Cassie's POV
Examination nanamin mamaya, kaya't heto kami ngayon at nagre-review--ay ako lang pala dahil etong kasama ko eh kain ng kain ng toblerone, sabi niya pampatalino daw yun, para daw mamaya marami daw siyang maisagot! Inaalok pa ako, tinanggihan ko kasi nabla-blanko ako kapag kumakain ako ng matatamis. Talaga namang magkaibang magkaiba kami ni bestie ano? Hahaha, kwento pa nang kwento di nalang mag-review, tsss!
"Tapos bestie, sinabunutan ko yung girl-slash-maldita-slash-unggoy! Kasi naman, kung maka lingkis kay Dylan. Tsk..." sumipsip muna siya sa chuckie niya na nakakunot pa ang noo bago ulit nagsalita,"Grabe bestie dun nalang sana siya lumingkis sa binti ni Mylabs~ para magmukha talaga siyang unggoy! Hahahaha. Sht baka picturan ko pa sila at sabay lagay ng caption "THE TRUE KING KONG, LIVING MONKEY NA NGA GORILLA PA" wahahaha" mahabang kwento niya. Parang baliw lang dahil kani-kanina lang eh nangangalaiti siya sa galit ngayon naman tawa ng tawa. Tsk.. Tsk.. Tsk! Naka-katol ata ang bestfriend ko. Hahahaha.
---
Start na ng examination namin pero wala parin si Langaw! Abat--! San naman nagsusu-suot yun? Tsk. . Langaw talaga! Uggh.. Cassie concentrate! Wag mong hanapin ang wala!
Natapos ang examination ng wala siya kaya naman tinanong ko si bestie kung asan siya, pero sana diko nalang tinanong heto! At tinutukso ako.
"Ayieeeh~ hinahanap niya! Hahaha, kaw ah! Labs mona ba bestfriend ko? Ayiyiyiyi~ miss niya." aniya habang sinusundot-sundot yung tagiliran ko. Abat--! Ugggh!
Dilang naman ako sanay na wala siya eh. Parang ewan! Hinahanap hanap ko yung presensiya niya. Siguro eto na yung pagkakataong makapag-open ako kay bestie.
"Bestie! Ka--kapag ba... Uhhh" hindi ko maituloy-tuloy dahil parang naiilang ako na kinakakabahan na ewan.
"Huh? Ano yun? Go on... Magsabi kalang, Im just here. Makikinig sayo" napangiti ako dahil dun. Hays, eto na talaga!
"Bestie, kasi... Uhhh. Kasi sa twing ka-kasama ko si... Lang-langaw, napaka komportable ko, nasasabi ko sa kanya lahat, nagagawa ko lahat. Nababara ko siya pero ni minsan di siya naiinis. Nasisigawan ko siya pero ni-- ni minsan di niya ko sinumbatan. At higit sa lahat, natatarayan at nasusungitan ko na siya't lahat lahat, andito parin--
Uhh.. Siya sa ta--tabi ko. Tapos kahit na nagseselos siya, hindi ko alam kung wala lang siya sa mood o talagang nagseselos siya ewan bestie pero ayun ang sa tingin ko... Nagiging mahaba ang pasensiya niya..."
Tumungo ako, dahil alam kong namumula na ako. Uggh, wala ng bawian to!
"At dahil sa mga simpleng damoves niya sumasaya ako, at the same time na--napapatalbog niya ng parang bola yu--yung puso ko at yung mga corny'ng endearment, jokes at sinasabi niyang 'kanya daw ako' Kyaaah~bestie anong ibig sabihin ng lahat nang 'to? Basta ki--kinikilig ako. Ajujuju."
Nakatungo parin ako, dahil nahihiya ako po! Di ko lubos akalain na masasabi ko lahat ng 'to!
Pag-angat ko ng tingin... Nakita ko si bestie ng nakangiti ng malawak.
"Isa lang ang ibig sabihin niyan.. INLOVE KA BESTIEEEE~~ Waaah! Sa wakas lumabas din ang katotohanan! Wahahaha. Bestie tao kana! Na-in-love ka na! Im so happy!" tuwang tuwa siya habang yakap yakap ako at iniikot-ikot. Aiish.
CONFIRMED! Natamaan nga ako! Gumaan naman ang loob ko at parang unti-unting nawala ang mga tinik sa aking lalamunan. Hays, buti nalang at may mapagsasabihan ako. Ay teka!
"Bestie.. Wag mo nga muna palang sasabihin kay Langaw, kasi mamaya lumaki ulo, haha."
"Okay bestie, just make sure na masabi mo sa kanya ang mga yan sa tamang panahon. Dahil tao lang rin siya napapagod at nasasaktan. Mahal ka nun! Kaya wag na wag mong hahayaang mawala ang taong nakakapagpasaya sayo. Lika nga dito." aniya sabay yakap ulit sakin.
Tumango-tango naman ako. Bumitiw siya nung biglang nag-ring ang cellphone niya.
"You're labidabs! Haha." pang aasar niya sakin. Kuuu!!
"Hello?"nakangiting sagot niya.
Pero nawala rin yun at biglang dumilim ang aura niya.
"Wait... What did you just say? Fck!" padabog niyang ibinaba yung cp niya.
Ako naman diko napigilang magtanong..
"Bestie, anung sabi ni Langaw?" usisa ko. Nakakapagtaka dahil yung good mood niya kanina turns out into bad mood. Nakakagat labi rin siya at nakakuyom yung kamao niya. Ghad! What's happening?
"Bestie may proble---" diko na naituloy yung sasabihin ko nung bigla siyang magsalita.
"She's back..." aniya sabay tayo at umalis na. Clueless ako.
Sino yun?
-----------------------------------------------
A/N: EHEM... SINONG "SHE" yun? Hahaha. Update narin pag may time. Lakas ng ulan dito grabedad! Hahaha.
So, sana nagustuhan niyo ito. :))
VOTE&COMMENT GUYS!
THANK YOU! :***Love,
Sweet_charms.xx
BINABASA MO ANG
You're Mine! Got it?
HumorYou think you can run? Think again, coz I'll do everything just to be with you. You're Mine! Got it?-BKFS ♥