Episode 3 [2/4]

220 9 3
                                    

Gabing-gabi na nun, noong si Regina na lang ang tao sa kanyang office na ngayon ay pauwi na din. Paglabas niya ng office niya, napansin niyang naka-on pa ang lamp sa pwesto ni Narda. Dahilan na medyo nainis siya.

Regina: Hmph! Didn't even switch off the light before she left. 

Pinatay ni Regina ang nasabing lamp.

Dahil madilim nun, dahan-dahan at paatras si Regina na naglalakad palabas ng office dahil nga sa sobrang matakutin nito at para din hindi masundan ng "multo". Or yung tinakot sa kanya ni Narda kagabi na si Hachishakusama. Ang ikinatakot pa ni Regina ay baka may bigla siyang marinig na "Po. Po. Po. Po". Habang paatras, nakaramdam si Regina na parang merong nasa likod niya, kaya marahan itong napalingon at nakita si Narda na nakapikit at lutang na ginagalaw ang ulo ng parang multo nga. Pagkakita nga sa itsura ni Narda, ito ay napasigaw at napadilat si Narda at natauhan  sa sigaw ni Regina. Dahilan din na napasigaw ito. Bakas na bakas sa mukha ni Regina ang sobrang pagkatakot.

Regina: AAH!

Narda: AAH! 

Naihagis ni Regina ang blazer niya sa ulo ni Narda at kumaripas ng takbo. Sinundan naman ito ng takbo ni Narda para pigilan si Lady Boss.

Narda: Sandali! Sandali!

Sinubukang pigilan ni Narda si Regina, ngunit patuloy pa din ito sa pagtakbo pabalik ng office. 

Regina: Stay back! Get away from me! Don't come near me!

Narda: Wait! Wait!

Kinuha ni Regina ang hard bound book na nadaanan niya saka hinampas si NArda ng malakas at maraming beses.

Regina: Get away from me!

Narda: Aray! Aray! Wag! Aray!

Halos puruhan ni Regina si Narda ng paghampas ng libro sa kanyang ulo. Dahilan din na napahimas sa ulo si Narda dahil nga sa lakas ng palo ni Regina ito ay nasaktan. Nagtaka naman si Regina kung paanong natatamaan niya ang multo. 

Regina: Paano? Nakakaramdam pala ang mga multo.

Narda: Oowwww. Hindi ako multo.

Nakapikit si Narda dahil ito ay inaantok at lutang na sa sobrang pagod nito. Kaya ganun na lang siguro ang pag-iisip ni Regina na multo si Narda. Tinakpan ni REgina ang mukha niya para hindi makita ang nasabing "multo".

Narda: Ako ito, si Narda.

Regina: AH!

Narda: Aray!

Muling hinampas ni Regina si Narda. Pinagmasdan ni Regina si Narda na parang lutang na lutang. Pero sinasabihan pa din siyang multo. Kinuha ni Regina ang kanyang phone at inilawan ang mukha ni Narda. Pagkailaw kay Narda, nakita niyang magulo ang eyeliner niya. Hindi waterproof. 

Regina: Tingnan mo sarili mo sa salamin. Meron ka bang sarili?

Kinuha ni Narda nag salamin niya para tingnan ang sarili. Nagulat ito nang makitang nakakatakot ang kanyang itsura dahil sa sira na ang kanyang make up. Napagtanto niya kung bakit ganun na lang ang pagkagimbal niya kay Regina sa hindi sinasadya.

Narda: Hala?! Bakit ganito ang itsura ko?

Regina: See? I told you, you're a ghost!

Narda: Siguro dahil sa pagkutkot ko ng mga mata ko.

Ang takot na naramdaman ni Regina ay napalitan ng inis.

Gap the Series (JaneNella/RegiNarda Version)Where stories live. Discover now