Kinaumagahan, kausap ni Narda ang isa sa mga katrabaho nila ni Mara tungkol sa content na nasa vision board nila at tinanguan ito ni Narda saka na sila bumalik sa kani-kanilang mga trabaho. Halos hindi mapakali si Narda nang hindi maalis sa kanyang isip ang halos halikan nila ni Lady Regina kagabi. Habang mabagal itong napapalakad at hawak-hawak ang ibabang labi na hanggang ngayon ay ramdam pa din niya ang kagat at halik ni Regina. Natigil ito nang makitang magsasalubong sila ni Regina. Maging si Regina ay hindi din maalis sa kanyang isip ang kanilang paghalik ni Narda. Halos awkward silang nagkatinginan at nagkatitigan. Hindi maiwasan ni Lady Boss ang pagkatititig sa mga labi ni Narda. Maging si Narda din ay hindi maalis ang pagkatitig sa mga labi ni Regina. Tila kapwa gusto nilang maulit ang halik na yun na hindi naman talaga halik. Muli ding naalala ang almost kiss nila nung kagabi. Habang hindi pa din inaalis ni Narda ang kanyang index finger sa kanyang lips.
Natauhan sila noong tinawag ni Jerna si Regina saka bumalik sa kani-kanilang mga trabaho.
Jerna: Lady Boss, ma'am. Excuse po.
Huminto si Regina noong nasa pinto siya ng kanyang office saka ito dali-daling nilapitan ni Jerna na may hawak ng folder na may paper kung saan nakasulat ang sweldo ng mga employees.
Jerna: Pasign po para sa finance document.
Kinuha ni Regina ang ballpen niya, habang malagkit pa ding nakatingin si Narda sa Lady Boss niya. Pagkakuha ng ballpen, bumalik ang pagkatitig ni Regina kay Narda. Tapos napatitig si Narda sa bibig ni Regina na tinanggal ang takip ng ballpen gamit ang bibig. Saka na pinirmahan ni Lady Boss ang finance document nila. At muli nanamang nalagay ni Narda ang index finger niya sa lips niya. At muli nanaman silang nagtitigan ni Regina. Muli din napafantasya si Regina at gusto nanamang kagatin ang lips ni Narda. Gaya nga ng napagusapan, gagawin nila yun madalas. Saka na bumalik si Narda sa kanyang trabaho. She again glanced at Regina and she couldn't tell what kind of expression the Lady Boss was making as she was staring back at her. Then pumasok na si Regina sa kanyang office. Pagpasok niya, kanina pa napapansin ni Mara na hawak ng hawak si Narda sa kanyang mga lips. Kaya ito tumayo tapos inobserve si Narda. Nagulat na lang din si Narda nang makitang kanina pa pala siya napapansin ng katrabaho. Nakaramdam ng kaba si Narda na baka mahalata ni Mara na baka may something sa kanilang dalawa ni Regina.
Mara: Uy bessy. Nanuyo ba ang mga labi mo? Kanina mo pa yan hinahawakan. Ito gamitin mo.
Nakahinga naman siya ng maluwag noong hindi nahalata ni Mara ang pagtingin nito kay Lady Boss. Saka binigay ni Mara ang lip balm kay Narda.
Narda: Ay, salamat bess.
Saka ito nilapitan ni Pina. Maging sa kanya din hindi nakaligtas ang paghawak ni Narda sa kanyang mga lips.
Pina: Uy, meron ka bang mouth ulcer? Pwede kitang ikuha nyan sa first aid kit cabinet.
Narda: Ok lang po, Auntie Pina. Salamat din po.
Pina nodded. Saka ito lumingon ng tawagin ng malokong Richard.
Richard: Auntie. Paano naman ako? Meron akong cash-flow issue. Baka naman may pill ka din para makatulong dyan? HAhahahaha!
Pina: Hmph! Che!
Mara: Sige na, lagyan mo na. Lalala lang yan, kapag pinatagal mo pa.
Narda: Ahh ok ok.
Saka na naglagay si Narda ng lip balm na ibinigay ni Mara sa kanya. Kasabay nun, saka nagsigaw si Pina.
Pina: Ay oo nga pala, mga people! Pupunta pala ako sa market sa likod ng office natin mamayang lunch. May magpapabili ba?
Saka na sila nagorder ng kani-kanilang gustong lunch. Habang abala si Narda sa paglalagay ng lip balm. Tapos nun, si Alina ay excited na lumapit kela Mara. Ito ay abala sa pagnonood ng dating teleseryeng title ay The Rich Man's Daughter. Nasa episode na siya nun kung saan may scene about sa love confessions nila Rhian Ramos bilang Jade Tanchingco at Glaiza De Castro bilang Althea Guevarra.
YOU ARE READING
Gap the Series (JaneNella/RegiNarda Version)
ФанфикThis is Gap the Series, but I made it Jane De Leon+Janella Salvador = JaneNella GL Version with some twists and additional scenes. Enjoy reading, mga Vadengs!