CHAPTER 2

21 23 0
                                    

"BE MY GIRLFRIEND.."

nakaupo sina ayumi at yohan sa loob ng coffee shop habang nag uusap matapos ng nangyari kanina.

"At bakit naman ako papayag na maging girlfriend mo.. baka nakakalimutan mo... May kasalanan kang ginawa sa akin .. at isa pa , ngayon lang tayo nagkakilala. " Mahabang turan ni ayumi.

Napailing naman si yohan matapos uminon ng kape , inilapag niya ang hawak na baso at mahinang tumawa na siyang ipinagtaka at ikinatingin ni ayumi.

"Anong nakakatawa?" Iritang sambit ni ayumi dito.

"Ikaw..."sambit ni yohan habang umiiling iling pa na siyang ikinakunot ng nou ni ayumi. "Don't worry I don't like you . I only need you.." turan ni yohan na lalong ikinabwisit ni ayumi.

"Sira ulo ka pala eh!" Sigaw ni ayumi sabay tayo sa upuan , pero agad din siyang natigilan at napatingin sa mga taong nasa paligid na ngayon ay nakatingin na sa kanya.

Agad na humingi ng tawad si ayumi at muling umupo sa kanyang upuan at mahinang minura si yohan.

"Alam mo, bwisit ka talaga sa buhay ko!" madiin at pabulong na sambit ni ayumi dito.

"Kailangan kita para mag panggap na girlfriend ko , para may maipakilala ako na girlfriend sa grandma ko." Turan ni yohan na siyang ikinanganga ni ayumi.

"Ano?!"

"Hindi ba't sabi mo , artsita ka? Edi kaya mong gawin iyon , aarte ka lang naman na girlfriend ko.." dag dag pa ni yohan na siyang ikinapitik ng sintido ni ayumi , agad na niyang kinuha ang dala niyang bag at tumayo na mula sa pagkakaupo at nag hahanda ng umalis.

"Bahala ka sa buhay mo, kung wala kang magawa , wag mo akong-

"100 thousand every month. " biglang turan ni yohan na siyang ikinatigil ni ayumi. "Pero kung ayaw mo-

"Teka! Teka!" Dali-daling naupo ulit si ayumi at ngayon ay abot tenga na ang ngiti habang nakatingin kay yohan.

"Wag kang mag alala , sa galing kong umarte , siguradong magu-gustuhan at magu-gustuhan ako ng grandma mo" nakangiting sambit ni ayumi kay yohan.

"Hindi ." sambit ni yohan na siyang ikinatigil ni ayumi.

"Anong hindi? "

"Ang gusto ko .. wag ka niyang magustuhan.." nakangiting sambit ni yohan na siyang lalong ikinataka ni ayumi.

"Ha? teka nga... pwedeng paki-linaw... Naguguluhan ako eh!"

Nakangiting inalala ni yohan ang naging usapan nila ng lola niya sa mansion nila



UNACQUAINTED LOVER (CONTRACT COUPLE SERIES #1)Where stories live. Discover now