Buong maghapon wala kaming ibang ginawa kundi ang e-enjoy ang company ng bawat-isa.
Naligo pa kami sa dagat kahit madali lang. Kasi sobrang sakit ng init, namumula ako masyado.
“Xav, hintay.” Hinihingal ko na sabi sa kanya. Pano ba naman ang bilis lumakad, eh paakyat pa kami sa burol ngayon. At ang init-init pa, but it didn’t stop us. Mabuti nalang at mahangin dito kahit papaano hindi nakakasakit masyado yung init.
“I can’t wait, gusto kung makita mo to.” Magiliw na sambit niya.
“Wow.” I was captivated by the view. Tama nga siya sobrang ganda nga. I can see the whole view, the whole city, and its neighboring cities. I wonder what it looks like kung gabi na. The clock says quarter to four already.
Naglatag siya ng picnic blanket kasi may dala-dala siyang basket kanina incase daw na magutom ako. “Let’s have a rest for a while. Water?” pag-aalok niya sakin ng tubig. Caring pala ‘to.
Mabilis akong nagbunting hininga, “Sige.” At naupo na sa kabilang banda ng picnic blanket. Nasa gitna namin ang basket na may mga iilang chips, tubig at prutas.
“Sa’n mo nakuha to?” Kasi wala naman akong naalalang binili naming to kanina papunta dito.
“Sa Villa.” Simpleng sabi niya lang. Siya na ang nagbukas ng tubig bago iabot sa akin. Kinuha ko ito at uminom na.“Uhaw-na-uhaw ah.” Then he chuckled. Akma ko siyang babatuhin ng water bottle pero sinabihan niya lang ako ng basura ko daw. That’s Xav, ayaw niya ng may nakakalat na basura, kahit sa condo ko minsan sinasabihan niya ako pag hindi ko lang nailigpit kahit na yung mga art mats ko. Siya nalang nagliligpit minsan non. Well, iba ata talaga paglaking States hehe.
“Kailan tayo aakyat don.” Pagtuturo ko sa Basco light house, “Pede naman ata sigurong umakyat sa tuktok no’n diba?”
“Yeah, later before the sunset.”
“Talaga?”
“Do I look like I’m kidding?” sus, sungit naman, nginitian ko nalang siya. “Hm’kay.” Pagsasang-ayon ko nalang.Nagtagal muna kami bago mapagpasyahang bumalik na sa villa. The clouds are in hues already. Maglalakad pa kami, medyo malayo na malapit. “Xav, bilis hindi na natin maaabutan yung sunset.” Gusto ko kasing sa tuktok ng lighthouse ko makita yung sunset. First time ko pa naman to.
“Hold this.” Inabot ko naman yung basket. “Ang bagal ko na nga maglakad tapos ako pa padadalhin mo nito.” Pagrereklamo ko. Dito ako magaling eh, magreklamo.
My eyebrows creased when he crouched down in front of me, facing his back to me. “Ginagawa mo?”
“Sakay.”
“Ano?”
“Piggyback ride, Kadie.” Baling niya sakin. “Come on! Where going to be late.”Napakamot nalang ako sa ulo at dumampa na sa likod niya. “That’s right.” He put both of my arms encircling his shoulder and neck.
“Kapit ka ha, baka mahulog.” Hulog na hulog na nga. But I’m too coward to admit. Talo ako, sobra.
“Xav!” hinampas ko siya sa balikat ng bigla siyang tumakbo. “Mahuhulog talaga ako nito sa ginagawa mo.” Paglilitanya ko pa. Mas lalo niya lang hinigpitan yung pagkakahawak niya sa pang-upo ko.
“Xav, yung dede ko naiipit.” Humagalpak lang siya ng tawa. For I know sinasadya niya yan.
“Baba na nga ako.”“Malapit na lang naman.” Pagrarason niya. “Ang sakit nga, Xav.” Binaba na niya ako. “Mabuti naman, ang bigat mo.” Pinasingkitan ko nalang siya ng mata, “Eh sino bang may sabing eh piggy ride moko?”
“Ang lambot pa naman.” Comment niya. Hinampas ko siya “Ang bastos mo!” sa pangalawang paghampas ko tumakbo na siya kaya nakailag, mukha na tuloy kaming bata na naghahabulan dito papuntang villa. Hingal na hingal tuloy kaming napaupo sa damuhan.
YOU ARE READING
THE ART OF SITUATIONSHIP (18+) (soc)
RomanceUndeniably, Cassandra Kadie Tuazon a girl that can tame everyone with her talent and charm. She's easy to deal with nevertheless she can't deal relationships. Afraid of commitment not until she offered Mr. Xavier Vera to be in a so called- Situatio...