Chapter 31

330 8 0
                                    


Bakit ba kailangan niya pang bumalik para sabihin sa 'king na gusto niya akong makita? Na namiss niya ako? That he fixed everything?

Bullshit.

Gabi na at hindi pa rin ako makatulog. Pa bali-baligtad lang ako sa kama ko. Ano pa ba kasing gusto niya? Buo na yung pamilya niya, nagagampanan niya yung dapat gampanan niya bilang isang ama. Masaya naman siguro siya diba?

Masaya ako para sa kanya.

At ako?

Nangungulila.

I held my stomach and did a silent cry.

It was already two months. My baby was two months old when I had a miscarriage.

Sabi ng doctor stress daw at over fatigue that's why I lost him or her. Wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko, kasi kung alam ko lang inalagaan ko ng maayos yung sarili ko. Sana pala nagpacheck- up nalang ako the moment na hindi ako dinatnan.

Kinutuban na ako eh, but I'm so afraid to admit na meron, kasi ayokong maranasan niya yung buhay na magulo, yung walang buong pamilya, at lalong-lalo na ayokong maranasan niya na tinatago siya. I don't want to share the same page with my child. And a complete family is something that I could not give him or her. Bast ang alam ko lang hindi ako handa.

But when I lost the baby I lost my self, too. I cried every night. I mourned.

Mabuti nalang nandiyan sina Trisha, Max, at Sir Matt para damayan ako. Sila lang yung nakaka-alam, kahit pamilya ko walang alam sa nangyayari sa buhay ko.

"My little angel guide mommy, please." I murmured.

After the miscarriage, ginawa ko ang lahat para maging maayos lang ulit ako, sinubsub ko ang sarili ko sa trabaho para mawala lang sa isip ko ang mga problema ko kahit saglit. Pero hindi ko namamalayan na kahit ang trabaho ko nadadamay ko na pala.

"Kadie, I know what you have been through but please do your duties. Ayusin mo yung trabaho mo. May nagrereklamo na isang client at ikaw ang humawak noon." Nasa office ako ni Sir Matt at pinapagalitan. It's his first time scolding me about my work. Kahit abilidad ko sa pagguhit na-kwekwestyun na.

"Gusto mo mag leave?" Napahagulgol ako sat ono ng tanong ni Sir Matt sakin. Binaon ko pa yung mukha ko sa mga palad ko. Umupo siya sa gilid ko at hinagod hagod ng bahagya ang likod ko. Napabuntong hininga nalang siya nang damayan ako.

"Girl, we will miss you." Sabi ni Max nang ihatid nila ako sa airport. "Ako rin." I smiled at them.

"Babalik ka naman diba?" tanong ni Trisha, actually, kanina pa siya umiiyak-iyak, nahihiya lang talaga siyang ipakita sa akin dahil daw strong siya. Tumango nalang ako sa kanya bilang tugon.

Honestly, three months lang naman yung hiningi kong leave sa trabaho. Kung tutuusin sobra-sobr ana ngang leave yung three months. Ewan ko kung mag-eextend pa ako. Kaso baka wala na akong balikang trabaho. Mabuti nalang mabait na boss si Matthew.

"Three months lang naman, ano kaba?" I hugged her. "Bye na." at ayon umiyak nan ga siya. Inasar pa siya ni Matthew kasi noong umalis si Matthew para sa business conference hindi namn daw niay iniyakan.

"Alagaan mo tong dalawang to ah." Pagababanta ko kay Matthew. "Ako pa ba? Lalo na 'to no." sabay akbay niya kay Trisha, nag make face naman si Max, hindi na talaga nasanay to.

I bid my goodbye once more at pumasok na sa airport para maghintay ng flight ko.

Si Mama ang sumalubong sa akin sa airport. Tuwang-tuwa siya na nandito ako, dahil sa wakas daw binisita ko siya. Ang hindi niya alam tumatakas lang ako sa sakit na naramdaman ko sa Pilipinas. Pero narealize ko na kahit saang lugar pala dala-dala mo yung sakit dahil nasa nararamdaman mo iyon.

THE ART OF SITUATIONSHIP (18+) (soc)Where stories live. Discover now