CHAPTER 4

16 24 0
                                    

Kasalukuyang nakaupo sina yohan at ayumi habang nasa harapan naman nila si victoria kasama ang batang si warren na siyang ibibilin ni victoria sa kanila.

"Sa Ngayon, ibibilin ko muna si warren sa inyo. " Panimula ni victoria kina ayumi at yohan na umiinom ng tubig. "tutal buntis naman si ayumi , mabuti na din to para naman may experience kayo sa pag aalaga ng bata. " Dag dag pa ni victoria na siyang ikinasamid ni yohan.

Palihim na nasapo ni ayumi ang kanyang nou at agad siyang napatingin kay yohan na saktong napatingin din sa kanya.

.

.

.





"Hindi talaga madali magpalaki ng bata. " turan ni ayumi habang nakaupo sa sofa katabi si warren na ngayon ay nag lalaro sa kanyang tabi.

"Mabuti naman at alam mo.." biglang sambit ni yohan na nakahiga sa sofa at kinakalikot ang cellphone niya .
"Yung ibang mga magulang, habang tinuturuan nila ang mga anak nila ay nagagalit , na s-stress .." dag dag pa nito na siyang ikinairap ni ayumi.

Kinuha ni ayumi ang packbag ni warren na nasa tabi niya ." Tutal nabanggit mo lang din naman .." sambit ni ayumi habang nakatingin kay yohan at agad na tumayo at tumingin kay warren. "Warren, Tara? Tuturuan kita ng math. " nakangiting Aya ni ayumi dito na siyang agad na tinanguan ni warren.

Samantala , naningkit naman ang mga mata ni yohan habang nakatingin kay ayumi na ngayon ay nag lalakad na paalis habang hawak hawak si warren , ngunit agad din siyang napailing.

.

.

.


Makalipas ang ilang oras ay tinungo na ni yohan sina ayumi na ngayon ay naglalaro ng mahjong .

Agad na napahinto si yohan at napako sa kinatatayuan niya ng makitang naglalaro sina ayumi at warren ng mahjong.

"Teka .. anong—

Nakangiting tumingin si ayumi kay yohan at tinaasan niya ito ng kilay. Sumenyas pa si ayumi dito na tignan si warren na siyang agad ding ginawa ni yohan.

"All two points...Two points in the bar..
Two cents. & Three cents. You're gonna give me 64 pieces of candy when we share one." Nakangiting turan ni warren at agad na inilahad ang kamay niya sa harapan ni ayumi matapos niya ipakita ang lahat ng bars niya.

Nakangiting tumingin muli si ayumi kay yohan na ngayon ay gulat na gulat parin ngunit agad din nitong pinakalma ang sarili .

"Hindi na sana ako pumayag na ikaw ang mag bantay sa kanya kung alam ko lang na ganito." Turan ni yohan habang umiiling iling pa at agad na lumapit kay warren.  "Let's go , it's time to play .." turan ni yohan at isinikublit ang bag ni warren sa kanyang likuran at agad na inilahad ang kamay niya sa harapan nito na siyang agad ding tinaggap nito.

Samantala, naningkit naman ang mga mata ni ayumi habang umiiling iling na nakatingin kay yohan na hawak hawak si warren.

UNACQUAINTED LOVER (CONTRACT COUPLE SERIES #1)Where stories live. Discover now