CHAPTER 1

30 24 0
                                    

Start date: November,1, 2023

End date: November,3 , 2023









____________________________________________________________________________








Nakaupo si ayumi sa loob ng kotse niya habang kasusap sa telephono ang director na siyang amo niya ngayon sa gaganapan niyang pag arte.

"Wag ka pong mag alala direk. papunta na po ako , handang handa na ako .." nakangiting sambit ni ayumi habang nagma-make up sa kanyang mukha , para sa gaganapan niyang role bilang isang pulubi

"Oh segi , basta siguraduhin mo lang na maayos yan!" turan ng director bago tuluyang pinatay ang tawag.

Samantala , habang patuloy sa pag -ma-make up si ayumi ay bigla siyang natigilan ng may isang kotse ang kararating lang at nag park ng sobrang lapit sa tabi ng kotse niya.

"Ay! teka, bakit ang lapit ng pag kaka-park ng kotse mo sa kotse ko!" sambit ni ayumi ngunit hindi siya narinig ni yohan , ang lalakeng may ari ng kotse na nag park ng sobrang lapit sa kotse niya.

Agad na nag panic si ayumi ng tuluyan ng bumaba si yohan sa kotse nito .

"Hoy!" Muling sigaw ni ayumi ngunit hindi parin siya naririnig ni yohan lalo't may sout itong earphones.

Dali-daling hinubad ni ayumi ang sout niyang seatbelt at agad na binuksan ang pinto ng kotse niya ngunit hindi niya ito mabuksan lalo't nahaharangan ng kotse ni yohan ang pintuan ng kotse ni ayumi.

"Hoy! Ano ba! Sabi ng itabi mo tong kotse mo!" muling sigaw ni ayumi.

Biglang huminto si yohan na siyang ikinahinga ng maluwag ni ayumi .

"Mabuti naman at narinig mo ako.." nakangiting sambit ni ayumi , ngunit agad din napawi ang kanyang ngiti ng makita niyang kaya pala huminto si yohan ay dahil tinignan lang nito ang sarili mula sa salamin na bintana ng kotse.

Nakangiting hinubad ni yohan ang sout niyang sunglasses at tinignan ang kanyang istura mula sa salamin na bintana ng kotse.

"Kahit na hindi ako nag handa , talagang gwapo parin ako..." nakangiting sambit nito . Muli na niyang isinout ang kanyang  sunglasses at nakangiting naglakad paalis.

Naiwan naman si ayumi na natataranta at nag sisigaw.

"Hoy! Teka, bumalik ka!" Dali daling binuhay ni ayumi ang kanyang kotse at agad na pinaandar ito paatras ngunit agad din siyang napahinto ng biglang may huminto na truck na tumapat sa dadaanan niya mula sa likuran.

"Bilisan ninyo! Anjan na ang kliyente!" sigaw ng may ari ng truck na humarang sa dadaanan sana ni ayumi mula sa likuran.

UNACQUAINTED LOVER (CONTRACT COUPLE SERIES #1)Where stories live. Discover now