Kabanata 30

94.3K 1.3K 335
                                    

Table turned

I am stirring my coffee for this morning. I am browsing on some job vacancy. Actually, hindi ko na kailangan talaga gawin ito dahil bago pa ako magtungo rito, nakapag-set up na ako ng appointment sa mga kakilalang company ng dating pinatatrabahuhan ko.

Yanna helped me to secure some job interviews too. Kaya lang ay gusto ko pa rin ng backup. Wala lang. Para kung hindi ako matanggap ay may mapapasukan pa rin akong iba. Hindi ako magtatagal.

I am bringing extra documents para hindi na ako babalik dito at didiretso sa kompanyang matitipuhan kong pag-apply-an.

Umupo ako sa stool sa harap ng center island at dinampot ang tasa ng kape para uminom doon. Lumapat ang init noon sa lalamunan ko sabay nang paglapat naman ng lamig ng stool sa hita at puwitan ko.

I am only wearing an underwear and a loose sando when I slept last night. Maalinsangan kasi kaya ayaw kong mag-pajama. Hindi ko na rin naisipang magsuot pa ng shorts dahil nakatulugan ko na matapos ang pag-uusap namin ni Tarian.

My son and I have been talking secretly on phone since the day they brought me here. Masaya ako sa bawat umaga na darating at excited naman sa bawat gabing parating.

Tarian, my son has been nothing but sweet, loveable and understanding one. Pakiramdam ko sa tuwi-tuwinang nag-uusap kami ay gusto niyang humiling na makita ako. It's just that befriending him on my social media will only give Troi an idea of my false actions with my son.

Isa pa, masyado pang bata ang anak ko para sa social media. Kaya nga ba laking gulat ko na minsan kong nakitang dumaan ang account niya sa may Instagram at Facebook ko. I didn't know he has one and he's too young for that!

Kaya lang, Tarian is a smart kid at hindi na nakapagtataka na maalam na siya sa ganoon dahil masyadong high tech na sa panahon ngayon.

My son even know some apps that is not familiar to me. Kung saan hindi daw masyadong ginagamit ni Troi at makakapagkwentuhan kami roon through video chat. Naiiling na lang ako kapag naiisip na mas higit ang kaalaman niya sa akin.

A message came in. Kay Tarian galing iyon. Nakangiti ko itong binuksan. Malinis ang pagkaka-type noon. Tila pinag-aralan niyang mabuti. English pa. Noong bata ako ay bano pa ako sa lengwaheng iyon pero siya...

Mommy, Good morning po. I am eating pancakes right now. Daddy left an hour ago. He said he's going somewhere. I hope you're eating your breakfast just like me, Mommy. Tarian misses you. I love you.

Lalong lumawak ang ngiti ko sa mga huling salita niya. Agad akong nagtipa ng sagot para doon. Nag-good morning din ako at sinabi sa kaniya kung ano ang balak ko para sa araw na 'to. I just want to inform him. I-update siya. One thing I notice about myself these fast few days is that I am becoming an open book to my son. Halos bawat kilos ko ay sinasabi ko sa kaniya para lang may mapag-usapan kami.

That's how I wanted to keep in touch with him. Mabuti na lang at hindi siya nagrereklamo. Nagpalitan pa kami ng mensahe dalawa hanggang sa sumapit ang alas siyete y media. Ako ang nagpaalam dahil kailangan ko na mag-ayos. Nine thirty ang interview ko since Lunes ngayon at paniguradong marami pang kailangan ayusin sa opisina ng unang company na na-secure-an ko ng interview.

Sinimsim ko ang huling patak ng kape sa tasa bago nagtungo sa lababo at hinugasan iyon. Akmang ilalagay ko na iyon sa rack nang marinig ang door bell.

Nakataas ang kilay na napahinto ako sa balak gawin. Sa halos isang lingo ko rito, wala akong kahit na sinong bisita? Wala akong kaibigan dito na nasa Pilipinas ngayon. Victor and Yanna is out of the choices. Si Troi at si Tarian lang din naman ang nakakaalam ng unit na 'to?

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon