Chapter 13

6.4K 227 4
                                    

Diana Pov

"Now, lets begin... Bibigyan ko kayo ng ilang araw para sanayin ang katawan ninyo at makapaglakad habang suot-suot ang mga bagay na iyan. Hindi kayo makakakain hanggat hindi niyo nagagawa ang utos ko. This is your first task, don't dissapoint me,"

Narinig pa naming lahat ang huling binitiwan nitong salita. Kahit na natutuwa ako dahil sa improving at nagsasalita na ng mahaba si Storm, hindi parin maalis sa isip ko ang huling mga salita nito.

Hindi namin batid kong anong klaseng bagay ba itong pinasuot ni Princess sa amin, lahat kami nakadapa, sobrang bigat ba naman ng mga ito, pakiramdam ko nabali yata ang mga kaso-kasoan ko sa pagkabigla. Ouch! my back...

Lalo pa kaming nanghina dahil sa sinabi niya, my God, di pa naman ako mabubuhay ng wala ang masarap na luto ni princess, napanguso na lamang ako sa sitwasyon ko.

Ng medyo nakapag-adjust na kami ay nagsimula na kaming gumalaw, pinilit namin at sinubukang tumayo. Paulit-ulit lamang ang nangyayari. Siguro ay dahil na rin sa sobrang hina ng mga katawan namin kaya hirap-na hirap kaming mag-adopt sa sitwasyon.

"Aah! Aray ko po, dyos ko.. buhay pa ba ako..." Kanya-kanyang reklamo naman ang mga kasama ko. Sinikap kong tumayo kahit pa nanginginig na ang mga tuhod ko. Marunong akong makipaglaban oo, but I know na hindi pa sapat ang lahat ng kakayahan ko upang maging kwalipikado at lumaban kasama ang prinsesa.

Pakiramdam ko simula ng magising siya ay naging napakalayo na nito at napakahirap ng pantayan at maabot. Kaya magsisikap ako, gagawin ko ang lahat para sa kanya..."Aah..." Malakas kong daing ng bigla nanaman akong bumagsak. Aray ko, ang tuhod ko. Tingin ko ay puro sugat na, pati narin ang siko ko na ginagamit pantukod. Fuck!

Nagsimula ng tumulo ang malalaking butil ng pawis sa aking noo, pero hindi pa ito sapat. Tinukod kong muli ang aking siko at pinilit na umupo. Hindi ako tumigil hanggang sa nagawa ko! Napangiti ako ng magawa ko ngang makaupo mula sa pagkakadapa. Hingal na hingal ako, inaamin ko talagang napakahina nga talaga ng katawan ko.

Nakita ko naman ang ibang kasamahan ko na nakaupo narin katulad ko. Bakas ang determinasyon sa kanilang mga mukha.

"Yaaahh! Pa..para s..sa pagkain,,,ha,hah!" Hingal na hingal namang sambit ni Gester. His one of our classmate. Siya ang isa sa pinakamatakaw sa lahat, kaya para sa pagkain ay tiyak kong gagawin nito ang lahat. Napangiti na lamang ako sa gawi nito.

Sinimulan na naming subukang tumayo. "Arrrgh, pakiramdam ko mapuputol yung kamay ko shit!" Hingal na sambit ni Jessa.

Hindi namin batid kong gano na kami katagal sa loob ng dimensyon na iyon, pero hanggang ngayon ay hanggang pagtayo pa lamang ang pwede naming gawin.

Isa pa pala sa mahirap ay dapat sabay-sabay kaming lahat. Hindi pwedeng may mauuna at may mahuhuli, meaning, we need to do cooperation. We need to help each other in order to do this first task of ours. Kaya inalalayan namin ang bawat isa. Nagsisimula na kaming maglakad ng sabay, halos mapugto ang hininga ko sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi lang yun, dahil yung mga paa namin, konting pagkakamali ay tiyak na babalik kami sa lapag.

We continue our training, nagulat kami ng may maamoy na masarap. Napatingin kami at nakita namin ang isang malaking lamesa sa unahan namin. Abot-tanaw lamang namin ngunit para bang napakalayo nito.

"Shit..." Napamura nalamang kaming lahat. Napalaki ang aming mga mata ng makitang naglalakad papunta sa amin si Storm na may suot ng tig-lilimang bangle sa bawat kamay at anim sa bawat paa. "Anong?? That imposible!!" Malakas na reak ng isa naming kasama. Siya si Hazel.

"How the heck did she walk like a normal??" Shocks... Maging ako ay walang masabi.

Isang ngisi lamang ang sinagot nito.

"You want to eat?? Then go!" Halos tumulo naman ang aming mga laway dahil sa gutom.

