Home
When the car engine slowed down I could feel my body struggling in terror. Sa isang side walk ito bumalandra. Sa lakas ng impact noon ay umuntog ang ulo ko sa steering wheel. Pakiramdam ko ay naalog ang utak ko sa nangyari.
I screamed in pain. Hirap na hirap na iniahon ko ang katawan mula sa pagkakasubsob para lang makita ang paligid. Kaya lang ay lumabo pa lalo ang tingin ko dala ng hilo at usok na nakikita. I can no longer find my phone. Wala na rin akong naririnig na tunog mula roon.
I can't feel my teeth and nose. Naramdaman ko pa ang pag-agos ng mainit na likido mula sa ilong ko at sa gitnang bahagi ng noo.
I tried moving my feet para makaalis ako. Masakit ang balakang ko pero hindi maikukumpara sa sakit na tinatamasa ng parte ng katawan kong tinamaan ng bala at nauntog.
Hinahabol ko ang aking paghinga lalo at ang usok ay nagmumula rin sa harapan ko. I shrieked when I saw a silhouette of a man on the car's window. I sobbed and shuddered in fear.
Sinubukan kong iurong ang katawan palayo sa pintuan nang unti-unting lumilinaw sa akin ang imahe ng lalaking pinupuwersang buksan ang pintuan ng sasakyan ko.
When I saw that it won't take time 'till he can open it, dinarag ko na ang sarili patungo sana sa kabilang pintuan. But my body is numb and felt heavy that even though I put all my strength in every move I take, hindi man lang ako nakaalis sa inuupuan.
When the door swung open fully, I cursed. Naipikit ko pa ang mata ko at hinintay na lang ang tama ng bala sa aking katawan. But soon, a calloused and powerful hand tugged me in his direction
Nang buksan ko ang mga mata ay tumambad sa harap ko ang nag-aalalang mukha ni Troi. His eyes are terrifying and ruthless, yet I can see the fears those emotions are attempting to conceal.
"T-troi..." nagsusumbong ang boses ko nang banggitin ang pangalan niya. An emotion flashed on his face but it didn't last long.
Namumula ang kaniyang mukha at matalim ang tingin ngunit alam kong hindi dahil sa akin. As he wiped the mixture of blood and tears from my face, I overheard him swearing.
"Stop crying, love. I'm here now," he said as he scooped my numb body.
Ni hindi ko maramdaman ang bisig niya sa aking hita. He scooped me in a bridal style position. Sa halip na maasiwa ay isiniksik ko lang ang sarili ko sa kaniya. Bumugso ang damdamin ko at lumuha na lamang sa dibdib niya.
Ramdam ko ang malalaking hakbang niya, nagmamadali para marating ang isang lugar. I heard the opening of a car's door. He bent a little and gently put me on the backseat of his car. Suminghot ako at hinayaan lang siya sa ginagawa.
Siniguro pa niyang maayos ako bago umayos ng tayo para alisin ang suot na coat. Sinampay niya lang iyon sa headrest ng upuan bago sumunod na pumasok sa loob. Sa katabing upuan na inuukopa ko.
Someone entered the front seat, too. A man in black suit.
"Sir, alis na po tayo," anito. Sinulyapan ko lang iyon pero bumalik din agad ang mata ko kay Troi na ngayon ay iniangat ang binti kong may tama.
I huffed and whimpered in pain.
"I'll apply first aid first," he informed me with his baritone voice. Parang narinig ko pang nanginig iyon.
Tumango ako at pinanood siyang kinuha ang isang maliit na compartment na naglalaman ng iba't-ibang first aid materials. He put gloves on both of his hands before he took out a bottle of aguazinada and a piece of paper which holds three clean gauze.
Binasa niya ang gasa nang basang-basa. Tumulo pa ang excess na tubig sa kaniyang slack pero binalewala niya lang iyon. Maingat ang ginawa niyang pagdampi sa sugat ko. Maingat pero mabilis. Kumikibot ako sa bawat dampi nang malamig na gasa.
BINABASA MO ANG
Del Rico Triplets #2: Retracing The Steps
Romance[𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗢𝗳 𝗕𝗼𝗼𝗸 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗶𝗻𝗴] 𝖡𝗈𝗈𝗄 𝖼𝗈𝗏𝖾𝗋 𝖼𝗋𝖾𝖽𝗂𝗍𝗌 𝗍𝗈 𝗍𝗁𝖾 𝗉𝗎𝖻𝗅𝗂𝗌𝗁𝗂𝗇𝗀 𝖺𝗇𝖽 𝗍𝗁𝖾 𝖺𝗋𝗍𝗂𝗌𝗍: 𝖬𝖺𝗋𝖼 𝖠𝗋𝖺𝗀𝗈𝗇𝖺. Rolly woke up without memories. Lying in a not so...