CHAPTER 5

16 24 0
                                    

Pabalik na si yohan sa kanyang kwarto ng madaanan niya ang TV sa sala na naka bukas , agad niya itong tinungo at halos mapatalon siya sa gulat ng madatnan niya si ayumi na nakaupo sa sahig at nasa mga mesa ang mga paa nito habang nakasout ng costume na ipis.

"Ano ka ba!" Iritadong turan ni yohan na labis na nagulat na siyang ikinatingin ni ayumi dito. "Anong problema mo't naka sout ka ng ganyan sa kalagitnaan ng gabi!"

"May mahalaga akong role na gagampanan na ibinigay ng direktor sa akin , kaya heto at pinaghahandaan ko ng mabuti..." turan ni ayumi dito.

Napailing na lamang si yohan at napahilot sa kanyang nou. "Sa tingin ko mukhang mas sira pa sayo ang direktor niyo." turan ni yohan na hindi na pinansin pa ni ayumi at nagsisikap na lamang na makatayo.

"Alam mo , tulungan mo nalang kaya ako , hindi ako makatayo oh , Hali ka at tulungan mo ako , para naman may silbi ka.." iritang sambit ni ayumi dito.

Nakangiting tumango si yohan at agad na lumapit kay ayumi ngunit hindi para tulungan ito , kundi para kunan ito ng litrato..

"Teka! Ano ba!" Inis na singhal ni ayumi dito habang iniwawasiwas niya ang sungay na costume na sout niya kay yohan habang patuloy parin siyang kinukuhanan nito .

"Hahaha! Wala ng mas nakakatawa pa sa istura mo dito!" Tumatawang turan ni yohan habang si ayumi ay pilit na tumatayo ngunit sadyang na hindi siya makatayo dahil sa pwesto niya.

.

.

.

Kasalukuyang nakaupo pareho sina ayumi at yohan sa magkabilang sofa habang nanonoud ng TV.

Napakunot ang nou ni yohan ng mapatingin siya kay ayumi na ngayon ay nagkakamot ng ulo nito na halos ilang oras na nitong ginagawa.

Hindi makakamot ng maayos si ayumi lalo't sout sout niya ang costume niya.

"Ano ba yang pinag gagagawa mo .." nakangiwing  turan ni yohan dito.

"Ang hirap pala mag sout ng ganitong costume.." sambit ni ayumi habang patuloy na kinakamot ang ulo niya .
"Gustong - gusto ko na talagang maligo at hugasan tong buhok ko tapos mahiga na.." dag dag pa nito.

"Pwede naman , edi hubarin mo yang sout kong costume..... ay sandali! Ikukuha kita ng tubig ..." nakangiting turan ni yohan at agad na tumayo at nag tungo sa banyo.








Nakangiting kinukos-kos ni yohan ang ulo niya sa harapan ni ayumi. "Alam mo , tama ka , mas maraming gamitin nito, mas maganda , napaka refreshing nito , ibang klase. Napaka bango at napaka completable pa!" Nakangiting turan ni yohan habang patuloy na kinukos-kos ang buhok niya sa harapan ni ayumi na ngayon ay titig na titig sa ginagawang pag kos-kos sa ulo ni yohan.

"Sira ulo ka talaga!" Singhal ni ayumi dito sa labis na pag ka irita.


.

.

.


Kinabukasan, nagmamadaling bumaba si ayumi mula sa hagdan habang kasusap niya sa cellphone ang direktor na amo niya.

UNACQUAINTED LOVER (CONTRACT COUPLE SERIES #1)Where stories live. Discover now