Akala ko isang gabi lang si Xavier mawawala, dalawang gabi pala. Hindi siya umuwi dito siguro busy pa siya sa sariling lakad niya.
Mabuti nga rin iyon at may time akong umiyak para sa tuluyang pagkakasira ng pamilya namin, ng pamilya ko. Narealize ko na hindi sapat ang anak para mapanatiling buo ang isang pamilya, hindi anak ang pondasyon kundi ang pagmamahal ng dalawang taong nag-iibigan para sa isang matibay at buo na pamilya.
The father nor the mother should choose their other half, kasi sa kanila nagsimula ang lahat. Para sakin kung papililiin ka kung asawa o anak ba, piliin mo yung asawa kasi ibig sabihin nun pinipili mo rin yung anak. Ibig sabihin nun pinipili mong maging buo ang pamilya mo. Kung anak lang yung pinili mo there's no guarantee that you'll choose your spouse.
I really envy those kinds of families, those who were whole and not broken. Kasi wala ako nun. Wala na ako nun, pina-experience lang sakin.
Mas lalo ko lang hinagulgol ang iniisip ko ngayon. Uminon ako kagabi para makatulog, inubos ko lahat ng canned beer sa ref, ngunit iniyak ko lang lahat ng iyon. Pagkagising ko akala ko wala na, meron pa pala. I'm lying down in my bed, curling up my knees, crying my heart out. My fallen tears were visible in my white pillow.
Kailangan ko ng bumangon, maligo at maglinis. Kasi kahit ano namang gawin ko wala na, the decision were final. Nagmaka-awa na ako dati kay mom na ipaglaban pa at wag sukuan pero ano daw magagawa niya ayaw na ni dad, sinubukan ko ring kumbinsihin pabalik si dad para nalang sakin, kahit hindi na para kay mom but to no avail his decision were final. At anong rason nila? They fell out of love! Bullshit! Kung dati hindi nila ako pinakinggan ngayon mas lalong hindi.
Dati hindi ko pa alam ang konseptong iyon, pero noong kalaunan, I found out that my dad is having an affair with his first love. Kaya pala nawalan ng pagmamahal para sa nanay ko kasi bumalik yung totoo niyang minahal.
Ang sabi sakin ni mom, I was just an accident at natutunan lang nilang mahalin ang isat-isa ng dahil sakin, pinanindigan siya ni dad, pinakasalan ng dahil sa isang aksidente. It was hard for me to digest that information, it's too heart shattering, yung malaman mong aksidente ka lang at naging rason ng kanilang miserableng buhay.
Nakayanan kong bumangon at maligo kahit pa ayaw ng katawan ko. Kasalukuyan ko ring linilinis ang mga bote ng alak at ang kalat ng pag-iinom ko kagabi ng bumukas ang pinto ng condo ko.
Alam kong si Xavier iyon, dalawa lang naman kaming may susi, I gave him the spare key for the mean time.
"Uminon ka?"
Unang bungad niya. Wala man lang good morning.
"Morning" I gave my best to sound lively.
"Uminon ka nga." Kunot noong pahayag niya. Nasa tapat ko na siya ngayon at inagaw sa akin ang plastic bag at siya mismo ang namulot ng kalat ko.
"Okay lang ako, kaya kong maglinis."
"Hindi ka okay, kita mong mugto yang mga mata mo." His jaw flexed at mahigpit rin ang hawak niya sa plastic bag, bawat bote ng canned beer ay natutupi sa mahigpit na pagkakapulot niya.
"Galit ka ba?" I asked. "Kakadating mo lang, galit ka kaagad." Wala akong time para sa pag-iinarte niya, wag ngayon please.
"Panong hindi? Ganito aabutan ko -" "Condo ko to Xav!" I cutted him off.
Hindi ko sinasadyang sumbatan or sigawan siya, kasi naman bakit galit siya dahil lang sa uminon ako?
"That's not what I meant. Sana tinext moko" lumamlam ang boses niya, his chest are heaving so much indicating that his calming his self.
YOU ARE READING
THE ART OF SITUATIONSHIP (18+) (soc)
RomanceUndeniably, Cassandra Kadie Tuazon a girl that can tame everyone with her talent and charm. She's easy to deal with nevertheless she can't deal relationships. Afraid of commitment not until she offered Mr. Xavier Vera to be in a so called- Situatio...