Cassie's POV
Tapos na ang first sem, okay naman ang result. Antataas nga eh. Hehehehe. Saya!
Nagpapahangin ako dito sa favorite place ko, wala talagang kakupas-kupas dito. Nagbasa nalang ako ng libro, habang ngumunguya ng cheesecake lemonsquare. Diko talaga kasi afford yung mga pagkain dito eh, buti nalang meron pa neto dito.
Habang payapa akong nagbabasa, biglang may nangalabit sa akin. Tumingin ako sa kanan ko at sa kaliwa pero walang tao. Hinayaan ko nalang at nagpatuloy nalang ulit sa pagbabasa. Uminom ako ng tubig nang may biglang nangalabit ulit sa akin. Tsk. Si Brent nanaman siguro 'to. Ang kulit talaga ng langaw na yun.
"Psssssttt" narinig ko.
"Langaw! Hindi ako nakikipagbiruan sayo! Isa!" imposible namang may multo eh teen fiction to. Jusko sana nga! Ms. Author walang ganyanan, friends tayo diba? Ha ha ha.
(*woooooossshhhh*) hangin yan! Wag kayo! -___-
Anak ka naman ng tilapya oh! Horror nga ata talaga 'to. Waaaaa~ ms. Author. Pakners tayo diba? Yiyiyiyiyi.
"BULAGA!!!!!!" Isang malakas na paggulat ang bumati sakin. Nung tinignan ko...
"Luke!" oh my god! Ang laki laki na niya. At ang pogi pogi pa. Niyakap ko siya at pinugpog ng halik sa noo.
"Liel naman eh" he said then he pouted. He's my cousin sa mother side. Ang pamilya nila ang tumulong sa amin nung panahong wala kaming kapera-pera. Basta marami pa silang naitulong. Kaya nga sobra sobra ang pasasalamat namin sa kanila ng mom at dad niya.
"Kamusta kana Luke? Atsaka bakit ka nga pala andito?" tanung ko.
"Okay lang. Gwapo parin. Hahahaha. Kung nakita molang mukha mo kanina. Takot na takot! Bwahahahaha." sinamaan ko nga ng tingin.
"Bakit ka nga andito?" pag-iignora ko sa pang-aasar niya.
"Di 'mo alam? Kalaban namin school niyo ngayon." sabi niya sa nagtatakang tono. Dito kasi kapag may laro lalo na at basketball lahat ng tao nagkakagulo at naghihiyawan. Kaya naman pagdating mo sa gym, jusko siksikan.
Kaya naman pala ang ingay ng lahat.
"Teka, bat hindi mo alam? Eh taga dito ka.?" tanung niya.
"Hay nako. Wala naman akong panahon para sa mga ganyan! Mag-aaral nalang ako." sabi ko atsaka naupo. Naupo rin siya.
"Liel naman! Di mo manlamg ba susuportahan ang gwapo mong---"
"Cassie"
naputol siyang magsalita nung may tumawag ng pangalan ko sa likuran niya.
Si Langaw na seryosong nakatingin sa amin dalawa. Bigla namang umakbay si Luke saken sabay sabing,"Luke pare. Bakit mo tinatawag etong pange--- ay este tong si Liel KO?" pagpapakilala ni Luke! Wala naman akong masabi dahil ang sama ng tingin sa amin ni Brent Langaw. Parang lalamunin ka niya.
"Tinatanong ko ba pangalan mo?" masungit niyang sabi. Oo nga naman, etong Luke na to. Parang gago.
"Oh.. Sorry. In case lang na gusto mong malaman. Hahahaha." pang asar talaga tong pinsan kong to!
"Okay. Pero pwedeng pakitanggal yang madumi mong kamay sa Bae ko?" sabi niya habang nakatingin sa kamay ni Luke na naka akbay sakin.
Pero mas hinigpitan pa ni Luke yung pagkaka akbay niya sakin. Ugggh. Bwisit na yan! Naiipit ako. >__<
Ewan ko pero nag ala-the flash ata si langaw at bigla naman na niya akong hawak at hila hila. Grabe ha!
"Hu--huy! Ano ba?" sabi ko pero di niya ako pinapansin. Dire diretso lang siya.
Di nalang ako nagsalita. At maya maya 'pay huminto na siya kaya naman napahinto rin ako. Dinala niya ako dito sa quadrangle, may upuan dito kaya naupo ako. Hingal na hingal. Tapos siya, nanatiling nakatayo.
Humugot siya ng malalim na paghinga, saka tumingin sa akin.
"Sino yun?" aniya na nakakunot pa ang noo.
Nagtaka naman ako bigla sa tanong niya. Yun lang tatanungin niya, matapos niya akong hila hilain papunta dito? Langaw talaga siya! Isang napakalaking langaw!
"Bakit? Wala kana dun." sabi sabay iwas ng tingin. Nagseselos ba siya? Hay, ewan pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Para bang gustong gusto kong nagseselos siya. Cassie ano bae----este ano ba? Nahahawa na ako sa pauso ng langaw na 'yan.
"Bae---ha? Wala na ako dun? Eh malay mo chuma-chansing yun habang kayakap ka niya? Bae naman, sino ba yun? Pag dimo sinabi hahalikan kita diyan." aniya tapos sinabunutan ang sarili. Frustrated. Hahahaha, pulang pula na siya ang cute! Pero gusto ko lang malaman ang kasagutan sa mga tanong na ito.
"Why do you care?" isa sa mga tanong ko yan ang bumabagabag sa akin.
Tinitigan niya ako ng malalim. "'Coz your my Bae-- ako lang dapat ang nakakahawak sayo! Ako lang dapat ang pumipisil diyan sa ilong mong medyo pango" aba't pango? Nang insulto pa, porke matangos ilong niya? Hmmmp! "At... Dapat ako lang, kasi hindi ko kayang makita kang may kayakap na iba. Dapat ako lang pinupugpog mo ng mga halik! Dapat ako lang, ako lang! Kasi ako para sayo lang! You're Mine! Got it?" he said in a possesive ways. Namula naman agad na parang kamatis ang mukha ko! Ugggh. May isa pa akon tanong;
"Nagseselos kaba?"
"Oo. Dahil mahal kita." mabilis niyang sagot. Bumilis nanaman tibok ng puso ko. Ayan na Cassie oh! Nasagot na mga katanungan mo! Hay.
"Ngayon ako naman sagutin mo. Pag dimo ako sinagot, lagot ka sakin. Hahalikan na talaga kita diyan." aniya. Pumula nanaman yung pisngi ko. Jusko! Pansin niyo bang kanina pa pumupula pisngi ko. Tsk! Ang manyak naman kasi netong langaw na to! Hali--- aissh!
"Pinsan ko yun" sabi ko. Nakita ko namang lumiwanag yung mukha niya at parang nabunutan ng tinik.
"Ikaw ha! Gusto molang naman atang aminin kong mahal kita eh." pang-aasar niya sabay kiliti sa tagiliran ko. Napa usod naman ako dahil dun. Paulit ulit niya pa akong kiniliti hanggang sa magkatapat na ang aming mga mukha. Nagkatinginan lang kami, ngunit nung makita ko ng palapit na ng palapit yung mukha niya. Unti unti naman akong napapikit.
Dumampi ang kanyang malambot na labi sa labi ko. Ewan pero hindi ako makagalaw. This is my first kiss promise. Para akong nakalutang. Ganito ba yung feeling nun?
Waaaaa~
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
You're Mine! Got it?
ComédieYou think you can run? Think again, coz I'll do everything just to be with you. You're Mine! Got it?-BKFS ♥