CHAPTER 15

15 16 0
                                    

"HINDI AKO PAPAYAG NA MAGSAMA KAYONG DALAWA. "

Parehong natigilan sina yohan at ayumi ng marinig nila ang boses ni Elvina .

Agad na napalingon si ayumi sa ina na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanila ni yohan.

"Ma...." Gulat na sambit ni ayumi ng makita ang ina na papalapit sa kanila ni yohan.

"Hindi ako papayag na mag sama kayong dalawa. " Mariing ulit ni elvina at ibinaling ang tingin kay yohan.
"Yohan ,nag sinungaling ka sa akin tungkol sa totoong pag katao mo. At ang mas malala pa , kontrata ang relasyon ninyong dalawa." dag dag pa ni Elvina at agad ng umalis ng Hila hila si ayumi.

"Yohan ." Sigaw ni ayumi habang Hila hila siya ng ina.

"Auntie. I'll make you like me again." Sigaw naman ng determinadong si yohan.

.

.

.

Nasa kusina si Elvina at nagluluto ng biglang sumulpot si yohan na may dalang mga gulay at may sout pang apron , agad itong lumapit sa kanya.

"Auntie , ako na po dyan." turan ni yohan na siyang agad inilingan ni elvina.

"Hindi na , ako na , kaya ko na to. " Turan naman ni Elvina habang kinakalikot ang kalan na tila ayaw gumana , hindi nagpaawat si yohan at nakipag agawan ng sandok kay elvina. 

"Ako na po ."

"Hindi na , ako na. "

Patuloy sa pag aagawan ang dalawa ng sandok ng bigla itong lumipad tungo sa may kalan at sa isang iglap ay sumabog ang kalan na hindi naman din gaano nagbigay pinasala sa kanila.

"Ma! Yohan? Ayos lang ba kayo?" Agad na responde ni ayumi ng marinig ang pag sabog sa kusina.

Unang lumabas si yohan na sobrang dungis ang mukha at sumunod naman ang ina ni ayumi na siyang pinaka madungis sa lahat.

"M-Ma? Okay ka lang?" Nagaalala man ay hindi naman mapigilan ni ayumi ang mahinang pag tawa dahil sa istura ng ina.


Matapos ang nangyari kanina ay nakapag ayos na din ang lahat .
Kasalukuyang nasa labas si elvina habang pinapag pag ng mahina ang bedsheets na bagong laba lang niya.

Habang nag papag pag ay biglang sumulpot si yohan na siyang ikinatigil at ikinatingin ni Elvina.

"Auntie , ako na po , kaya ko na po yan." Nakangiting presenta ni yohan.

"Ma , hayaan mo na pong siya ang gumawa." sambit ni ayumi na kararating lang.

Napabuntong hininga nalang si Elvina at ibinigay ang hawak na bedsheets kay yohan.

Nakangiting tinaggap ito ni yohan at nagsimula na sa ginagawang pag-papagpag tulad ng ginagawa kanina ni elvina.

Nakatayo naman pareho sina ayumi at Elvina sa gilid habang nakatingin kay yohan.

UNACQUAINTED LOVER (CONTRACT COUPLE SERIES #1)Where stories live. Discover now