♥.♥ Chapter 17 ~ Coward

6.9K 224 6
                                        

Sabrina's Pov


Nagsisigawang mga tao ang sumalubong samin ni Nicole sa gym. May inter college basket ball competition na ginagap ngayon before mag Christmas break at Western University ang napili na school para ganapin ang event kung saan ibat ibang sikat na universities sa buong bansa ang maglalaban laban. Nakapasok ang Eagles sa finals kaya naman sobrang proud ang bawat estudyanteng ng WU sa basket ball team namin lalo na kay Miko na napapabalitang dahilan kung bakit kami nakapasok sa finals. He's really Eagle's MVP and Western University's pride.


"Grave ang gwapo talaga ni Miko ano?"


"He looks so hot while dribbling "


"Gwapo din si captain Trigger."


"Yeah pero mas magaling pa din si Miko."


"Plus wala pa siyang weird and cheap friend"


"You mean the ugly Sabrina girl? Diba may mga pictures pa nga sila ni Miko? Edi friends din sila ni Miko?"


"Of course not! Si Miko pa mismo nag confirm that SHE IS NOTHING to him."


"She's so ambisyosa kasi."


"Yeah. And I'm sure Trigger was just playing around with her we all know Trigger. He really loves to play around specially with an ugly toy like Sabrina."


"Poor girl"


Susugudin sana ni Nicole ang mga girls na sobrang lapit samin pero hindi kami napapansin dahil abala sa pag chichismisan. Pinigilan ko na lang siya. I don't wanna make a scene specially with a huge crowd like this.


"Hiyang-hiya talaga ako sa mga mukha nilang nagmukha ng espasol." Nicole greeted her teeth then crossed her arms.


"Hayaan mo na, wag na lang natin patulan."


Lumingon sakin si Nicole. "Bakit ba ang bait mo?"


Nagkibit balikat na lang ako saka dumiretso sa bleachers habang hila-hila ang nangangalaiti pa din na si Nicole. Tumingin ako sa score board. Fourth quarter na at dikit ang laban lamang ang kalaban with the score of 70 at ang Eagles naman ay 65. Tumingin ako sa timer five minutes na lang tapos na ang last quarter. Kinabahan ako para sa Eagles.


"Tingin niyo may pag asa kayang manalo ang Eagles?"


Napatingin ako sa mga babaeng nasa harap ko. Thay seemed to know everything na nangyari sa laro kaya nakinig ako.


"Of course sa galing ni Miko at Trigger sigurado may pag-asa pa saka five minutes pa ang laban five points lang ang lamang kaya pa yan."


"Well ayun ay kung magtutulungan sila. Di mo ba napapansin parang may secret na alitan sila during the game? They are like nagpapagalingan or something."

You Belong With Me ♥(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon