CHAPTER 13

14 16 0
                                    

"LET'S BREAK-UP".

Nag hahanda ng umalis si ayumi sa mansion habang si yohan naman ay nakaupo sa sofa at nanonood ng t.v.

"Ikaw na ang bahalang mag dahilan o mag pa liwanag kay grandma kapag nalaman niyang umalis na ako. " turan ni ayumi habang patuloy sa pag aayos ng gamit niya. "Aalis na ako. "

Nang tuluyan ng makaalis si ayumi ay agad na napalingon si yohan dito .


Matapos mailagay ni ayumi ang lahat ng mga bagahe niya sa likuran ng kotseng sumundo sa kanya ay agad na siyang pumasok sa loob ng kotse.

Habang nasa loob ng kotse si ayumi ,  biglang may kumatok sa bintana ng kotse na siyang ikinatingin niya .
Nang makita niyang si yohan ito ay agad din niya ibinaba ang bintana.

Agad na tumingin si yohan kay ayumi at bumuntong hininga.

"Mahal kita....Pakiusap, wag kang umalis." puno ng pag susumamo sa boses ni yohan ngunit hindi na ito pinansin pa ni ayumi sa halip ay isinara na niya agad ang bintana ulit .

"Manong, Tara na. " Walang emosyong turan ni ayumi at hindi na pinansin pa si yohan na patuloy na kumakatok sa pinto at bintana ng kotse.

Nang tuluyang umandar ang kotse ay walang pag aatubili namang tumakbo si yohan para sundan ang kotse.

"Ayumi!" Sigaw ni yohan habang patuloy na tumatakbo at sumusunod sa kotseng sinasakyan ni ayumi hanggang sa napahinto na din si yohan sa labis na pagod at hindi na niya naabutan pa ang kotse. Wala na siyang nagawa kundi ang tignan na lang ang papalayong kotse , ang papalayong si ayumi.

.

.

.

Kasalukuyang nasa bar sina ayumi kasama ang matalik na kaibigan na si loren at ang boyfriend nito.

"Cheers!" Sigaw nilang tatlo tapos ay sabay sabay na uminom ng alak.

Agad na tumayo si ayumi na siyang ikinatingin nila.

"Come and listen to me , I just finished a big job and made a lot of money. I pay for everyone's drink tonight!." Nakangiting turan ni ayumi na siyang ikina hiyaw ng lahat sa loob tapos ay agad niyang kinuha ang alak sa mesa at ininom ito.




Makalipas ang ilang oras ay lumabas na din sina ayumi kasama si loren habang ang boyfriend nito ay nauna na sa labas para kumuha ng taxi na masasakyan nila.

"Oh , saan na naman tayo pupunta?" Tumatawang tanong ni ayumi sa kabigan ."ah, alam ko na , doon nalang tayo sa——" agad natigilan at napahinto si ayumi ng makita ang taong nasa harapan niya ngayon. Si yohan. "Mauna ka na." seryosong turan ni ayumi sa kaibigan na siyang ikinabuntong hininga nito at ikinatango.

Nang tuluyang makaalis si loren ay bahagyang natawa si ayumi habang nakatingin kay yohan.

"Ano na naman at andito ka?" turan ni ayumi na tila naiirita na.

UNACQUAINTED LOVER (CONTRACT COUPLE SERIES #1)Where stories live. Discover now