♥.♥ Chapter 2 ~ Dinner

9K 257 2
                                        

Sabrina's Pov

When our eyes met. Parang may bombang gustong sumabog mula sa puso ko. Is it because of excitement? For may years hindi kami nagkita ng bestfriend ko and now that I am seeing him sa window na katapat ng kwarto ko? Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng anticipation. Naalala pa niya kaya ako?

I smiled at him. Napansin ko naman ang bahagya niyang pag ngiwi. When I remembered something..

Oh my gosh! Nagbibihis nga pala ako! And at that thought agad akong nagbawi ng tingin sabay hawi ng kurtina ng kwarto ko.

Oh my gosh! Nakakahiya!!

"Sab anak?"

Napatingin ako sa direksiyon ng pinto ng kwarto ko kung saan bahagyang nakasilip sa siwang ng pinto ang mommy ko.

"Yes mommy?"

"Naayos mo na ba yung mag gamit mo or do you still need some help?"

"No ma, I'm fine thanks." I said as I smiled genuinely at her.

"Okay, just call me if you still need some help in settling of your room okay?"

Tumango na lang ako kasabay ng pagsarado ni mama ng pinto. I looked around my room.

Parang kelan lang punong puno pa ang kwarto ko ng mga barbie dolls at mga laruan. Ngayon punong puno na ito ng mga libro.

Ang dami ng nagbago. I sighed as I looked again sa nakasarang kurtina sa bintana ng kwarto ko. I was tempted na hawiin ito ulit. Hoping to see if nandon pa si Miko. Pero ng pag hawi ko ay wala na siya.

Medyo na disappoint ako pero alam ko na masaya ako. Masaya ako kasi nakabalik na ako. Tanda ko pa nuon kung paano ako umiyak, kung gaano ako nalungkot at nadurog ang puso ko noong nalaman ko na kelangan na namin umuwi sa probinsya.

Nalugi ang negosyo namin noon. Bata pa ako kaya wala ako masyadong alam, pero sa natatandaan ko sinisisi ng magulang ko ang mga magulang ni Miko sa pagkalugi namin. Sa sobrang galit nga nina mommy at daddy ni ayaw na ulit nila ako palapitin kay Miko at makipaglaro. They said that they are traitors na dapat ng iwasan.

I was so sad back then plus the fact hirap na hirap ako iwasan sila lalo na si Miko dahil siya lang ang kaybigan ko. Madalas kasi ako ibully noong bata pa ako dahil sa pagiging lampa and Miko was always there to protect me. He became my savior and my one and only bestfriend as well. That's why it's so hard na iwasan siya.

Until one day my parents decided na lumipat na lang sa probinsya cause hindi na namin kaya ang way of living here sa Manila.

Naging maayos naman ang buhay namin sa province kasama ang mga lolo at lola ko Nagtayo din ng bagong negosyo si daddy at nabawi namin kung gaano ka laki ang nalugi samin. Hangang sa lumaki ako and I was surprised ng i-announced ni daddy na babalik na ulit kami sa Manila. Specifically dito sa dati naming bahay. He said that Miko's father and him are now okay. He also said that ganun talaga ang mag best friends hindi maiiwasan na hindi magaway pero as time passed hindi rin matitiis ang isa't-isa at magkakabati din.

Right my Daddy and Miko's father are best friends and based on my observation malaking ang bond na nabuo sa dalawa. And now I can't help but wonder? Ganun din kaya kami ni Miko?

Would he be happy to know that I've come back? Will he be my best friend again?

~♥~

Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko habang nakatingin sa mataas na gate sa harap ko right by my side was my parents. We will be having our dinner sa bahay nina Miko.

Miko's parents invited us to come over for dinner. They said na pa welcome dinner daw nila yun samin.

I wonder kung ano magiging reaction ni Miko pag nakita niya ako? Sana matuwa siya.

Tito Michael and Tita Elaine (Miko's Parents) happily greeted us from the front door. Nagbeso beso pa sina Tita Elaine at Mommy. I hide my grin ng maalala ko na muntik pa silang magsabunutan noon dahil sa away pamilya namin dati, and now I'm glad na okay na ang lahat.

Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng malaking bahay nila. Hoping to find him, but to my disappointment there was no sign of him.

"Si Miko ba ang hinahanap mo iha?" Tita Elaine asked with a teasing smile on her face. "I guess you are excited to see you childhood bestfriend again."

Naramdaman ko ang pag init ng mga pisngi ko. Ganun ba kahalata na gusto ko na siya makita ulit?

"Don't worry nasa basketball practice lang siya ngayon, but he promised na hahabol siya sa atin for dinner. So magkikita pa din kayo ngayon." Then Tita Elaine winked at me.

Nahihiyang tumango na lang ako...

During dinner tahimik lang akong kumakain habang naguusap ang parents ko at ang parents ni Miko. They were talking about the past and some business na hindi naman ako makarelate, but I enjoyed the foods na nakahain sa marangyang dining table nila. Si Tita Elaine daw mismo nagluto na sobrang na appreciate ko naman. Ang sarap kaya!

I am happily munching my food nang magsalita si Tito Michael. "Oh Miko anak! Andito ka na pala buti nakaabot ka pa sa dinner."

Naramdaman ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko upon hearing his name. Saglit akong pumikit to calm myself.

"Okay Sab, no need to be so much excited. SI Miko lang yan na child hood best friend mo. Calm down okay?. I said to myself habang unti-unting tumunghay.

And when I saw him....

Muntik na ako mapanganga.....

Nung nakita ko siya kanina sa bintana alam ko na gwapo siya. But i didn't expect na sa malapitan he was this gorgeously handsome.

His face was well defined makinis ito at wala ni bahid ng pimples. Maamo ang kulay brown na mga mata nito, with matching lips na parang kay sarap halikan.

"Teka halikan agad? Kelan ka pa naging manyak Sabrina Shane Madrigal?" Galit na suway ko sa sarili ko, still my eyes on him. Bakit ba kay sarap niya titigan?.

"Miko remember your Tita Samantha and Tito Grey?

Tingin ko, muntik nang kumawala ang puso ko when he politely smiled and nodded to my parents as a sign respect.

Mas gwapo siya pag nakasmile!

"Aba lumaking napakagwapong bata naman nitong si Miko." Natutuwang komento ng daddy ko.

"Syempre kanino pa ba magmamana?" Tito Michael proudly said.

Napailing na lang si Tita Elaine habang pinipigilan ang pang ngiti. Nang mapadako naman ang tingin sakin ni Tita. "Hey Miko do you remember Sab? Yung best friend mo noong bata ka pa, I remember you two was inseparable back then."

Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko ng tumingin siya sa gawi ko at magtama ang paningin namin.

"Hi" He simply said.

Teka Hi lang?

"Bakit anu bang tingin mo sasabihin niya? Are you expecting a word like I miss you? You two were not kids you know? Marami ng nagbago! and looking at him now? Sobrang laki na ng pinagbago niya!" Dakdak ng kontrabidang konsensya ko. Alam ko naman yun pero siguro masyado lang ako nag expect.

I just greeted him back, with a simple Hello saka nahihiyang yumuko.

"Sige po akyat na po ako marami pa po kasi akong gagawin." I heard him said bago ko narinig ang mga papalayong yabag niya.


So long for my expected warm reunion....









You Belong With Me ♥(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon