Kinaumagahan, pagpasok ni Narda sa department nila agad siyang hinila ni Alina noong makita ito. Hinila ito papunta sa kinatatayuan nila Richard, Mara, Auntie Pina at Jerna. Tapos naggather ang mga employees para iparinig kay Narda ang mga iniisip ni Regina tungkol kay Narda. Matagal na pala nilang napapansin na laging kasama ni Regina si Narda.
Mara: Bessy. Hindi ba ikaw ang pinaghihinalaan ni Lady Boss na ikaw ang mole? Yan kaya ang dahilan kaya ka niya laging kasama para tiktikan?
Alina: Oo, tama. Halos lagi ka niyang kasama at dinidikitan.
Richard: True. Kung talagang gusto ka niyang imonitor as in palagi, baka umabot pa sa punto na ipagsleepover ka niya sa bahay niya.
Narda: Luh! Hindi ah! Hindi ako nakitulog sa bahay niya!
Napalingon naman sila Mara saka ang mga tao kay Narda at natahimik sa kanyang tugon.
Mara: Wala kaming sinabing nakitulog ka.
Nakahinga naman ng maluwag si Narda sa tugon ni Mara. At napatango na lang.
Richard: Ito naman. Nangaasar lang ako. Pero, honestly. Kung talagang patutulugin ka ni Lady Regina sa bahay niya, edi mas mabuti kung sa coffin ka na lang matulog para paglamayan ka. Para hindi ka na mapressure nyan. Hahahahahahahhahhaahaha!
Nagpout ang face ni Mara at Alina sa asar ni Richard habang ito ay natatawang mag-isa. Habang tumatawa, lumabas si Regina at biglang nakaramdam ng takot si Richard nang ito ay tawagin ni Regina. Dahilan na natigil ang tawa.
Regina: Richard.
Saka bumaling ang mapang-asar kay Regina.
Regina: Gusto kitang makausap.
Saka ito bumalik sa office.
Richard: S-sige po, mam.
Nakatingin ang mga tao kay Richard dahil sa pagtataka kung bakit biglang tinawag ang sarcastic sa office. Pilit na hindi pinapakita ng lalaki na takot ito sa boss.
Richard: Kayo talaga. Wag na kayong mag-alala. Mukhang magiging madali lang ito ehh.
Saka na naglakad si Richard, pero dahil nga sa takot maging ang dalawang paa niya ay napako. Kaya nun naglumpo-lumpo at nag-ikaika ang paggalaw niya.
Pina: Oh. Oh. Parang nagyelo ata ang mga paa mo ahh. Takot ka ba sa mga multo?
Pangaasar ng matandang baklang maid. While swirling her table and glass sweeper.
Richard: Ako? Takot? Naku! Hindi ko nga alam ang meaning nyan.
Saka na ito naglumpong maglakad at normal nang kumilos. Tila naginstant heal ang pilay. Habang sila Narda saka ang mga katrabaho nila ay pinagmamasdan ang papasok na Richard.
----
Nasa office na nun si Narda noong tinawag ito ni Regina na pumasok. At dito muling nag-init ang ulo ni Lady Boss.
Regina: A married man shouldn't send stickers to other people like this.
Tugon niya habang nakatalikod kay Narda na nakatayo sa harapan ng desk ni Regina.
Regina: Richard is married.
Narda: Talaga?
Saka muling lumingon si Regina kay Narda.
Regina: But from now on, hindi na siya magkakaoras na sendan ka ng mga stickers.
Tugon niya habang ito ay matalim pa din ang titig.
YOU ARE READING
Gap the Series (JaneNella/RegiNarda Version)
FanficThis is Gap the Series, but I made it Jane De Leon+Janella Salvador = JaneNella GL Version with some twists and additional scenes. Enjoy reading, mga Vadengs!