Cassie's POV
Contact ako ng contact kay Luke pero di siya sumasagot. Saan naman kaya nagsususuot yung unggoy na yun? Hayyys. Sana makatulong kami ni langaw dito.
I want to help Yesha, just for once. Hoping na sana ma solve itong problem nila.
Sinubukan ko ulit tawagan si Luke. After 5 rings. Nasagot na rin niya. Thank God!
"Hello?" Paos niyang saad. Kagigising lang siguro
"Hello? Luke! Samahan mo naman ako mag window shopping oh. Pleaseee?"
This is the start of our plan.
"Whaaat? Edi sa boyfriend mo ikaw magpasama. Balita ko may bf kana?"
"Busy siya ngayon eh. Sige na naman oh? Di mo ba ako miss?"
Syempre kailangan ng paawa epek. Kaya naman sa huli napapayag ko siya. Okay Cassie. Kailangan matapos 'to sa isang araw.
Tinawagan ko si langaw.
"Langaw! Okay na, isama mo narin si Yesha sa mall"
"Bakit ba mukhang excited ka dyan? Mas gusto mo atang kasama pinsan mo kesa sa akin eh"
Na i-imagine ko namang nakabusangot nanaman ito. Kuuu~ kainis talaga to. Laging sinisingit love story namin.
"Wag ka ngang ano dyan! Sige na bye bye"
Narinig ko pang may sasabihin siya pero pinutol ko na agad. Baliw.
~Mall~
"Luke, kamusta ang love life?" Pag uumpisang tanong ko. Habang sumisipsip ng juice.
"Wala naman ako nun. I just get girls there with nice body and rock their world until they reached heaven."
Nanlaki ang mata ko, ganun ba ginawa niya kay Yesha? Babaero talaga 'to kahit kailan.
"Pwede ba mag bago kana. Find a woman that will suit into your life, not just on your bed" sabay irap ko.
"Abaaaa! Gumagaling mag advice ah? Porke may lovelife kana? Hmmm? " pang aasar niya pa.
"Baliw. Hindi ganun yun! Sinasabi ko lang nang matigil kana dyan sa kakababae mo! Bahala ka, baka dumating yung araw na makarma ka." Pananakot ko sa kanya.
"Ready naman ako sa kung anong mangyayari eh. I just want to enjoy my life to the fullest thats all. Teka, dika pa ba pagod? Kanina pa tayo paikot-ikot ah?"
Then may bigla akong naalala. Oo nga pala yung plano! Baliw ka Cassie! Nakalimutan mo na.
Chineck ko yung fone ko. At nabasa mga text ni Brent.
"Asan na kayo?"
"Andito na kami sa *toooot* restaurant"
"Hoy babae! May load kaba? Asan na ba kasi kayo?"
"Abaaa! Mukhang nag e-enjoy kana dyan ah? Iiwan ko na si Yesha dito at pupuntahan kita"
-end of text-
Nataranta na ako tsaka nagmamadaling hinila si Luke papuntang resto. Baliw talagang langaw yun. Pati pinsan ko pinag seselosan?
"Papunta na dyan. Stay there!" Text ko kay Brent.
Nagreply naman siya agad agad.
"Nagpa reserve ako ng private room para sa kanila. May mag a-assist sa inyo. Pagdating niyo"
Binilisan naming maglakad. Kahit cluless si Luke kung saan kami pupunta.
Nang nakarating kami nakita ko si Brent sa 'di kalayuan. May nag assit nga sa amin. Ako naman pinapasok ko na si Luke sa loob, sabay sabing mag c-c.r lang ako. Nagtatakang pumasok naman siya sa loob.
Pinuntahan ko si Brent na nakabusangot nanaman.
"Antagal niyo, saan ba kayo galing!?"
"Alis na tayo, baka maabutan pa nila tayo. Sana magkaayos na sila. Sana panagutan ni Luke yun, sana mahalin niya sila ng buong-buo, sana---"
Naputol ang sasabihin ko ng hinalikan niya ako sa lips. Smack lang.
"Puro ka sana dyan, hayaan mo pag nabuntis rin kita, mamahalin ko kayo ng higit pa sa iniisip mo." Namula naman ako ng bongga! Tignan niyo na? Siningit nanaman yung sa amin.
Sinimangutan ko siya "Bata pa tayo! Saka na yan! Hmm"
Sabay talikod ko. Siya naman tatawa-tawa. Ewan ko sa langaw na ito!
"Ngayon lang natin sila tutulungan ha? Pag hindi nag work. Hayaan na natin silang gumawa ng move. Atleast sana masabi ni Yesha na kay Luke na yung dinadala niya. "
"Pero paano pag hindi niya sabihin?"
"Sasabihin niya yan! Naka usap ko siya about sa pag nagkita sila nung lalaki. Sabi niya sasabihin niya pag nagkaharap raw sila. Pero hindi niya alam na paghaharapin natin sila ngayon. Let's just hope na maging okay na."
Sana nga…………. *Sigh*
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Hiiiii! Baeesss! Kamusta. This update is for u! Hihi.
Vote&Comment Guyss!
Thank You! :****Love,
Sweet_charms.xx
BINABASA MO ANG
You're Mine! Got it?
HumorYou think you can run? Think again, coz I'll do everything just to be with you. You're Mine! Got it?-BKFS ♥