SAMANTHA GABRIELLE
Bumaba ulit ako sa sala pagtapos kung mag-ayos ng sarili ko nakita kong nakaupo si Shaine at Sarah sa magkaharap na pang-isahang sofa.
Nanunuod ng tv habang kumakain ng pizza. Si Ezekiel naman ay tahimik lang na nakikinuod sa pinapanood ng dalawa.
"Ate! Pizza, ang sarap." Alok sa akin ni Shaine ng makita niya ako, kumuha naman si Sarah ng isang slice ng pizza at ibinigay sa akin pero tumangi ako dahil sa busog na ako.
"Busog pa ako eh, teka ready na pala ang guest room na tutuluyan niyo." Sambit ko at na upo sa armrest ng kina-uupuan ni Sarah.
Wala na kasi akong nakikitang vacant seat dahil nakataas ang dalawang paa ni Ezekiel sa mahabang sofa.
"Hmm... Ate dito ka, gusto kitang katabi." Reklamo ni Shaine na siya namang ikinatawa ko na ikina-iling ni Sarah at kumapit sa braso ko.
"Hindi, dito lang si Ate." Binilatan niya si Shaine.
Sumimangot naman ito, nahagip ng mata ko na nakatingin sa akin si Ezekiel kaya bahagya akong ngumiti sa kaniya, bago nag-iwas ng tingin.
Napansin kong tahimik lang siya kanina pa ng pagkatapos naming kumain, hindi na rin siya muli pang umimik ng maitanong niya sa akin kung buntis ako. Kinabahan ako sa tanong niyang iyon, hindi pa ako handa na malaman niya, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya.
Isa pa siguro dahil sa kanina sa mall hindi kami nagpansinan tapos nagkasagutan pa kami pagdating niya.
"Oo na, wag nang magtampo ang baby girl na 'yan." Sambit ko.
Naglakad papalapit kay Shaine pero bago pa ako makaabot sa tabi ni Shaine may naramdaman akong kamay na humila sa kamay ko at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakapatong kay Ezekiel na nakapulupot ang kamay niya sa bewang ko, nag angat ako ng tingin sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa akin.
My heart beat so fast as our eyes meet.
Aalis na sana ako sa ibabaw niya ng marinig ko ang tili ni Sarah at Shaine pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.
"Stay." He huskily whispered.
"Ehhh!" Protesta nila Sarah and Shaine.
Nakita kong tiningnan ni Ezekiel ang dalawa bago niya ako tiningnan.
"Hu—"
"Aakyat na ako, inaantok na kasi ako." Putol ko sa sasabihin ni Ezekiel at umalis sa ibabaw niya.
"Sige, Ate! Good night, I love you so much!" Tumakbo papalapit sa akin si Shaine.
"Good night labidabs!" Hinalikan ko siya bago yumakap kay Sarah.
Kaagad rin akong umakyat sa kwarto at dumiretso sa banyo dahil na susuka ako ng sumalubong sa akin ang amoy ng pabango ni Ezekiel na pumupuno sa buong kwarto, ang sangsang!
Ipinikit ko ang mata ko ng maramdaman kong nahihilo ko, god! Bakit ngayon pa? Naghugas ako ng kamay at tiningnan ko ang itsura ko sa salamin, ang putla ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/311785318-288-k659636.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy Hot Wife [COMPLETED]
Romans"Ikaw ang lalaking minahal ko, pinagkatiwala ko sayo ng buong-buo ang puso ko, pero hindi ko inakala na ikaw rin pala ang wawasak nito ng pinong-pino." -Samantha Gabrielle Garcia