Meanwhile, doon sa bahay ni Brian, hindi mapakali ang binata sa pag-aalala sa kababatang si Narda. Nakatayo siya noon sa balcony tila inaabangan ang pag-uwi ni Narda kahit ito ay nakasleepover sa bahay ni Lady Regina, hawak ang kanyang phone. Kakaisip nagdecide siyang tawagan si Narda.
Doon naman sa bahay ni Regina, kasalukuyang nagvivibrate ang phone ni Narda habang tulog nasa kalagitnaan ng tulog ang dalawa. Naalimpungatan si Regina sa nasabing vibration.
Regina: Kanina pa nagvivibrate ang phone mo. Hindi ako makatulog, pakisilent nga.
Nagising si Narda at hindi niya namalayang may tumatawag pala. Tiningnan niya, at si Brian yun. Pero dahil nga nasa ibang bahay siya, sinunod niya si Lady Boss nakakahiya kaya hinintay ng dalaga ang pagtapos ng vibration at noong natapos ito agad niyang inoff ang phone niya, ibinalik sa table at bumalik na sa pagkatulog.
Brian: Ano ba yan, hindi sumasagot.
Si Regina naman ay dumilat at lumingon kay Narda na tulog na nakatalikod sa kanya. Pinagmasdan niya ang subordinate niya.
Dahil hindi sumasagot, naisipan niyang tawagan si Florence kung sakaling nagkausap sila.
Florence: Hello, bes.
Sagot ni Florence nang antok.
Brian: Florence, bes, pasensya ka na ahh. Gusto ko lang sanang itanong kung nagkatawagan ba kayo ni Narda.
Florence: Bakit mo natanong yan? Magkapit bahay kayo, ba't hindi mo na lang silipin?
Brian: Hindi mo alam? Nasa bahay ni Lady Regina ngayon si Narda.
Florence: Huh?! Totoo?
Brian: Oo. Tumawag nga siya para magpaalam para kay Narda na doon muna sa bahay niya patulugin si Nads. Para ipagpatuloy ang tinatrabaho nila. Hindi ko nga alam kung tapos na ba sila. Hindi kasi siya sumasagot.
Florence: Baka naman busy lang sila. Tingin mo ba talaga makakafocus siya niyan sa work? Makakasama niya ang ultimate idol niya. Parang sobrang napapasigaw na nga sa loob-loob niya sa sobrang kilig.
Brian: Hindi ba parang ang weird?
Florence: Palagay ko. Pero hindi mo naman kailangang maging overprotective. Tingin mo ba may gagawin yang si Lady Regina kay Narda?
Brian: Hindi naman talaga. Nag-aalala lang ako sa kanya.
Florence: Eh, kung sa tulog ko kaya ikaw mag-alala?
Medyo pagrereklamo ni Florence.
Florence: Maaga pa kasi ako bukas. Kaya sige na, bye bye na.
Brian: Sige. Bye.
Matapos ang hang up, napabuntong hininga na lang si Brian at pumasok na sa loob para matulog.
Back in Regina's house, she was still observing the sleeping Narda. She sat down and put Narda's blanket on her shoulder. Then she approached her face near Narda to look at her face.
Regina (mouthing): Already asleep?
Tiningnan ni Regina closely ang mukha ni Narda at kitang-kita tulog na tulog ito. Saka ito nahiga ulit.
Several minutes later...
Lampas 12 midnight na noong nagising si Narda at ito ay lumingon sa kinahihigaan ni Regina sa tabi niya, pero wala na doon si Lady Boss. Luminga-linga pa ito, pero wala sa kwarto si Regina. Kaya bumangon ito para hanapin ang kanyang napakagandang boss. Hinanap niya sa living room pero maging doon ay wala siya, at pagtingin niya sa labas doon niya nakita si Regina na nakaupo sa tabi ng swimming pool niya habang nakalubog ang dalawang paa nito. Bahagyang nilapitan ito ni Narda.
YOU ARE READING
Gap the Series (JaneNella/RegiNarda Version)
FanfictionThis is Gap the Series, but I made it Jane De Leon+Janella Salvador = JaneNella GL Version with some twists and additional scenes. Enjoy reading, mga Vadengs!