SAMANTHA GABRIELLE
"BABY... ANDITO NA TAYO," Naramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko.
Ano ba! Inaantok pa ako.
"Hm..." Bored kong sagot at minulat ko ang mata ko.
Inikot ko ang mata ko sa loob ng Van nakita kong kami na lang ni Andrea ang andidito kasama Kuya driver.
"Napasarap ata tulog mo, eh! Tara na nandon na sila." Sabi niya at hinila ako palabas.
"Si Ezekiel?" Tanong kosa kaniya pero hindi siya sumagot may tinitigan siya kaya napatingin rin ako sa tinitingnan niya.
O-okay! Ito ba 'yong date na sinasabi niya? Date with his ex-fiance?
"Ahm? Kuya babalik ka na po ngayon?" Tanong ko kay Manong driver at sumulip sa kaniya sa loob.
"Ah? Bakit mo na tanong baby?" Nakakunot noo si Andrea.
"Ah... Opo, Ma'am babalikan ko na lang kayo sa linggo." Sagot ni Kuya driver at nakatingin rin sa'kin.
"Ahm kuya sasama na po ako sayo pabalik." I pouted while saying this.
Wala na akong gana magdagat!
"Uuwi ka na?!" Malakas na tanong ni Andrea sa'kin dahilan para mapatingin sa'min sila Ezekiel.
Sinasadya niya, eh!
"Sinong babalik?" Tanong ni Ren habang patakbong lumalapit sa amin ni Andrea.
"Si baby. Ewan ko ba kong bakit nag iba bigla isip nito." Malungkot na sabi ni Andrea at napakamot pa sa ulo niya. Kasi naman Mahal niya ang mga ganitong lakad kaya kung maka react grabi.
"Ah? Bait, Sam?" Kunot noong tanong ni Red sa'kin. Nakalapit na pala sila sa amin bakit bumalik ang mga ito?
"Ah eh... Kasi ano? Ma-masama pakiramdam ko... I think, hindi ko ma-eenjoy ang weekend ko rito, uuwi na lang ako marami pa kong gagawin, eh. Gusto ko rin magpahingga..."
Napayuko kong sabi dahil alam kung nakatingin si Ezekiel sa'kin at ayaw kung makita na nakatingin siya sa'kin.
Hinaplos ko ang ulo ko para mas effective na masakit ang ulo ko, na may masakit talaga ako.
"Anong hindi?! Mag-eenjoy ka. Saka ‘di ba ikaw nagyaya sa amin? Lika na maganda rito, inom ka na lang nang gamot o kaya injection ni Re—Aw fuck!" Naputol ang sasabihin ni Rex at napalitan ng mura dahil binatukan siya ni Ezekiel napakamot siya sa ulo niya.
"Wag niyo na nga siyang pigilan kung gusto niyang umuwi. Umuwi siya! Masyado namang pa VIP. If you wanna go home then go back!" Inirapan pa ko ni Bianca habang sinasabi niya sa'kin.
Napayuko na lang ako ayaw ko ng away at kung away lang naman ang aabutan ko dito, uuwi na lang talaga ako.
"Makapag salita ka namang babae ka kala mo naman invited ka rito. Okay na 'yong pa-VIP wag lang 'yong pinagsiksikan ang sarili." Pagtatangol ni Andrea sa'kin at dinuro niya pa si Bianca. Hinawakan ko siya sa kamay.
"Baby... Wag mo ng patulan, tara na nga!" Saway ko sa kaniya at hinila ko siya pa alis roon.
"Sasama rin naman pala papilit pa dami pang arte," Rinig kong sabi ni Khatty.

BINABASA MO ANG
Mr. Playboy Hot Wife [COMPLETED]
Romance"Ikaw ang lalaking minahal ko, pinagkatiwala ko sayo ng buong-buo ang puso ko, pero hindi ko inakala na ikaw rin pala ang wawasak nito ng pinong-pino." -Samantha Gabrielle Garcia