CHAPTER 6

15 16 0
                                    

Nakaupo si ayumi sa madilim na lugar habang nakagapos at nanghihina at napakaraming mga suga't at pasa sa katawan .

"Hindi ka parin ba aamin!" sigaw ng isang babae at agad na binasag sa ulo ni ayumi ang bote ng alak.

"H-Hindi... Hindi ako nag taksil.. H-Hindi..." umiiling at nanghihinang turan ni ayumi ....

"And ..... Cut!" Sigaw ng director na agad na ikinangiti ni ayumi at ikinabukas ng ilaw sa boung paligid.

"Direct , gusto ko pong makita ang kuha ko.." nakangiting turan ni ayumi at agad na tumayo mula sa upuan at mabilis na tumungo at lumapit sa director..

.

.

.

Nakangiting tinitigan ni ayumi ang kanyang sarili sa napakaling salamin habang sinusukat niya ang damit na so-soutin niya sa pag kikita nila ng mama niya.

Napatingin naman si yohan kay ayumi na kauupo lang sa sofa.

"Anong meron at mukhang may pinag hahandaan ka.." curious na tanong ni yohan dito.

"My mom's coming to see me , and i need to let her know i'm okay. " Turan ni ayumi . " So she can feel comfortable spending my money " dag dag pa nito.

Napailing na lamang si yohan at hinayaan na lamang si ayumi.

"At oo nga pala , hindi pala ako makakasama sayo mamaya sa party sa sinasabi mo ..." turan ni ayumi na siyang sandaling ikinatigil ni yohan ngunit agad din itong bumalik sa ginagawang pag titipa sa hawak nitong iPad.

Habang nag susukat ay agad na natigilan si ayumi ng biglang tumunog ang cellphone niya na agad niyang tinignan ang kinuha.

["There's a shot that needs fixing and you need to get over here.." ]
Message ng director kay ayumi na siyang ikinatigil ni ayumi ngunit agad din siyang nag reply dito.

"Okay po direct." reply ni ayumi dito at agad na itong nag bihis at umalis.




Matapos mag bihis ni yohan ay sandali siyang napatingin sa salamin at nakangiting tumalikod at umalis ngunit agad din siyang natigilan at napahinto ng marinig niyang nag ring ang phone na nasa mesa. 

"Hindi talaga nag iisip... Iniwan ba naman ang cellphone, at talagang gusto pang mag sinungaling sa mama niya. " Umiiling iling na turan ni yohan at agad na siyang umalis at hinayaan na lamang ang cellphone ni ayumi.

Samantala , matapos ang shooting ay nagmamadaling umuwi si ayumi sa mansion at mabilis niyang hinanap ang cellphone niya .

Nang makita niya ito sa mesa ay agad niya itong kinuha at tinignan.

[" Kararating ko lang "]

[" Anak asan ka na?" ]

["Text mom when you see it"]

["Mom's been waiting for you , I hope you're okay. "]

Nagmamadaling tumakbo si ayumi paalis habang tinatawagan ang mama niya.

"Ma , asan ka?"





Sa sobrang pag mamadali at pag kataranta ay hindi na nakapag ayos at nakapag bihis pa si ayumi ng makaalis siya sa mansion at dumiretsyo sa mamahaling hotel na tinutukoy ng mama niya.

"Ma!" Nakangiting sambit ni ayumi ng makita niya ang mama niya na nakaupo , agad ding napangiti si Elvina ng makita ang anak.

"Ano ba yan , ba't ganyan ang istura at sout niya.." sambit ng isa sa mga babae na kumakain sa kabilang table na siyang ikinatigil ni ayumi.

UNACQUAINTED LOVER (CONTRACT COUPLE SERIES #1)Where stories live. Discover now