan ng lahat dito si Elijah!" takot na sabi ni Grace noong silang tatlo na lang.

"Huh? Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Siya lang naman ang leader ng pinakamalaki at pinakakinatatakutang Gang sa lugar natin! Marami na silang ginawang masama pero kahit isa sa kanila walang nahuhuli dahil malakas ang kapit nila! Alam ng lahat dito na kaya nilang pumatay kapag ginusto nila at kapag may napagtripan sila, kahit walang kasalanan ang taong iyon sa kanila ay binubugbog nila. Marami ng nabiktima sa school na ito ang grupo nila kaya naman takot ang lahat na lumapit sa kanila. Iyong iba pa nga na nabugbog ng walang dahilan lumipat na lang ng ibang school imbes na magdemanda. Dahil alam nila na wala silang kalaban-laban kay Elijah! Dahil bukod sa sila ang may-ari ng school na ito ay anak pa ng general ang bestfriend ni Elijah na si Paolo! Kaya kahit anong kalokohan ang gawin nila walang naglalakas loob na salagin sila!" mahabang paliwanag ni Grace.

Siya naman ay hindi alam ang magiging reaksyon. Hindi niya alam na bukod sa masamang Elijah na nakita niya noong nakaraang gabi ay mayroon pa pala itong bad side na hindi pa niya nakikita.

Ano nang nangyari sa mabait na Elijah na tumulong sa kanya noong first day niya sa school at sa palangiting si Elijah na nakasama niyang kumain at nagdasal pa sa pinagdalhan sa kanya nitong restaurant?

"At hindi rin maganda ang reputasyon ni Elijah pagdating sa babae. Totoong kahit na ganoon ang ugali niya ay marami pa ring nagkakandarapa sa kanya dahil sa kagwapuhan at kayamanan niya. Pero marami siyang pinapaasa at papalit-palit pa siya ng mga girlfriends! Ang pagkakaalam ko nga minsan ay tatlo-tatlo pa! Playboy siya Colleen! Kapag nakuha na niya ang gusto niya sa babae ay iniiwan na lang niya ito na buntis. Katulad ni Jodit at ng babaeng iniwan niya noon, si Minerva. Nagpakamatay ang babaeng iyon matapos iwan ni Elijah. Maging ang sanggol na sinapupunan niya ay sinama niya sa hukay Colleen!" Nahihindik na kwento ni Mariz.

"Kaya huwag na huwag kang magpapaloko sa kanya Colleen kung ayaw mong matulad lang sa kanila!" Babala naman ni Grace.

Para namang nanghina siya pagkatapos niyang marinig ang mga bagay na iyon. Hindi niya akalain na napakadelikado pala ni Elijah. Masama pala itong tao. Tama lang yata siguro na iwasan na talaga niya ito.

Pero kahit papaano ay hindi niya maiwasang hindi malungkot. Dahil itinuring talaga niyang kaibigan at pangalawang Kuya si Elijah...

3. Is it Wrong To Love You? (PUBLISHED BY LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon