CHAPTER 14

19 14 0
                                    

Tulalang  nakaupo si ayumi habang nasa kanyang likuran naman ang kanyang ina na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatingin sa anak.

"Anong istura ba naman yan ." Napabuntong hininga na lamang ang ina ni ayumi at napailing. "Sino ba kasi yan at bakit ayaw mong sabihin sa akin?" inilapag ni elvina sa harapan ni ayumi ang gatas na tinimpla niya. "oh yan , inumin mo't para mahimas- masan ka . Hay naku, pag ibig nga naman." turan ni Elvina na umiiling iling pa at iniwan muna ang anak.

Napatingin naman si ayumi sa kanyang sarili sa salamin at napabuntong hininga na lamang siya ng makita ang kanyang istura na namumugto ang mga mata dahil sa kakaiyak at ang gulo pa ng buhok.

'kamsuta na kaya si grandma ngayon?' tanong ni ayumi sa kanyang sarili .

.

.

.

Matapos mahimas- masan ay napag desisiyonan ni ayumi na puntahan si victoria sa ospital para hatdan ito ng pasalubong pero hindi na siya nag abala pang mag pakita dito.

"Nurse , pwede bang maki bigay to kay Victoria Venyx, Room 047." turan ni ayumi at agad na ibinigay sa nurse ang dala niyang isang basket ng prutas at ilang pagkain na niluto at ginawa niya mismo.

"Uhm , ma'am ano po palang panggalan niyo? Baka kasi magtanong sila kung kanino galing ." Turan ng nurse.

"Wag mo nalang sagutin at sabihin mo nakalimutan mo. " pakiusap ni ayumi sa nurse na siyang tinanguan ng nurse. "salamat."

Matapos makapag usap ay hindi muna umalis si ayumi sa ospital lalo't gusto niya pang silipin muna si victoria.

Habang naglalakad ay biglang napahinto si ayumi ng makita niya ang hinahanap niya .

"Grandma, the doctor said you getting better." turan ni yohan na siyang ikinangiti ni ayumi habang nakatingin dito.

"Nga pala , bakit hindi ko pa nakikita si ayumi na dumalaw dito? Asan siya?" Tanong ni Victoria na biglang ikinawala ng ngiti ni yohan ngunit muli din siyang ngumiti ng pilit.

"Uhm, grandma, bumalik na po tayo doon, para makapag pahinga ka ."pag iiba ni yohan sa usapan at agad ng inalalayan si victoria pabalik.

Samantala, habang nakatingin si ayumi sa papalayong sina yohan at Victoria ay bigla siyang natigilan ng may luhang kumawala sa kanyang mga mata na agad din niyang pinunasan.

.

.

.

Matapos maihatid ni yohan si victoria sa kwarto nito ay lumabas muna siya at hinanap ang nurse na siyang pag babantayin muna niya kay Victoria lalo't may mga dapat muna siyang asikasuhin lalo na sa companya.

UNACQUAINTED LOVER (CONTRACT COUPLE SERIES #1)Where stories live. Discover now