CHAPTER 3

19 23 0
                                    

Nakaupo si yohan sa malaking bato habang nakatayo naman si ayumi na pina-payongan si yohan at pinapay-payan.

Napag desisiyonan ni Victoria na umakyat ng bundok kasama sina yohan at ayumi para na din magkaroon ng mas magandang relasiyon ang dalawa , pero sa nangyayari ngayon ay mukhang malabong mangyari yon.

"Tubig, nauuhaw ako .." turan ni yohan sabay lahad ng kamay niya.

Agad naman binuksan ni ayumi ang mineral water at agad ding ibinigay kay yohan.

"Mainit, ayusin mo ang pagkakahawak sa payong , shaka lakas-lakasan mo din ang pag papay-pay sa akin ." turan ni yohan.

Samantala, si ayumi ay iritang irita na kay yohan sa mga pinag gagawa at pinag uutos nito sa kanya.

"Girlfriend mo ako , hindi babysitter!" Bulayaw nito dito.

"Don't you forget? , We're just a contract couple." turan ni yohan dito

"Girlfriend lang kita kapag anjan si grandma , at mag tra-trabaho ka naman kapag wala siya , gaya ngayon.." nakangiting sambit ni yohan kay ayumi.. "here's the contract ". abot ni yohan kay ayumi na siyang agad tinaggap nito. "Kailangan mo nang pirmahan yan.." dag dag pa ni yohan dito.

Akmang bubuksan na ni ayumi ang kontrata ng biglang dumating na si Victoria.

"Ayumi, yohan.." nakangiting sambit ni Victoria na kararating lang..

Agad naman kumilos si yohan at pinag palit niya ang pwesto nila ni ayumi , ngayon ay si ayumi na ang nakaupo habang siya naman ang may hawak ng mga payong at pamay-pay habang mabilis niyang pina-pay-payan si ayumi.

"Ang bilis naman ninyong dalawa..." Nakangiting turan ni Victoria habang naglalakad papalapit sa kanila.

"T-teka.. anong ginagawa mo?.." gulat na turan ni ayumi ng biglang lumapit si yohan sa kanya.

Matamis na ngumiti si yohan kay ayumi na siyang lalong ipinagtaka nito.

"It's okay. Just rest. Im willing to serve you , I'm not tired at all..." Nakangiting pagmamalaki ni yohan.

"Talagang malaki na ang ipinagbago ng apo ko ..." Nakangiting turan ni Victoria.

"Ganon po talaga , kailangan, alagaan at pagsilbihan ko ang babaeng mahal ko ." Nakangiting sambit ni yohan at agad siyang tumingin kay ayumi.

'hmm. Ikaw!.. mas magaling ka pang umarte kaysa sa akin .. ' turan ni ayumi sa kanyang isipan habang pinaniningkitan niya ng mata si yohan.

"Oo naman , alam mo po ba grandma, napaka bait at napakabuti talaga sa akin ni yohan, hindi niya ako hinahayaan na mahirapan o mapagod , at sa tuwing sasakit ang mga paa ko ay palagi niya akong pinapasan.." nakangiting sambit ni ayumi , ngunit agad ding nag bago ang expression niya at tumingin kay yohan. "Masakit ang paa ko ngayon."
Bahagyang nawala ang ngiti ni yohan at makahulugang tumingin kay ayumi.

UNACQUAINTED LOVER (CONTRACT COUPLE SERIES #1)Where stories live. Discover now