CHAPTER 10

15 16 0
                                    

Kasalukuyang nakaupo si ayumi sa sofa habang nag mumuni- muni at iniisip ang mga nangyari kagabi at ang sinabi ni yohan sa kanya.

"Salamat at hindi mo ako iniwan".

"Ano bang ibig sabihin niya don? Teka , may ibig sabihin ba siya don? Baka naman kaya niya nasabi yon dahil nag aalala siya na kapag nawala ako eh mahihirapan na siyang mag hanap ulit ng panibagong aarte na girlfriend niya? Pero bakit ganon ang reaction niya? Hindi kaya... May gusto siya sa akin? Pero ni rejected niya ako noon." Nasapo na lamang ni ayumi ang kanyang nou dahil sa mga iniisip at tinatanong niya sa sarili niya.
"Tatanungin ko na lang siya , para mag ka alaman na!" Agad na tumayo at tumungo si ayumi sa kwarto ni yohan ngunit pag bukas niya ng pinto ay bumungad na agad sa kanya si yohan na biglang bumagsak sa balikat niya.

"Teka!Teka! Ang bigat mo!" Sambit ni ayumi at kahit hirap ay tumungo siya sa kama ni yohan habang nakayakap parin sa kanya ang walang malay na si yohan.  Nang maibagsak niya si yohan sa kama nito at napahingal naman si ayumi dahil sa sobrang bigat nito.

Agad na nilapitan ni ayumi si yohan at idinampi niya ang likod ng kanyang kamay sa nou nito , nagulat siya ng malamang inaapoy na pala ng lagnat si yohan.

Agad na kinuha ni ayumi ang cellphone niya at tinawagan ang private doctor ni yohan.

"Hello Dr. Jo. May sakit po si yohan ngayon , nawalan din po siya ng malay. "





Kasalukuyang nakaupong nakasandal si yohan sa headboard ng kama matapos siyang ma check ng nasa harapan niyang private doctor na uncle din niya

"Maayos ka na , hindi naman malala ang lagay mo, kaya okay na." Nakangiting turan ng doctor.

"Uncle Jo . Kailangan kita sa oras na to. May pabor sana ako ."






"It's very serious . Someone must look after him , 24 hours a day or consequences will be catastrophic." Turan ng doctor kay ayumi na siyang lihim na ikinangiti ng palihim ni yohan ngunit agad din itong natigilan ng mapatingin si ayumi sa kanya .

*Cough* cough* umaarteng ubo ni yohan.

Matapos makaalis ng doctor ay ginawa naman ni ayumi ang mga binili ng doctor sa kanya na bantayan at alagaan si yohan.

Kasalukuyang nakaupo si yohan sa kama at nakasandal sa headboard ng kama , nasa harapan naman niya si ayumi na ngayon ay pinapalamig ang gawa nitong mainit na lugaw .

"Ah.." ungot ni yohan sabay bukas ng bibig niya para sa pag subo ni ayumi ng lugaw sa kanya.

Napatingin naman si ayumi kay yohan gamit ang mga naniningkit niyang mga mata .

Marahan at maingat na ipinasubo ni ayumi ang lugaw kay yohan ngunit agad napangiwi si yohan ng biglang mapaso ang bibig niya dahil sa lugaw.

UNACQUAINTED LOVER (CONTRACT COUPLE SERIES #1)Where stories live. Discover now