*****

Storm Pov

Napangisi na lamang ako dahil sa kanilang mga reaksyon. Right now ay masigasig na silang lahat. Tulong-tulong ang bawat isa na maglakad at inaalalayan ang isat-isa. Good!

Tinitingnan ko lamang sila, I really love watching someone suffering. Oh! My bad...(Insert the sarcasm)

Ilang oras pa bago sila makarating sa harap ng lamesa. Parang nagkaroon ng adrenaline rash yung mga katawan nila na tila ba nakalimutan nilang lahat na may mga suot nga pala silang mabibigat na bagay. Kanya-kanya na silang kuha ng pagkain. Nagpakabusog talaga ang mga hudyo at walang kahit isang piraso ng karne ang itinira.

Napailing na lamang ako. Matapos magpahinga ng ilang minuto ay Pumalakpak ako para makuha ang kanilang attention.

"Now that you can stand, your next task is to run, run 50 rounds before the clock hit on 6... same rules," I snap my fingers and a large clock appear above the ground. The clock hand is currently in 2.

"What??--" Hindi na nila natapos ang kanilang reklamo, I quickly dissappear infront of them.

It is only two o'clock in the afternoon. I decided to roam around the campus.
I was just alone at wala sa sariling naglalakad ng bigla nalang akong harangin ng kong sino mang animal nato.

I raise my head and saw the annoying face of a fucking bitch. It was Hurri and her group. The exact people I saw eating on the dining hall that day.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin lamang ng seryoso sa hudyong kaharap ko.

"Now, now...look who's here, my dear weak and pathetic sister..." Isang nakakasuyang ngisi ang kanyang pinakawalan sa gawi ko.

"Who are you??" Iyon lang ang binitawan kong salita at talaga naman sumabog bigla sa galit ang animal. Biglang namula ang pisngi dahil sa pagkapahiya.

"You..." Akmang sasampalin niya ako ng magteleport ako papuntang likuran niya at sinipa siya sa likod. Walang hiyang to, kitang mabigat yung katawan ko dahil sa mga bangle na suot ko tapos dadagdagan pa.

"How dare you to do that??" Agad naman akong sinalubong ng isa pang animal. Yes, it was Rain. Nakita kong nakatingin lamang ang ibang Royals at walang pakialam.

Nagkumpulan narin ang mga studyante at kanya-kanyang komento.

"Sino ba yang gagang yan? Hindi niya ba kilala ang mga kaharap niya? They are the S class idiot," Marites 1.

"Oo nga, ang kapal ng mukha," Marites 2.

"Tingnan mo naman, galing pala yan sa walang kwentang section kaya naman hindi na kataka-taka na wala ding kwenta," Marites 3

"Geez, di rin yan magtatagal, tiyak akong mamamatay din yan, loser," Marites 4..

Gandang pangalan noh!

Ng matanaw kong papunta sa gawi namin ang nagmamadaling si Dark ay hindi ko na pinigilan ang tirang pinakawalan ni Rain. Pumikit na lamang ako at nanalangin na hindi sumayad sa maganda kong mukha ang maruming apoy na yan.

"Fuck! What the hell are you doing??" Dumagundong sa buong hallway ang tinig na nakakatakot.

"Dark my love, buti at dumating ka, maayos na ba ang pakiramdam mo??" Maarteng sambit ni Hurricane at agad na lumapit sa galit na galit na si Dark. Napakunot ang noo ko sa hindi ko malamang dahilan, lalo na ng makita kong niyakap ng hayop na lintang yun si Dark.

Napakuyom na lang ang mga kamay ko at akmang tatalikod na. Nagulat ako ng mabilis pa sa kidlat na nakarating si Dark sa harapan ko. Hinaplos niya ang aking mukha kaya bahagya akong napapikit.

"Hey, are you okay? Nasaktan kaba??"
Punong-puno ng pag-aalala ang maririnig mula sa kanya.

"What are you doing Dark?? Do you know who is that bitch? Bakit mo ba siya ipinagtatanggol??" Galit na galit na sambit ni Hurri. Kitang-kita ang labis na galit nito dahil sa nag-aapoy nitong mga mata habang nakatingin ng mariin sa mga kamay ni Dark na nakapulopot sa aking bewang.

I smirked at her, now, now. Mukhang may bago na naman akong alas. Napangisi ako ng malaki sa aking naisip at tumingin ng deretso kay Dark. "Don't you DARE to hurt her, or I will be your nightmare..." Bakas ang pagbabanta at diin sa bawat salitang kaniyang binitiwan.

"Dark?? Anong ibig sabihin nito??"

Reborn As A Vampire Goddess: Love of a thousand yearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon