♥.♥ Chapter 10 ~ One sided love

6.6K 230 9
                                        

Sabrina's Pov

Monday afternoon and I'm busy studying alone here in the cafeteria. Call me a weird nerd pero I prefer studying to noisy places like cafeteria rather than the library ewan ko ba pero mas nakakapag concentrate ako pag maingay.

I'm taking down notes in my notebook nang may maglapag lang tray ng lunch food sa harap ko. Tumunghay ako siguradong isa kina Bella at Nicole iyon una kasi lagi ang lunch break ko kesa sa kanila. But my jaw dropped literally when I saw Miko who was smiling down at me. Agad kung naramdaman ang mga death stares ng mga fan girls niya. Hindi na niya ako hinayaang makapag salita pa dahil umalis na agad siya. Leaving the tray of food sa harapan ko. Napansin ko na may nakalagay na note. Agad ko iyong kinuha at binasa.

Thank you for taking good of me yesterday.

-Miko

I smiled hindi ko maiwasang hindi kiligin sa simpleng gesture niya ng pag tha-thank you. I was kind of surprised dahil na appreciate niya ang pag aalaga ko sa kanya kahapon.

Kinagabihan nakauwi na nga pala sina mommy at daddy, and I'm sure pati na din sina Tito June at Tita Elaine.Kakatapos ko lang mag dinner with my parents nang pumasok ako sa kwarto ko. Napansin ko na hindi pala nakahawi pasarado ang kurtina ng bintana ng kwarto ni Miko.

That was odd kasi lagi yung nakasara na para bang iniiwasan niya na makita ako o makita ko kung ano bang gingawa niya sa kwarto niya. Pero ngayon malawak ang pagkakahawi ng kurtina niya na para bang welcome akong pag masdan kung anung mang gagawin niya.

I saw him in his bed na nakatingin sa kwarto ko. Teka inaabangan ba niya ako? Nagtama saglit ang mga mata namin. Agad siyang umalis sa kama to get something I curiously frowned when I realized that it was a mini white board and a marker.

How was your day? Did you enjoy your food at lunch?

I smiled when I read what he wrote. Pumunta ako sa drawer ng study table ko para kumuha ng mini white board at marker saka sumulat. Mabilis ang tibok ng puso ko habang nagsusulat ng ire-reply sa kanya and it felt good really good...

My day was fine. Thanks for the lunch.

Ngumiti naman siya sakin at halatang natuwa siya dahil na appreciate ko yung simpleng thank you gesture niya.

Ako nga dapat mag thank you dahil inalaagan mo ko.

I guess masyado ako na overwhelmed sa paguusap namin na ito. Not minding kung ano na ba itong nasusulat ko.

It's okay that's what friends are for, right?

Nang matigilan ako hindi na pala kami friends. Nagsulat ulit siya, kinabahan ako sa maari niyang isagot....

Right :)

May smiley face pa! My heart was filled with joy as I read those simple word. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at ganon din siya sakin wearing our silly smiles on our faces...

~♥~


Kinabukasan I was sitting alone na naman pero hindi na sa cafeteria kundi sa isa sa mga benches sa mini park ng WU, This was my favorite spot here in WU para tumambay. Presko ang hangin dito dahil mapuno at wala masyadong tao. Hindi katulad sa student lounge na fully air conditioned at laging puno ng studyante na walang ginawa kundi magpayabangan. Nang may umupo sa tabi ko at katulad ng reaction ko kahapon na surpresa ako. He was holding a box.

"Here" He said, saka bahagyan inabot sakin ang box. "Cookies ang laman niyan my mom baked that she said iabot ko daw yan sayo."

Kinuha ko naman ang box and mouthed my thanks. Hindi siya sumagot bagkos hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na tumatabing sa mukha ko then put it behind my ears. He stared at me intently na bahagyang nakapag palakas ng tibok ng puso ko.

"Ba-baka may makakita satin na magkasama. Hindi maganda sa image mo yun." I said stammering while trying to keep my heart calm.

He didn't bother to answer instead he just looked around. We just silently sat on the bench loving the silence with him beside me. Nang mapadaan ang pinaka terror naming professor na tuwing nagagalit ay laging may ribbit na sinasabi sa dulo. His name is professor Fred but students call him behind his back professor Frog. We stared at him habang may kausap siya phone, we both laugh as he said ribbit to his last sentence. Tumingin naman ito samin ng masama sabay ulit kaming tumigil sa pagtawa ni Miko. Nagkatinginan lang kami while preventing our giggles. Nang makalayo si professor Frog este professor Fred ay tumawa ulit kami.

"Miko!"

Sabay kami napatingin ni Miko and surprised to see Nathalia na masama ang tingin samin specially sakin. Napayuko na lang ako ng makita ko na hinalikan niya si Miko sa labi. Alam ko wala ako karapatan mag selos pero dahil mahal ko si Miko hindi ko rin maiwasan na hindi masaktan.


I love him ....


But he is in love with someone else...

At tingin ko even if wala si Natahalia sa buhay niya alam ko na imposible niyang magustuhan ang tulad ko..

I guess have to keep my one sided love forever...








You Belong With Me ♥(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon