Kabanata 3

60.3K 959 94
                                    

Alone

Pinagmasdan ko ang makukulay na bulaklak sa hardin. Naghahalong kulay pula, asul, lila at dilaw ang mga 'yon. Ang pinakamaganda ay ang rosas. Subalit pinakamatinik din.

"Ma'am, meryenda po?" dinig kong sambit ng kasambahay mula sa aking likuran.

Nilingon ko siya at nginitian.

"Sige po. Sabayan ho ninyo ako," pahayag ko.

Tumango ito at saka lumapit sa akin. Ibinaba nito ang tray na pinaglalagyan ng plato ng carbonarra. May juice din doon at tubig.

"Kumuha po kayo ng para sa inyo. Sabay na ho tayo," wika ko.

"Sige ho, Ma'am."

Bumalik siya sa loob at nang lumabas ay bitbit na nga ang para sa kaniya. Naupo siya sa may tapat ko.

"Kain na tayo, Ma'am," anito.

Tahimik kaming kumain doon. Tanging ingay lamang ay ang maliit na speaker ng kasambahay.

"Ate Celia, uuwi ho kaya ang asawa ko ngayon?"

Umangat ang tingin nito sa akin.

"Naku, Ma'am. Hindi ko po masasabi. Kasi alam ko po kapag Doctor ay palaging busy lalo pa at marami siyang pasyente. Doctor po siya ng mga bata, hindi po ba?"

Tumango ako. Binitawan ko ang kubyertos.

"Pediatrician..." tugon ko.

Sumimsim ako sa baso ng juice at ilang sandaling natulala. Magtatatlong buwan na simula nang magising ako na walang naaalala sa kasalukuyan. Ang alaala ko ay nagsimula taon na ang nakararaan. Nakalimutan ko ang aking mga alaala sa nagdaang apat na taon.

I am Rosalie Liliya Cortez o mas kilala bilang Rolly. I can remember my college years. Kilala ko ang asawa ko ngayon. Isa siyang kilalang estudyante noon. Ako ay isang hamak na skolar habang siya ay anak mayaman.

We never had conversations before. There's some simple interaction but not that enough to consider that we'll end up marrying each other. Kaya lang... noong magising ako at walang maalala sa nangyari, ipinakilala niya ang kaniyang sarili bilang asawa ko.

He handed me all the proof that I am married to him. Certificate of marraige, my ID's which are converted to his surname. Ang litrato ng kasal namin. I ended up believing him. Isa pa, nasa daliri ko ang patunay na ako nga ay kasal na.

"Talaga ho bang ganito siya miski noong mga unang taon ng pagsasama namin?" hindi ko mapigilang tanong sa kausap.

Lumipat na ang tingin ko kay Ate Celia. Pinaiikot-ikot noon ang pasta sa tinidor.

"Bago lang ako, Ma'am. Wala akong gaanong alam sa asawa niyo. Kahit po sa inyo."

Nawawalan ako ng pag-asang humugot nang malalim na hininga.

"Sa tatlong buwan na gising ako, miminsan ko lamang siyang nakasama. I don't know if he's intention is to leave me alone here. Kung dito po kami nakatira, hindi ba dapat ay dito rin ang trabaho niya? Kung saan mas malapit sa akin?"

Umiling si Ate Celia.

"Sa narinig ko kasi sa Doctor na babaeng dumadalaw po sa inyo rito, sa Manila po talaga kayo. Nagtataka nga po ako kung paanong dito po kayo naninirahan ngayon, eh."

I pressed my lips. Our situation is worrying me. I remember his explanation when I asked him why are we here in Bulacan. Bakit wala sa Manila.

"Someone tried to kill you. Gusto lang kitang ilayo sa kapahamakan. I don't know what will happen to me if something bad happen to you again," sagot niya habang inaayos ang damit na susuotin.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon