Cassie's POV
Ganyan na talaga yan last year pa! Halos lahat ng tao sinusunod siya, sinasamba pa nga eh! Ang angas angas pa! Oo nga't gwapo siya, pero hindi lahat ng gusto niya nakukuha niya!!
Nakakainis lang, dahil pati ako dinadamay niya sa mga kalandian niya! Buti nga at hindi alam ng lahat, edi sana binu-bully na ako ngayon!
Dumaan siya sa gilid, nakita ko sa peripheral vision ko!
Dun siya sa likod ko naupo. Alam niyo ginagawa niya?
Pinagdi-diskitahan lang naman po niya yung buhok ko. Hindi ko alam kung ano ginagawa niya eh! Kung brine-braid niya ba? Hayy.
Langyang to! Pag ako binully ng mga tao dito. Ugghh.
Tumingin ako sa likod, naka ngisi siya sakin.
"Pwede ba! Bitiwan mo yang buhok ko!" pabulong pero madiin kong sabi. Thank God at lahat sila nakatuon na silang lahat sa harap. Kanina pa pala andyan yung prof. namin.
"Yoko nga." nakangiti pa niyang sabi. Bwisit!
"Isa!" mariin kong sabi.
"Dalawa.. Tatlo.. Apat.. Lima" pagpapatuloy nya pa! Kaasar
"Leche" sabi ko at kinuha na yung buhok ko, at iginilid.
Narinig ko naman yung mahinang halakhak niya.
"Ang kyut mo talaga pag naiinis. Kaya mas lalo kitang nagugustuhan eh" bulong niya sakin. Naramdaman ko tuloy yung mainit niyang hininga sa batok ko. Arrrgh!!
Manyak! >,<
Natapos na ang klase at pauwi na ako, wala kasi si bestie! May family dinner daw sila. Kaya ayan! Loner nanaman si ako.
Nabigla nalang ako ng biglang may nagtakip sa mata ko. Sino naman kaya to?
"A-ano ba, yung eyeglass ko! Mamaya nalaglag, wala akong perang pampalit!" kainis, sino ba kasing hampas lupa to?
Hinawakan ko yung kamay niya! Ang lambot lang, pero ang laki naman! Imposibleng si bestie eto eh maliit at payat yung kamay niya.
"Edi bibilhan kita ng bago." bwisit! Siya nanaman! Inabot ko yung mukha niya, paakyat sa ulo at saka siya sinabunutan!
"A--arayy! Anu ba? M--masakit. Fuck!"
"Yan! Bagay lang sayo yan, bwisit ka!"
"Kumalma ka nga baby, fuck ansakit!"
"Huwag ka ngang magmura sa harapan ko! Makaalis na nga." naglakad na ako palayo, pero hindi pa ako nakaka limang hakbang naramdaman ko na agad yung kamay niya sa braso ko.
"Ano nanaman ba?" sigaw ko!
"Di mo manlang ba ako na-miss Li?" yup, tama kayo ng dinig. Li ang tawag niya sa akin kasi, feeling close siya. Yun yon!
"Wag ka ngang FC, makatawag ka ng Li, kala mo naman close tayo!" sabi ko sabay irap.
BINABASA MO ANG
You're Mine! Got it?
HumorYou think you can run? Think again, coz I'll do everything just to be with you. You're Mine! Got it?-BKFS ♥