Changes
That night, I cried all my pain. All my longings. Nagpakawasak uli ako sa sakit at hinagpis at kinabukasan, pinili ko uling bumangon kahit na wala na akong dahilan. Tuluyan akong walang dahilan. Ngayon ko masasabing ngayon, sadyang walang kahahantungan ang buhay ko.
In those seven years that I cast myself out, I managed to collect myself and pushed myself because I wanted to complete my missing pieces and heal my wounds. Kasi may gusto akong balikan. Kasi naiisip ko na may rason pa ako para mabuhay uli.
I may be a worst mother for leaving him behind but I did give my everything to make myself better. Para naman maipagmalaki ko ang sarili ko sa kaniya. Na iyong irarason ko sa kaniya kung bakit ko siya iniwan ay may magandang kinalabasan.
I worked part-times until I landed a permanent job. May ilan akong naging kakilala pero hindi ko talaga itinuring na kaibigan na mapagkukwentuhan ko ng tungkol sa buhay ko. They just became my companion para hindi ako maburo sa trabaho.
Sa unang taon ko na mag-isa, araw-araw ang pag-iyak ko. Bagsak ang aking timbang. Ramdam ko ang pangungulila ng isang ina sa anak at ng anak sa isang ina. I felt my breast aching. Parang kahit iyon ang pisikal na sakit na nararamdaman ko, mas iniinda ko naman ang sa loob ng dibdib ko.
Yanna, even though she's far, is always there for me through skype. Siya ang naging sandalan ko. Siya ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin. Kaya kahit mahirap ay pinilit ko.
Hindi kailanman ako humiling na makarinig sa kaniya ni isang balita tungkol sa Pilipinas. Miski tungkol kay Tarian dahil ayaw kong tuluyan akong makumbinsing bumalik na lamang at hindi na intindihin ang sarili.
For the first two years, regular akong bumabalik-balik sa psychiatrist na kaibigan din ni Yanna. Halos kalahatan ng nakilala ko rito ay may koneksyon sa kaniya. Bilang sa daliri ang lalaking nakilala ko roon na walang kaugnayan sa kaibigan ko.
Some of them became my tests if I can trusts men already. Kung kaya ko na bang makisama sa kanila nang hindi ako nagpa-panic. Some even tried to date me but I declined. Hindi iyon ang nais ko kaya ako umalis. Paghilom ang nais ko. Hindi panibagong trauma.
My therapist became my friend, too. O baka iyon na lang din ang choice ko dahil bukod kay Yanna ay sa kaniya lang ako nakakapagsabi ng lahat. Siya lang iyong sa tingin ko ay 'di ako huhusgahan.
I am a raped victim and so is he. Sa pakikisalamuha ko sa ibang tao, ang dami kong nalaman. At first, hindi ko siya gusto bilang magha-handle ng kaso ko. Lalaki siya. Ang kaisipang mapag-iisa kami sa isang silid para magkaroon ng pribadong usapan ay 'di na kaya ng aking utak.
Nauunahan ako ng panic attacks at ilang beses akong nag-breakdown. But when I learned that he is also a victim like me, parang nakita ko ang sarili sa kaniya. Iyon nga lang, siya ay buo at napaghilom na. Ako, nasa proseso pa lang.
Sa tuwing titignan ko siya, hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt dahil alam ko sa sarili ko, ang pagiging raped victim ay naging dahilan upang i-generalized ko na lahat ng lalaki ay ganoon. Na palaging may binabalak na masama. Na kayang maging alipin sa tawag ng laman.
I forgot that aside from being a possible assaulter, they are possible to being a victim, too. Na hindi sila nakakaiwas sa ganoong karahasan.
"I was just a raped victim, though. Naging mahirap na sa akin. Ikaw pa kaya?" Victor told me.
He's a filipino whom Yanna brought in her home country. Nang hindi na rin nito kinaya manirahan sa Pilipinas dahil ang assaulter nito, malaking pamilya rin habang siya ay commoner lamang din.
He knows about Troi and my past with him. Kaya naman expected niya na raw na hindi magiging madali ang ma-overcome ko ang traumas ko. Indeed, he is right. Inabot ako ng halos apat na taon bago naging normal sa pandinig ko ang pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Del Rico Triplets #2: Retracing The Steps
Romansa[𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗢𝗳 𝗕𝗼𝗼𝗸 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗶𝗻𝗴] 𝖡𝗈𝗈𝗄 𝖼𝗈𝗏𝖾𝗋 𝖼𝗋𝖾𝖽𝗂𝗍𝗌 𝗍𝗈 𝗍𝗁𝖾 𝗉𝗎𝖻𝗅𝗂𝗌𝗁𝗂𝗇𝗀 𝖺𝗇𝖽 𝗍𝗁𝖾 𝖺𝗋𝗍𝗂𝗌𝗍: 𝖬𝖺𝗋𝖼 𝖠𝗋𝖺𝗀𝗈𝗇𝖺. Rolly woke up without memories. Lying in a not so...