Sabrina's Pov
"Maam Sabrina. Nasa living room po si Sir Miko hanahanap po kayo."
Tiningnan ko ang isa sa mga katulong namin na nakasilip ngayon sa pinto ng kwarto ko. "Pakisabi ayoko muna kumausap ng kahit sino ngayon. Salamat."
Pagkaalis ng katulong ay humiga ulit ako sa kama hangang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na totoo lahat ng sinasabi nila tungkol kay Trigger na pinaglalaruan lang niya ako I remembered everything he did and said to me lahat yon pagpapangap lang? Lahat yon hindi totoo? A tear escaped from my eye as I hugged my pillow. Bakit niya ginawa yon? Ganon ba talaga ako kababa para lang paglaruan ako?
Umiiyak pa din ako ng mag ring ang cellphone ko tiningnan ko muna sa screen kung sino ang tumtawag. It was Bella bakit kaya siya napatawag? Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at sinagot ang phone ko.
"Hello" I answered as I tried my best to sound casual, yung hindi mahahalata sa boses ko na umiiyak na ako.
"Hi Sa- hey are you alright? Bakit ganyan boses mo?"
Napangiti naman ako si Bella talaga kahit kelan ang lakas ng pakiramdam. "Medyo sinisipon lang ako. Pero nakainom na ko ng gamot kaya don't worry. Bakit ka napatawag?"
"I just wanna asked kung may gown ka na para sa valentines ball."
I curiously knotted my forehead. "Valentines Ball? Ano yun para san yon?"
"What!? Hindi mo alam ang Valentines ball?"
"Ah... Hindi eh ano ba yon?"
"My G! Hindi mo ba alam na yon ang pinakaabangang event ng bawat girl students sa Western University? It's like a formal acquaintance party but the difference is gaganapin siya sa mismong valentines day at lahat ng college department ay magsasama-sama sa grand hall which is decorated with full of love love love! Ayieee!" Excited niyang paliwanang. "Pupunta ka ba? Malay natin duon naten ma meet ang ating prince charming!"
"Hindi ko alam" Walang gana kung sagot. Hindi kasi ako interesado sa mga party lalo na ngayon wala ako sa mood at medyo down ako. "Ano Bella saka na lang tayo mag usap masama na kasi talaga pakiramdam ko."
"Ah sige. Pagaling ka ah?"
"Okay salamat."
Kinabukasan sa WU pagbaba ko ng kotse ay pinagtinginan na ako ng mga estudyante. Sanay na ako na ganon pero iba ang klase ng tingin nila ngayon lalo na ang mga babae para silang may galit sakin? Hindi ko na lang masyado pinagtuunan ng pansin dahil malelate na akosa first class ko. Lunch time ng makasalubong ko si Trigger sa corridor binati niya ako pero di ko siya pinansin.
"Sabrina may problema ba?" Nagtatakang tanong niya ng makahabol siya sakin.
"Diba dapat ako magtanong niyan sayo Trigger?" sagot ko naman.
Naguguluhang tumingin siya sakin. "Anong ibig mong sabihin Sabrina?"
"Anong ginawa ko sayo para maisipan mo kong paglaruan at pagbalakan na saktan ang damdamin ko?" Naghihinakit na tanong ko mukha naman siyang nagulat sa mga sinabi ko.
"Anong sinasabi mo? Hindi ko mainti-"
"Don't deny it Trigger! Nakita at narinig ko kayo ni Nathalia kahapon!"
Nawalan naman ng kulay ang mukha ni Trigger. "Narinig mo?"
"Oo rinig na rinig ko! Anong ginawa ko sayo Trigger? Ganon ba talaga ako kababa para paglaruan mo na lang ng ganun? Trigger tinuring kitang kaybigan ! Minahal kita bilang kaybigan." Hindi ko na napigilang umiyak. "
Akala ko talagang may isang katulad mo na tangap ako dati na kahit panget ako tinuturing akong kaybigan. Pinaramdam mo sakin na kahit papano may worth ako. Pero yun pala lahat yon kasinungalingan."
Guilty naman na napayuko siya. "Nadamay ka lang."
"Nadamay?" Naguguluhang tanong ko habang umiiyak pa din.
"Nadala ako ng inggit ko kay Miko pakiramdam ko inagaw niya lahat sakin ng pumasok siya sa basketball team siya na naging bida. Siya na naging sikat at ako? Nanatili na lang na anino niya. Sa sobrang galit ko naisip ko na gumanti sa kanya at ng nakita ko kung gaano ka kaimportante sa kanya naiisip ko na pag sinaktan kita? Masasaktan ko din siya."
Ako importante kay Miko? Nagpapatawa ba siya? Pinahid ko ang luha sa mga mata ko saka muling tumingin kay Trigger. "Alam mo Trigger naawa ako sayo kasi sayang ang effort mo dahil kahit anong pananakit ang gawin mo sakin? Wala namang pakialam si Miko sakin." Nasabi ko na lang bago ako tumalikod at naglakad papalayo. Natigilan ako ng tinawag niya ako.
"Manhid ka alam mo yon? " Halos pasigaw na sabi ni Trigger habang nanatili pa din ako nakatalikod mula sa kanya. Manhid paanong manhid? "Hindi mo nakikita kung gaano ka kaimportante sa kanya." Dagdag pa niya. What does he mean by that? Muli akong lumingon sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
Ngumiti siya sakin. "Malalaman mo din ang ibig kong sabihin. Pero sa ngayon." Unti-unti siyang lumapit sakin. "Alam mo Sabrina habang umiiyak ka sakin kanina? Narealize ko na kung bakit masyado kang iniingatan ni Miko. You're like a fragile crystal pag umiiyak so vulnerable and angelic to the point that any men would wanted to protect you kahit ang isang walang hiyang katulad ko aayawan kang makitang umiiyak. And believe it or not totoo ang mga sinasabi ko. I'm sorry Sabrina. Wag kang mag alala simula ngayon hindi ko na kayo guguluhin ni Miko.
Lalakad na sana siya palayo pero pinigilan ko siya. "Trigger sa kabila ng nagawa mo? Nararamdaman ko na may mabuti kang puso. And sana wag ka na maingit kay Miko o kung kanino pa man cause you know what? As a person for me you are special."
Lumiwanag ang mukha ni Trigger then after a few seconds ay lumambot ang expression ng mukha niya habang nakatitig pa din sakin. "You are really special and a wonderful person Sabrina napakubuti mo and this time I meant it. Sana balang araw maging totoo tayong magkaybigan. No pretensions. No revenge just true friends."
I smiled at him.
"Goodluck sa inyong dalawa ni Miko."
Hindi ko man maintindihan kung ano ibig sabihin niya saming dalawa ni Miko ay nakangting tumango na lang ako. Si Trigger naman ay kinurot muna ng mahina ang pisngi ko bago tuluyang umalis.
Magaan ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan ang papalayong si Trigger. Para akong nabunutan ng tinik na nagkaayos kami ng isa sa tinuturing kong kaybigan. Kami kaya ni Miko? Kelan kaya kami magkakaayos?
BINABASA MO ANG
You Belong With Me ♥(Complete)
Teen FictionHe is a campus prince I am the campus freak He is a basketball heartthrob I am a nobody but a nerd I AM IN LOVE WITH HIM... He is in love with somebody else.... We used to be childhood bestfriends but now? ...
