♥.♥ Chapter 31 ~ Best friends (Part 2)

6.3K 231 6
                                    

Cookies note: Still Miko's pov but this time marunong na siya magtagalog. Grade four na sila dito.

Song for this chapter: Byahe by: Josh Santana

Alam mo ang ganda mo pala pag tumawa ang yong mata. Hinahabol ko ang bawat mong tingin ngunit ito'y d mo napapansin. ♫

eto pa ...

Oh kay sarap mong kasama. Napapawi mga problema magaan dalhin kay sarap lambingin. Yun nga lang ay kaybigan kita! ♫

aww! :"<

Akala ko ay mapipigil ko pero lalong nahuhulog sayo ♫

To sabrina my best friend.

From: Miko

~♥~

"Nakagawa ka na ba ng assignment?" Hindi ako nakasagot agad dahil ang lapit lapit lang ng mukha niya sakin. She smiled at me and I gulped when my heart started beating fast. Since we were toddlers ganto na ang nararamdaman ko tuwing napapalapit si Sabrina sakin. Akala ko mawawala din ito pero years had passed by pero ganto pa din ang nararamdaman ko para sa kanya. Walang pagbabago habang tumatagal nga mas lalo pang lumalalim ang nararamdaman ko.

"Miko. Natulala ka na naman!" I like seeing her crumpled face pag naasar siya sakin. She looks so cute and adorable.

"Lumayo ka kasi ang baho mo! Naligo ka na ba?" I teased pero ang totoo hindi naman talaga siya mabaho. The truth is I am addicted to her sweet strawberry scent. Hindi niya alam na kumuha ako sa banyo nila ng shampoo na ginagamit niya at inaamoy yon pag hindi ko siya kasama.

"Alam mo ang sama mo talaga! Naligo na kaya ako!"

"Bakit ambaho mo pa din?" Pang aasar ko pa. Lalo naman siya sumimangot. Paano niya kaya nagagawa yon ang maging maganda pa din kahit nakasimangot na siya?

"Naamoy mo lang sarili mo!"

"Weh? Hindi kaya."

"Oo kaya!"

"Pogi naman!"

"San banda?"

"Sa mukha san pa ba!?"

"Kapal mo!"

"Sus kunwari ka pa pero sa totoo lang crush mo ako."

Napansin ko naman ang pamumula ng pisngi niya. "Hi-hindi kaya!"Pag de-deny niya sabay iwas ng tingin. Lumawak naman ang mga ngiti ko. Hindi kaya crush niya din ako?

"Aminin mo na kasi crush mo ako!" Sinundot ko siya sa tagiliran na alam kong malakas ang kiliti niya. Natatawa namang umiwas siya sabay takbo papalayo sakin.

"Hindi nga sabi ang kulit!" Natatawang sagot niya habang tumatakbo papunta sa kama niya. Nasa kwarto niya kasi kami. Tuwing hapon pagkagaling namin sa school lagi kaming sabay na gumagawa ng assignment sa kwarto niya.

Hinabol ko naman siya sa kama. Hinuli ko siya at kiniliti ng kiniliti. "Ano hindi ka aamin?" I teasingly asked habang siya naman ay maluha-luha na kakatawa. Nakahiga na siya sa kama ngayon not minding that I am already on top of her.

"Oo na sige na crush na kita! Tama na!"

Natigilan naman ako sinabi niya? Talaga crush niya din ako? Maya-maya ay tumawa siya ng malakas. She's really beautiful specially when she's happy her eyes were sparkling that always makes my heart skip a bit and her laughter sounds music to my ears.

"Hahahaha! Naniwala ka naman? Hindi kita crush ano! Imposible yon bestfriend kaya kita! " She said while still laughing. Para sa kanya jowk yon pero sakin hindi dahil umasa ako na parehas kami ng nararamdaman pero wala talaga BEST FRIEND lang tingin niya sakin.

You Belong With Me ♥(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon