Kabanata 37

1K 20 0
                                    

SAMANTHA GABRIELLE

MAAGA akong gumising at naghanda ng almusal. Sabado ngayon at pupunta rito si Ezekiel para sunduin si Ram para sa kanilang father and son's bounding.

Inaayos ko sa mesa ang mga niluto kung almusal ng marinig ko ang ingay ng door bell. Kunot-noong napatingin ako sa pambisig kung relo.

6:39 AM

Sino naman ang matinong tao na pupunta dito ng ganitong oras?

Pinunasan ko ang aking kamay at tinungo ang pinto na walang tigil sa pag-ingay ang doorbell.

"Wait lang," Sabi ko habang naglalakad papunta sa pintuan.

Binuksan ko ang pinto. Napa-awang ang labi ko ng bumungad sa akin ang mukha ni Ezekiel na may masayang ngiti na naka-ukit sa kaniyang labi.

"Good morning, Gab." He smile.

"Anong ginagawa mo dito?!" Pigil kung tanong sa kaniya ngunit pa sigaw.

Nilingon ko ang ang hagdanan. Nandidito si Kuya at hindi niya pa alam ang tungkol sa pagkikita namin ni Ezekiel. Hindi ko kasi masabi-sabi sa kaniya lalo pa't ayaw niya na makitang lumapit sa amin si Ezekiel.

"Where's Ram? I'm just excited to be with my son, so, I came early."

"Hindi ba sinabi ko sa iyo na alas nuwebe mo sunduin? Ezekiel, tulog pa ang anak ko ng ganitong oras, umalis ka na at bumalik ka na lang mamaya o kaya ihahatid ko na lang siya sa dating tagpuan."

Akmang isasara ko ang pinto ng iharang niya ang kaniyang paa. Mabilis ko namang binuksan ang pinto ng makita kung na iipit siya. Laking gulat ko na lang ng bigla siyang pumasok sa loob at na upo sa sofa.

"Ezekiel, nakiki-usap ako sa iyo, umalis ka na." Nang gigil na sigaw ko kay Ezekiel dahil hindi sila pwedeng magkita ni Kuya.

"No, I wait until my son awake. I don't care how long my it takes."

"Samantha, who's there?" Rinig kung boses ni Kuya mula sa itaas at naririnig ko ang footsteps niya.

Nagkatinginan kami ni Ezekiel. Mabilis na tumibok ang puso ko hindi dahil sa nagtama ang mata naming dalawa kundi dahil sa pwedeng mangyari kapag nagkita silang dalawa.

"Are you sleeping with another man, Gabrielle?" Walang emotion na tanong sa akin ni Ezekiel at inisang hakbang ang pagitan naming dalawa.

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang matinding galit na siya namang ikinakunot ng noo ko dahil sa pinagsasabi niya.

"Ezekiel, umalis ka na! Please, ayaw ko ng gulo." Ipinagtulakan ko siya papalabas ng pinto ngunit nagmamatigas siya.

"Rem Mendoza."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ni Kuya sambit ang pangalan ni Ezekiel. Napapikit ako at napatampal sa noo ko dahil hindi ko alam kung paano magpapaliwanag kay Kuya.

Ilang beses ko namang sinubukan na magpaliwanag sa kaniya pero unaatras ang dila ko sa tuwing pumupunta siya rito na mainit ang ulo.

Mr. Playboy Hot Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon