CHAPTER 9

14 16 0
                                    

Nakangiting nakangiting sa malawak na karagatan si ayumi , habang nakangiting nakatingin naman sa kanya si yohan.

"tignan mo oh ." Nakangiting turo ni ayumi sa may malawak na karagatan.

Patingin na si yohan sa tinuturo ni ayumi ng biglang may nagsalita mula sa kanilang likuran.

"Ayumi , naalala mo pa ba ako?" turan ni Axel na kababata ni ayumi. Agad naman napalingon sina yohan dito.

Nakangiting lumapit si ayumi agad dito ng makilala niya kung sino ito.

"Axel! Ikaw nga!" Nakangiting turan ni ayumi at agad na niyakap ang kababata. "Grabe! Nakabalik ka na pala galing U.S."

"Naalala mo pa ba ang sinabi mo noon? , Na mag papakasal ka sa akin kapag lumaki na tayo. " Nakangiting turan ni Axel habang yakap si ayumi.

Agad na humiwalay si ayumi dito at pinalo ang braso nito.

"Sira! Mga bata pa tayo non eh!" Nakangiting turan ni ayumi.

"Eh ngayon?" biglang turan ni Axel na bahagyang ikinatigil ni ayumi.

Nang mapansin ni yohan ang kakaibang nangyayari sa dalawa ay agad siyang lumapit at nakisingit sa mga ito.

Nang mapansin ni ayumi ang pag lapit ni yohan ay agad siyang napa tikhim at nakangiting ipinakilala si yohan kay axel.

"Uhm , yohan , si axel nga pala , kababata ko. Kababalik lang niya dito galing U.S. " nakangiting pakilala ni ayumi dito kay yohan.  Sunod namang tumingin si ayumi kay axel at nakangiting pinakilala din si yohan kay axel. "Axel , si yohan nga pala , siya ang — " hindi na natapos pa ni ayumi ang sasabihin niya ng biglang sumulpot si yohan sa pag sasalita at siya na ang nagpatuloy sa sasabihin ni ayumi.

"Ako ang boss niya, nag tatrabaho siya sa akin ." Nakangiting turan ni yohan dito.

Nagulat man ay agad ding nakabawi si ayumi ng biglang mag salita si axel na nakatingin na pala sa kanya.

"Matagal tagal din tayong hindi nagkita , Tara , kain tayo sa labas , libre ko. " Nakangiting Aya ni Axel kay ayumi.

"Segi—

"Segi! Tamang tama, gutom na din ako." Sulpot ulit ni yohan at nauna ng maglakad.

Napasunod naman ng tingin si ayumi kay yohan na nauna ng maglakad, kung hindi pa siya hinawakan ni axel ay paniguradong tulala parin itong nakatingin kay yohan.

"Let's go?" Turan ni axel dito na siyang agad ding tinanguan ni yohan.

"Segi , Tara na."






.

.

.








Kasalukuyang nasa loob ng restaurant sina axel , yohan at si ayumi na siyang pinagigitnaan ng dalawa.

"Ayumi , ako na ang oorder para sayo , alam ko naman ang mga gusto mo eh." Nakangiting turan ni axel na siyang tinanguan na lamang ni ayumi at lihim itong napatingin kay yohan na ngayon ay abala sa pag titipa sa hawak nitong cellphone at tila walang pakialam sa nasa paligid nito.

UNACQUAINTED LOVER (CONTRACT COUPLE SERIES #1)Where stories live. Discover now