Kabanata 2

63.3K 1K 148
                                    

Love

Nang magising ako, may dalawang boses na nagpapalitan. Noong una ay hindi ko iyon lubos na maintindihan. Subalit noong nakapag-adjust na ang aking pandinig, kahit papaano ay luminaw ang usapan.

"She is suffering from the most common type of amnesia. Selective. She can remember some parts of her past but not her memories before and after the incident..."

That's a woman's voice. Much more older than mine.

"So, you're saying that she's really getting away with this?" the voice, sounds like Troi.

That's what his friend, Syg, calls him. I didn't know my mind pay attention to their names. I just couldn't remember it earlier because I was too afraid and confused.

"I wanted to see her suffer!"

He sounds so impatient. Galit pa rin sa hindi ko malamang dahilan.

"You deal with it, Troi. Don't put justice in your hand..." said by the woman.

I heard a scoffed.

"I'll decide on that, Tita..."

Nawala ang mga boses na iyon at tanging tunog na lang ng pagsara ng pinto ang aking narinig. Sa kaalamang wala na akong kasama ay nagmulat ako ng mata. Sinubukan kong pwersahin ang katawan para makaupo.

Ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang lalaking dahilan ng takot ko kanina. Naglalakad siya palapit sa akin. Madilim ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Natigilan ako at halos gusto na lamang bumalik sa pagkakahiga.

Nang makalapit siya sa akin ay halos muntikan akong mapasigaw sa takot.

Nahalata niya iyon. He only smirked at me.

"Too afraid, huh?" he sarcastically asked.

Nagbaba ako ng tingin. Itinaas niya ang kamang hinihigaan ko. It is a kind of hospital bed kaya may kontrol siya roon.

"How lucky you are," he muttered.

I only listened and didn't try to look at him. I am afraid of the rage on his eyes.

How can I be so lucky? I don't have a family. He said I faced accident and now is facing a brain injury. Where's lucky in that?

"P-pwede ba akong umuwi?" mahinang tanong ko.

Baka kasi hindi naman siya kidnapper. Baka may awa siya kahit galit sa akin. Kaya lang... nasawi ako.

"You can't," sagot niya na walang pag-aalinlangan.

"You'll stay here until I said so," dagdag niya pa.

Noon umangat ang tingin ko. Why? Bakit kung umasta siya ay parang nabili niya ang aking buhay at siya lang ang may karapatang magdesisyon. Ang kagustuhang magpakumbaba kanina ay nawala. Namumuo na rin ang galit sa akin.

"This is not a Hospital," I stated.

"This is considered kidnapping. Kahit wala akong magulang, this is considered kidnapping!" My voice raised.

Sarcasm and amusement clouded his eyes.

"Oh, really?" he asked those words playfully yet dangerous.

"Wala kang karapatan na pagbawalan ako..."

Nanginginig ko siyang dinuro. Nawawalan na ako kontrol sa aking emosyon. Kung masamang tao nga ito, baka patayin niya na ako!

"Higit pa sa karapatan ang mayroon ako..." malamig ang boses niyang tugon.

Sumugat ang ngisi sa labi ko kahit pa napupuno na ng takot ang dibdib.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon