CHAPTER 10: Elijah's Treat.
Written by CDLiNKPh
Kanina pa naghihintay sa labas ng classroom ni Colleen si Elijah. Hindi na siya pumasok sa huli niyang klase dahil alam niya na ito ang oras ng uwian ng babae base sa pagmamasid niya rito.
"Colleen," tawag niya nang makitang tuloy-tuloy na itong maglalakad sana papalabas ng gate. Para namang nagulat ito pagkakita sa kanya.
"Elijah?" parang hindi pa makapaniwalang anas nito.
Napangiti siya nang marinig na binanggit nito ang pangalan niya. "Mabuti naman at hindi mo pa ako nakakalimutan," nakangiting sabi niya na titig na titig sa napakainosenteng mukha nito. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na lapitan ulit ito dahil halos makipagsagupaan na siya sa ama dahil sa pagtanggi niya sa dinadala ni Jodith. Palagi na lang mainit ang ulo niya. Pero kapag nakikita niya ang babaeng ito ay gumagaan ang loob niya. "Pwede ba kitang yayaing kumain sa labas?" tanong niya na binigay dito ang pinakamatamis niyang ngiti. Hindi ito pwedeng tumanggi sa kanya. Hindi siya papayag.
"E-ehh? Natandaan mo pa iyong sinabi ko sa'yo na ililibre kita ng fishball kapag nagkita tayo ulit?" parang batang sabi nito na kinuha ang wallet at sinilip ang pera. "Bente na lang ang pera ko eh. Pwede ba sa susunod na lang?" inosenteng sabi nito na nagpahalakhak sa kanya!
Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya napatawa sa kainosentehan ng isang babae. Siguro kung ibang babae iyon ay baka ikinairita niya pa dahil ang ayaw niya sa lahat ay iyong tatanga-tanga pero iba si Colleen. Nararamdaman niya sa puso niya na mahal na niya ito kahit na sa saglit na panahon pa lamang.
"You're such a funny girl, Colleen! You know what? I really like you," namumungay ang mga mata na sabi niya na tumitig pa sa mga mata nito bago ito umangkas sa likuran niya.
"I like you too, Elijah. Mabait ka kasi. Para na rin kitang Kuya!" malapad na ngiting sabi nito na parang hindi talaga tinatablan ng mga paglalandi niya. Ganoon ba talaga ito kamanhid?
Pero hindi niya maiwasang hindi matigilan sa mga salitang binitiwan nito. Ngayon lang may taong nagsabi na mabait siya. Takot kasi ang lahat sa kanya. Ngayon lang din siya nagpakita ng sobrang kabaitan sa isang babae. Ang mga babae ang halos nagtatapon ng mga sarili nila sa kanya.
"Hindi mo kailangang mag-alala dahil ako ang manlilibre sa'yo," sabi na lang niya. Sinakyan na lang ang pag-aakala nito na walang malisya ang paglabas nila.
"Talaga? Ililibre mo ako? Saan?" biglang nabuhayang sabi nito nang makarinig ng salitang 'libre.'
"Akong bahala sa iyo," sabi niya saka kinuha ang bag nito saka inakbayan ito. "Umangkas ka na sa motor ko. Babe," maangas na utos niya na inabot ang helmet dito. Pero parang kahit ang kayabangan niya ay parang hindi ma-sense ng babaeng ito. Wala ba talagang masamang bagay para rito?
Dinala niya ito sa mamahaling restaurant. Para bang ngayon lang itong nakapunta sa ganoon klaseng lugar dahil panay ang lingon nito sa paligid. Pero hindi siya nakaramdam ng hiya sa ginagawa nito. Sa halip ay parang masaya pa siya na masaya ito. Na bihirang-bihira niyang maramdaman para sa isang tao.
Kakain na sana sila nang umorder siya ng pagkarami-rami nang bigla siyang magulat na nag-lead ito ng prayer! Parang napapahiyang napabitaw siya sa kutsara at tinidor at agad na nag-sign of the cross.
Nang matapos ito ay hindi niya mapigilang magsalita.
"Alam mo ba na sa dinami-dami ng nakasabay ko sa pagkain ay ikaw pa lang ang nagdasal bago kumain?" sabi niya.
"H-huh? Bakit naman? Sa amin kasi sa bahay nakaugalian na sa amin ang nagdarasal bago kumain. Napapagalitan kami ni Papa kapag 'di kami nagdarasal kasi dapat daw na magpasalamat tayo sa lahat ng biyayang ibinibigay sa atin ng Diyos. Kasi maraming taong nagugutom. Kaya ang pagkakaroon ng kahit anong pagkain sa mesa ay dapat na ikinatutuwa. Saka isapa, hindi rin kami talaga kumakain ng kulang. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan umuwi ako ng maaga palagi. Kasi kung hindi, 'di rin sila kakain," paliwanag nito nang nakangiti.
Napatango na lang siya. Hindi niya naranasan sa pamilya nila kahit minsan ang ganoon. Wala siyang matandaan na hindi siya kumain ng mag-isa. Kakain lang sila ng sabay-sabay kapag may pagtitipon. Para bang may kanya-kanyang buhay ang lahat sa kanila na para bang wala nang pakialam sa nangyayari sa isa't-isa. Ang Mommy Lufe niya ay mas gusto pang magsugal kaysa ang asikasuhin silang mga anak nito. Ang kapatid naman niyang si Wendy ay puro shopping at party ang iniintindi habang ang Daddy Ruben naman niya ay walang ginawa kundi ang sermunan siya.
Sa nakikita niya ay ibang-iba si Colleen sa lahat. Doon lang lalong lumalim ang nararamdaman niya para rito. Kaya naman hindi na siya makapapayag pa na makawala pa ito sa kanya. Ngayon na siya mag-uumpisang gumawa ng paraan para maitali ito sa kanya sa ayaw man nito o sa gusto.
Maya-maya ay may nagtext sa kanya. Ang Daddy Ruben niya iyon. Napangisi siya. Tumingin siya kay Colleen at doon ay may naglarong balak sa isipan niya.
BINABASA MO ANG
3. Is it Wrong To Love You? (PUBLISHED BY LIB)
Teen FictionCarlo can no longer bear his feelings. He wants to tell Colleen that he loves her-not as a sister, but as a woman. But how will she react when she finds out she's only adopted?
